Chapter 5

11 0 0
                                    

Chapter 5.

Matapos naming kumain ay pinaakyat nalang kami ni kuya sa kwarto ko. Doon na lang daw namin ipagpatuloy ay ginagawa namin dahil i-ooccupy nila yung buong baba.

Sa totoo lang ay ayaw kong may pumapasok na ibang tao sa kwarto ko kahit si Jade. Pero sa ganitong sitwasyon, wala na kong magagawa.

Pumasok na ko sa kwarto at tinago na ang laptop ko. Si Alron naman humiga sa kama ko na parang feel at home. Umikot ikot ang paningin niya sa kwarto ko. Nang matapat ang mata niya sa terrace ng kwarto ko, lumabas ito na parang may tinatanaw. Sumunod naman ako.

"Ayun oh..." Nakatingin siya sa kung saan. Sinundan ko kung saan siya nakatingin. Isang bahay. Maliit pero maganda. Parang samin lang din. May terrace din siya.

"Anung meron dun?" Pagtataka ko.

"Yung bahay namin, ayun." Bakit sa tinagal tagal ko na dito, hindi ko alam na bahay pala nila yun?

Humarap ako kay Alron. Meron pa kong tanong na hindi pa nasasagot.

"Kanino mo nakuha yung number ko?"

"Ahh, kay Jade pala. Kagabi lang." Kaya ba nagsosorry kagabi sakin si Jade kasi hindi siya nagpaalam sakin kung pwede ibigay yung number ko kay Alron? Naku, kung yun man, ayos lang naman.

Bumalik na kami sa loob ng kwarto at pinag usapan namin kung kelan ito sisimulan. Tutal malapit na mag christmas break, doon nalang namin yun sisimulan.

"So okay na tayo?" Kasi kung oo, magpapahinga na ako. Mag a alas kwatro nadin.

"Uhuh."

"Osige. Kita nalang tayo sa monday. Hatid kita gusto mo? Para malaman ko din yung bahay mo."

Pumayag naman siya. Actually ayaw nga niya eh. Kasi pag babalik ako, mag-isa na lang daw ako. Pero pinilit ko pa din siya.

Nagpaalam ako kay kuya. Nagulat nga siya eh pero inexplain ko naman na few blocks lang naman yung sa kanila.

Habang naglalakad kami, napansin kong mahilig siyang ipamulsa ang kamay niya. The cool Alron type. Medyo awkward nga kasi walang nagsasalita.

"Nasaan yung parents mo?" At yun, binasag na niya ang katahimikan.

"Nasa palawan, business matter." He nodded.

"My mother died when i was ten. Valvular heart disease. My father abandoned me." Nagsigh siya at yumuko. Another fact from Alron. Pero kung ganun sino ang bumubuhay sakanya?

"S-sino--"

"Lumayas ako samin nun simula nang magdala si daddy ng iba't ibang babae. Hindi ko alam kung san pupunta nun. Nagpalaboy laboy ako. Pakiramdam ko nun wala nakong pag-asa. Hangga't nakarating ako dito. Then one day, pinasok ko ang bahay na yun." tinuro niya ang bahay nila. Malapit na pala kami.

"Ang dami dami nilang pagkain nun. At dahil gutom na gutom nako, magnanakaw na sana ako ng pagkain pero nabigo ako dahil may nakakita na sakin. Si mama Joy. Saka ako nawalan ng malay nun. At yun, that day mama adopted me." He collected hisself. Nandito na pala kami sa bahay nila. May lumabas na babae.

"Oh anak nandyan ka na pala! Uhh, hello hija," ang cute naman ng mama niya.

"Hello po t-tita" ngumiti ako ng komportable.

Binuksan na ni Alron ang gate nila at pinapasok muna ako. Ang ganda nang bahay nila. Maliit man, presentable at malinis naman. Pinakilala naman ako ni Alron sa mama niya. ang gandang bata ko daw. Pinakain din ako ni tita sakanila. Ayun, chitchat about sa family. Maya-maya, bumaba din ang papa ni Alron. Pinakilala din niya ako. Wala pala siyang kapatid. Hindi din kasi magkaanak si tita joy at buti nalang daw at napunta sakanila si Alron. Uuwi na sana ako pero pinapahatid nanaman ako ng parents ni Alron. Wala naman akong magawa kasi madilim na din daw at delikado na.

"Nakakahiya naman. Pabalik balik ka na. Kaya ko na naman mag-isa."

"Ayos lang. Tama naman sila."

Nagsimula na ulit maging awkward ang atmosphere. Kaya ako nalang ang nagsimula nag topic.

"Anong balak mo sa christmas vacation?"

"Gagawin ang thesis natin."

"Hahahahahaha! Ang ibig kong sabihin, sa mismong pasko. Sa 25." Nakainis na nakakatawa naman pala to.

"Dapat kasi nililinaw mo." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Na offend naman yata ako?

Wala nalang nagsalita sa buong paglalakad namin. Nagpaalam nalang ako sakanya pagdating samin. May masama kaya akong nasabi sakanya?

---

Monday.

December 18.

2 days nalang pala bago ang christmas party. Nothing new.

"Best! Tara sabay na tayo pumuntang gym! Malalate na tayo sa training!" Eto nanaman kami ni Jade at nagpapandalas na pumunta sa gym.

Pagdating namin, buti nalang at hindi kami pinagalitan. May mga tao pa sa gym. Yung iba may practice, yung iba nanonood lang ng training. Kasama na dun si Alron. Sino kayang inaantay niya?

Nagsimula na ang practice. Ginawa muna akong libero ni Mam R. Absent kasi si Anne, ang libero namin. Hindi pa man din ako sanay sa role ng libero pero kakayanin din.

Nagsimula na ang practice game. This time nasa kabilang opponent si Jade. Nakakainis. Dapat nasamin nalang siya. Best attacker pa man din siya.

Naipasa namin ang bola sa kabilang opponent. Sinet ni Dayne. Saktong si Jade ang aattack at tantyadong sakin ang bagsak. Nang maispike na niya, tumama eto sa mukha ko at natumba ako.

"Best!! Sorry! Okay ka lang?" Tumakbo sila lahat saakin. Medyo nahilo ako kaya hindi ako makatayo agad.

"Okay ka lang Misha? Gusto mong dalhin ka na namin sa clinic?" Inaya nako ni Mam R.

"Okay lang po ako mam. mag sub muna po kayo, bangko muna ako." Tumango naman si Mam at pinasok ang iba pang trainee. Nagsimula nakong tumayo nang,

"Misha! Dumudugo yung ilong mo!" Na concious ako sa sarili ko at hinawakan ang nguso ko. Meron nga.

Sinamahan ako ni Jade papuntang clinic. Panay ang sisi niya sa sarili niya kung bakit nainjure pa ako. Sabi ko ayos lang naman at hindi niya yun sinasadya. Pinauna ko nadin siya sa gym para mgtraining. Susunod nalang ako.

Nang matapos na ako lagyan ng medication, naglakad agad ako papuntang gym para makahabol nang makasalubong ko sila Alron at ang mga katropa niya. Ang ingay ingay nila, nang makita nila ako, bigla silang natahimik. Nakwento niya kaya sakanila yung nangyari last saturday night?

"Pre! Kilala mo ba siya?" Lumapit sa tenga ni Alron yung isa niyang katropa. "Pwede siya ah."

Nawala naman ang ngiti ni Alron sa sinabi niya. Miski ako ay nagtaka din.

"Uhh, hi Alron." Bati ko sakanya. Para naman hindi ako nag-iisa at ma-OP.

"Hindi. Hindi ko siya kilala. Pre wag yan. Tara na." Umiling nalang yung mga kasama niya at umalis na sila.

Why in the world would you deny me, Alron?

Her AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon