2: Money Maker

18 8 0
                                    

!Errors Ahead!

(╯°□°)╯︵(\ .o.)\


Alyana's POV

"Hoy! Alyana, may building oh!" Pake ko naman sa building? Tiningnan ko parin yung building na tinuturo niya at nakakunot noong tiningnan iyon. Ako bang mayroon doon?! Hindi pa ba ito nakakakita ng building?! Sira rin ata ang utak ah.

"Tanga! Kailangan ko pera hindi makakita ng building!" Reklamo ko kaagad matapos pagmasdan ang building na tinuro niya.

"Ano ba?! Kanino moba nakuha yang pagiging slow?! Malamang mag aapply tayo ng trabaho dyan pre!" Shuta! Oo nga ano?! Hirap talaga pag pinanganak ng slow 'e. Lumapit agad ako sa kanya at tiningnan ulit yung building.

"Gago pre! Sa tingin mo tatanggapin nila tayo dyan?!" Naknampucha! Naka Nurse and Doctor uniform kami! Baka masabihan pa kaming tumakas sa duty.

"Pre! Narinig ko kanina dun sa dalwang babae, kailangan daw ng tao dine." Bulong pa sakin ni Shane. Shuta! Kelan pa to naging chismosa?! Sa pagkakatanda ko lagi lang nag susulat to ng story nya. Kaya ayon! Napunta sya sa sinusulat nya nadamay pa ako!

Sabagay ako rin naman yung nagsulat nung iba ron pero istorya niya ang napasukan namin, ang kahuki hulihan nga kamo na serye ng aming collab.

Pumasok kami sa loob ng building. Nakakapag taka lang walang guard tangina! Halatang halata naman na wala na silang pera ano?

"Par! sigurado kaba dito? Mukha talaga tayong nurse at doctor na tumakas sa trabaho! Baka nakakalimutan mong hindi rin tayo taga rito?!" Naniniwala naman ako sa kakayahan namin dahil ako ay civil engineer ang trabaho roon sa earth, yon nalang ang itawag ko dahil hindi naman ito earth eh.

Idadgdag mo pa na si Shane ay Architect na kakaiba ang designs at hindi ko pa matanggap dahil sa hirap. Sa dinami rami baga naman kase ng architect na kukuha sa akin noon ay siya pang kung makapag design eh akala mo'y ambilis buuin.

"Bahala na si batman! Gagabayan nya naman tayo." Gago! Kelan pa nag exist sa mundo si batman?! Pero baka naman possible iyon rito sa mundo ng mga characters namin na ka duplicate ng earth pero ang kinaibahan lang niya ay ang Philippines ang ginawa naming pinakamalaking kontinente at ginawa naming bansa ang Laguna kung saang province kami nakatira.

Sa dinami rami ba naman kase ng world building ng author na si Shane ay ganito pa ang naisip niya, pati tuloy ako nadamay! Umiling nalang ako. May nakita kaming mga empleyado at pinag titinginan kami. Duh! Ganon talaga pag maganda!

"M-ma'am hindi po ito hospital or mental." Aba! Gago to ah. Ang ganda namin tapos sasabihan lang kaming baliw?! Sakalan na to.

"Ate, hindi po kami mga baliw." Mahinhin na sabi ni Shane. Ang hinhin kase nung baba- wait familliar sya. Gago! yan yung character din sa story namin, e. Siya ang dahilan kung bakit hindi pa lumulubog ang kumpanya na ito na hindi na ata kinakaya. Biruin mo na dahil lang ang asawa ng ceo ang tumulong kay Stacy na anghel nung wala siyang trabaho ay hindi na nagdalawang isip si Stacy na bigyan ng tulong ito simula ng mapalipat siya sa kumpanya ng asawa niya.

Kung puwede na don kami mag apply ng trabaho sa asawa niya eh ang kaso kami nga ang target ng mga 'yon dahil kay Frederick Terrian na character ni Shane na ginawa baga namang matulunging redflag.

"Ah eh ano pong ginagawa nyo dito?" Napatingin ako kay Stacy nang inosente kami nitong tanungin. Jusko! Bakit ba ako gumawa ng character na ganto? Buti nalang mana saken na innocent and kind ang mga characters ko na kabaliktaran nung kay Shane!

Ngumiti nalang ako sa kanya. Hindi ko alam na mapupunta pala rito si Stacy. "Gago ka! Ikaw makipag usap dyan! Tutal ikaw gumawa nyang character na yan." Bulong na sigaw sakin ni Shane. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Ate, Nandito po kami para mag apply ng trabaho hehe." Tangina! Hirap naman maging anghel.

Let's Run AwayWhere stories live. Discover now