!Errors Ahead!
Alyana's Pov
"Where is she?"
Nandito kami ngayon sa dining hell este hall. Pano ba naman! Nakaharap kami ngayon sa dalawang anak ni Satanas. Ay talaga namang ayaw kona talaga.
"S-she? Sinong She? Wala kaming kilalang ganon." Napalingon ako kay Shane gamit ang acting skills ko. Putol putol pa siyang tumawa. Halatang kinakabahan. Ako naman ay pilit na tumawa ng pigil dahil lalong bumigat ang aura nung dalawa.
"Don't be such a leech." Sabi ni Luck kay Shane na nakapag painis sa akin. Pero pinilit ko paring tumawa.
"Tarantado." Bulong ko habang nakayuko at pinagpatulog ang nagpipigil ng tawa na acting. "Aray ko!" Daing ko dahil hinampas ako ni Shane.
"Narinig ko yon! Walangya ka!" Hinampas hampas pa ulit ako na nakapag padaing pa lalo sa akin. "Joke lang pre hoy! Aray ko!" Ang sakit talaga.
"Ehem." Napaayos kami ng upong dalawa dahil sa malamig na tikhim na yon. Bakit koba nalimutang wala kami sa bahay? Shuta! Minakeupan lang ako nadala na nung brush yung sanity ko.
"Again, where's Emiya? I don't like repeating so answer carefully." Malas naman ni Shane sa Doctor na to ang lamig e! Nanginginig ko nalang ginalaw ang utensils dahil nagsimula na silang kumain. Matapos sumubo ni Karma ng pagkain niya ay nagsimula na akong kumain.
"I-I don't know. I swear! I don't remember." Matapos sumagot ni Shane ay kumain na rin siya upang itago ang kaba. Natigilan naman ako ng bumaling ang tingin sa akin ng dalawa na nakapag-painis sa akin. I just hate how they ask us! Ang kulit!
"Aba malay namin sa babaeng yan! Mukha ba kaming pulis para hanapan ng nawawalang babae?!" Sabi ko at napairap pa. Napatakip ng bibig si Shane sa sinabi ko. Nakarinig kami ng sarkastikong tawa na nakapag pakaba sa aming lahat kaya nanahimik ako.
"Alam kong attitude ka pero bakit mo naman dinala dito yan?" Bulong ni Shane sakin. Nakita kong sumama ang tingin ni Dr. Luck sa kabila ng mga tawa niya at nakita kong ngumisi si Atty Karma. Napalunok ako, bakit ko nga ba nadala dito ang attitude ko?
"A-ano... antok na po siya kaya g-ganyan." Kinakabahan na sabi ni Shane at hindi na mapakali kung anong gagawin. Nakangiti lamang si Luck habang matalim na nakatitig sa akin. Tinawag niya ang isang maid para dalhin kami sa tutulugan namin.
"You better warn that woman before I dissect her alive." Narinig ko pang sabi ni Luck bago kami umakyat ng hagdan. Matapos kong marinig iyon ay parang nawala ang lahat ng enerhiya sa katawan ko.
Nang makarating kami sa kuwarto ay narinig ko ang boses ni Shane.
"Huyy! Akala ko ba be careful?" Tanong niya na tinanguan ko. "Oh! Eh ano yon?!" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Pasalamat ka nalang nakalusot tayo." Sabi ko sa kanya na ipinagpasalamat nga niya.
"Pag tayo namatay talaga, patay tayo malamang!" Sabi pa ni Shane. Napasimangot naman ako. "Kaya mag isip kana ng plano para makaalis tayo." Sagot ko at hindi mapakaling nagpapabalik-balik ng lakad.
Hanggang madaling araw ay nagpaplano kaming dalawa kung paano makakatakas sa lugar na ito, at napagplanuhan naming kunin ang loob ng nga maid, guards and Valentino brothers sa loob ng isang linggo. Kailangan din naming maglibot araw araw sa buong mansion para makuha ang blueprint ng mansyon.
Hindi na rin naman magiging mahirap dahil si Shane na raw ang bahala sa pagkuha ng blueprint. Ang gawin ko nalang daw ay magpakabait nalang ulit, lalo na sa Valentino brothers.
Napamulat ako ng mata dahil may kumakatok sa pinto. Tiningnan ko naman ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na.
Parang nawala ang antok ko nang makita ko ang oras. "Shuta! 10 am na?!" Dali dali akong bumangon at hinampas si Shane ng unan para magising pero parang balewala iyon sa kaniya.
YOU ARE READING
Let's Run Away
RandomBecause of not sleeping, Alyana and Shane found themselves in a strange room. They were surrounded by many hot man and womans and asking questions in front of them. Turns out that they entered the world they both written. A world of their fantasies...