Chapter 3

14 0 0
                                    

Chapter 3.

Papasok palang ako sa loob ng classroom para sa physics class namin ng iremind ako ni Angelee, ang captain ng team namin na may training sa christmas vacation. Nanlumo naman agad ako dun. Pero hindi naman daw araw araw, itetext nalang daw niya kami kung kelan magkakaroon at sa tingin niya, mga 3-5 days lang yun. Hindi naman straight days. Hindi din daw naman tatapat sa christmas day. Kaya walang dapat ipag alala.

Nang makapasok na ako sa classroom, saka ko lang narealize na late ako ng 2 minutes. TWO MINUTES.

"I'm sorry mam. My fault." Tumango nalang si Mam Cruz at pinaupo na ako. Napansin ko naman ang klase na wala sila sa tamang upuan. Lumapit ako kay Jade at tinanong kung anong nangyayari.

"Pinapunta na kami ni mam sa mga designated buddies natin para sa thesis. Ieexplain na niya ang project natin." Ako naman, na nalilito padin ay umupo nalang sa pinakalikod. May vacant seat sa tabi ko which means--, wait. Wala pa akong partner!

Tokwa naman kung kelan meron na silang lahat. Yata?

Tumingin tingin ako sa paligid ko kung sinong wala pang buddy. Sa tingin ko lahat meron na eh. Puros may katabi na sila. Paano kaya kung sabihin ko kay mam na magthree groups nalang kami ni Jade? Pwede naman yata kasi wala na talaga akong ka buddy.

Tatayo na sana ako para lapitan si Mam ng may umupo sa tabi ko.

"Game." Huh?

"A-alron? Pumapayag ka na?" Nagulat ako sa pag-upo at pagpayag niya. Hindi kasi siya ganito.

"Ayaw mo ba? Edi makikipagpalit nalang ako." Patayo na sana siya ng pinigilan ko.

"Teka teka!" Pinaupo ko ulit siya. "S-salamat ha." Tumingin lang to sakin ng diretso at iniwas na ang tingin at kumuha na ng papel at ballpen para magtake down ng notes sa ieexplain ni mam.

"Okay. This thesis will be your FIRST and LAST. Kaya kailangan niyo tong pag tuunan ng pansin." Yumuko si mam na wari'y may kinukuha sa teacher's table, isang fishbowl na may laman na mga folded papers. "For the topic of your thesis, eto ang pagpipilian niyo." Tinuro niya ang nasa loob ng bowl. "Draw lots. Para fair. Baka may magka pareho din kasi ng topic. Ako ang namili ng mga yan. Don't worry. Madali lang yang mga yan." Ngumiti si Mam Cruz na para bang kinukumbinse kami na madali lang. Nag-ungulan naman sa loob ng classroom na para bang hindi nila kaya.

"Kaya niyo yan. Oh go. Bumunot na kayo." Nag unahan naman ang mga kaklase namin sa pagbunot. Dahil nasa likod kami ay hinayaan nalang namin sila mauna. Nang matapos na sila ay tatayo na sana ako para bumunot.

"Ako na." Tumayo agad si Alron at napansin kong kami na lang ang hindi pa bumubunot. Gentleman naman pala. Isa na lang ang papel sa bowl kaya no choice at kinuha nalang ni Alron yun.

Bumalik siya sa upuan niya at binuksan ang papel. 'Common illness and diseases of these days and how to prevent it'. Mukang madali lang naman magresearch dito nang..

"Sa bawat topic, kailangan niyo ng isang representative na magpapatunay ng thesis niyo. For example, sino ang nakabunot ng, 'pollution that contributes our environment and steps in lessening it'?" Nagtaas naman ng kamay sina Mark at Jade. Sila pala ang nakabunot. Tumango naman si mam. "Pwede kayong makipagconference sa isang environmentalist o isang representative sa DENR. Pwede din kayong mag interview ng mga clubs ang oraganizations na connected about sa environment." Tumango naman sila at nag-usap ulit.

"Just remember class, ayoko ng puro research. Make it creative. Kung nagpplan kayo ng isang conference, pwede niyong ivideo bilang documentation. Kung hindi niyo naman kaya, just make a research with the person's signature na nagpapatunay na galing ang interview niyo sakanila."

*KRIIIING*

Recess na at nagpaalam na si Mam. Bahala na daw kaming magset ng time para magawa ang thesis. Basta ang deadline, January 3. Sa mismong pasukan. Ang bilis naman yata. Sana makayanan namin to.

Palabas na sana ko ng classroom nang i approach ako ni Alron.

"Uhh, kelan natin sisimulan? Yung ano, thesis?" Halatang nahihiyang nagsusuplado siya sakin kaya medyo napangiti ako.

"Kelan ka ba available? May training kasi ako tuwing hapon eh." Napaisip ako na wala nga pala kaming training sa weekends. "Sa weekends wala."

Napaisip naman siya at di alam kung papayag ba siya. Pero di ko naintindihan ang sunod niyang sinabi.

"See you. Loise." He smiled and with that, he left.

Iba akong naramdaman ko nang nakita ko siyang ngumiti. Hindi ko alam kung ano. Basta ang alam ko, I'm starting to admire him.

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon