!Errors Ahead!
(╯°□°)╯︵(\ .o.)\
Shane's Pov:
Napamulat ako ng bigla nalang kaming hablutin ng white lady. "Grabe! anong klaseng panaginip naman yon?! panaginip naman laang pala!" Sabi ko at umalis na sa higaan para pumunta sa kusina.
Napangiti naman ako ng makita si Alyana na nagluluto, "Sanaol early bird!" Sigaw ko at pumasok sa loob ng C.R. Naligo muna ako dahil grabe na ang pagkabanas ko ngayong umaga, bakit ba ang init init?!
Inisip ko naman agad yung panaginip ko. Tama naman ang panaginip ko, na umalis lahat ng pamilya namin para magbakasyon at napilit lang namin silang hindi kami sasama. Masyado baga naman kasing nakakatamad. Ang kaso nga lang! Bakit naman nagkaroon ng white lady doon?!
"Hayys!" Akala ko talaga totoo na yun! Balak pa naman naming hindi matulog mamayang gabi, well ang panaginip naman ay panaginip. Pinatay ko na ang heater ng matapos na akong maligo.
"Anong oras na?" Tanong ko kay Alyana.
"Ala una na ng hapon, nagising lang kase ako ng mga tuwelve kaya ang umagahan na natin ay tanghalianna rin natin." Gague! Kaya naman pala ang banas! Tanghali naa!
Kumain nalang kaming sabay dahil itlog na prito at ginisang cornbeef ang ulam namin ay syempre ginanahan ako kumain. Ngayon lang ulit kami kakain ng ganitong pagkain dahil panay gulay ang kinakain namin nung nandito ang magulang namin.
Hinugasan ko nalang ang pinggan at nagwalis ng bahay, winalisan ko din ang labas at halos ata ng ginagawa ni Nanay ginawa ko na. Masipag lang talaga ako kapag mag-isa sa bahay dahil pag inuutusan ako ay talaga namang mas nakakatamad.
Si Alyana ang cook samin dahil kina career na niya ang pagluluto, kahut pag pi prito lang ng itlog at hotdog yun. Mga tapos na kami sa kolehiyo pero wala paring pinagbabago buhay namin dahil same routine parin kami tulad ng dati.
Papasok ka tapos may baon, papasok sa trabaho may suweldo. Huminga ako ng malalim habang nakahiga at nagsusulat ng special chapter para sa last Island series namin.
"Hoy, may tanong ako. Si Haynes baga nung mga una unang chapter ay lumayas na sa isla? Or sa chapter 2?" Tanong ni Alyana sa akin na nginiwian ko.
"Hindi ko alam pre! Ang alam ko lang ay yung flow pero di ko na masyado tanda ang details. Bakit?!" Tanong ko na inilingan niya.
"Wala lang, napatanong lang." Napailing iling ako sa kaniya at bumangon sa higaan. Tiningnan ko siya na nasa kabilang higaan.
"Tapos na kooo!!! Tapos na ang Island Series natennn!!!" Tuwang tuwa kong sabi at binuksan na agad ang tiktok app ko. Napangiwi naman agad ako ng ang mga readers namin ay ang lalakas ng cignal. Kakapublish ko lang kanina ah, may post agad sila.
Dahil unang bungad sa tiktok ko ang kakasulat palang na chapter. Nag scroll lang ako at halos hindi agad nakahinga sa sobrang pogi ng anime character na si Gojo! Asawa kooo!
"Syet! Ang pogi pogi talaga ni Satoruu!!! No wonder naging asawa ko to."
"Shane, tingnan mo to!" Tiningnan ko naman ang sinasabi niya at napatawa doon. "HHAHHAHHAHHAHH!" Halos hindi na ako makahinga at pinapahid na ang luha habang hawak ang tiyan sa sobrang sakit nito.
Sabay kaming naghampasan na parang baliw at napasigaw kami ng magpatak kami sa higaan niya. Tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko at tumayo na ako.
"Parang ewan lang eh!! Potchii!!!" Ini offer ko naman ang kamay ko kay Alyana pero halos manigas ako sa aking na realize. May tinanggap akong kamay kanina, pero hindi naman kay Alyana iyon dahil hindi pa naman siya nakakatayo!
YOU ARE READING
Let's Run Away
RandomBecause of not sleeping, Alyana and Shane found themselves in a strange room. They were surrounded by many hot man and womans and asking questions in front of them. Turns out that they entered the world they both written. A world of their fantasies...