Chapter 4.
Ano kayang ibig sabihin ni Alron sa see you na yun? Naguguluhan pa man din ako hanggang ngayon. Kung pumayag siya, aba eh friday na ngayon. Dapat pinag uusapan na namin kung anong oras kami magkikita bukas. Siguro nga joke lang siguro yun.
"Psst. Kanina ka pa nakatulala?" Napabalik naman ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Jade.
"Ha? Ah, eh. Wala yun. Sorry." Iniba ko nalang ang usapan para hindi na ko pag tuunan ng pansin nitong si Jade. "Uhh, kelan niyo balak simulan yung planning para sa thesis niyo best?" This was shocking but the true is that i really sounded too sad.
"Bukas. Sa bahay nalang namin pupunta si Mark." Diretso sa pagkain si Jade ng mamon niya.
"Uy, mag-ingat ka dun ha. May pagka casanova yun." As i said that, Jade's expression remain calmed. Then she smiled.
"We can trust him, best. I'm sure. Kahit pala ganun yun, pag nakilala mo ng malapitan, mabait din naman pala siya." Umiling iling nalang ako. Naririnig kaya ni Jade ang mga sinasabi niya?
---
Pag-uwi ko sa bahay, amoy sunog na kanin. Kinabahan agad ako at tumakbo papuntang kusina. Kamuntik pa akong madulas sa doormat namin. Pagkadating ko sa kusina...
Ako: (O______O?)
Kuya: (>_______<!!!!!!)
"A-anong nangyari?" Kahit nagtatanong ako alam ko na kung anong nangyari.
Hindi naman pinansin ni Kuya ang tanong ko at dire-diretsong sinabi papalayo, "ako nalang kakain sa tutong. Kung gutom ka na sa gitna ka kumuha." Napatulala naman ako saglit sa kanin hanggang sa di nagtagal...
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!" Hawak ko na ang tiyan ko sa kakatawa. "Si Kuya Miko, hindi marunong magsaing! Hahahahahahahahahaha!!!!" Eto namang tinatawanan ko parang wala lang pakialam.
"Oo, hindi ako marunong kaya bukas, ikaw ang magluluto para sa mga kaklase ko." Patuloy pa din ako sa pagtawa nun hanggang sa nag sync-in sa utak ko yung sinabi ni kuya.
"Bakit? Anong meron?"
"Pupunta sila dito. Gagawa kami ng plates." Architecture kasi ang course ni kuya. Alam kong napakahirap niyan kaya siguro by group sila. "Okay lang ba sayo bunso?" Natuwa ako sa endearment ni kuya kahit mababaw lang kaya napapayag niya agad ako.
Maaga pa nang humiga na ako sa kama. Siguro ay sa sobrang pagod din, mentally. Biruin ba naman tatlong quiz sa major subjects kanina. Haay. Fourth year nga naman.
Papikit na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Maswerte tong nagtext at hindi ko pa nasisilent ang phone ko kundi bukas ko na mababasa ang text nito.
1 message received from Best. Ohh. Kay Jade pala.
^Best! Sorry! Sorry sorry talaga sobra! Sorry na ha?^
Ano namang problema nito ni Jade at biglang nagtext ng ganito? Wala akong maintindihan. Nireplyan ko naman agad siya kung bakit siya nagsosorry pero hindi na siya nagreply. Weird.
---
"Good Morning Michelle!" Nagising ako sa katok at sigaw ni kuya. Nagtalukbong muna ako ng kumot.
"Ang aga pa kuya. Mamaya na." Narinig kong bumukas ang pintuan ko ng kwarto ko pero maliit lang. Siguro ay sumilip lang si Kuya.
"Yeah, i know. Magpapaalam lang ako. Aalis lang ako. Pupunta lang ako sa meeting place namin. Hindi kasi nila alam yung bahay natin. Saglit lang ako." Tumango nalang ako pero napansin kong hindi niya pala to makikita dahil nakatalukbong ako kaya nag thumbs up nalang ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Her Affliction
أدب المراهقينI love her. Yes. I really do. Wala akong pakialam kung hindi man niya ako masuklian basta ang alam ko mahal at mamahalin ko siya sa oras na minahal at minamahal niya ko.