3: Karma

20 7 0
                                    

→_→ !!!Errors Ahead!!! ←_←

Shane's Pov:

Halos masira ang araw ko ng makita ang ceo ng napasukan naming kumpanya. Kaya naman pala bumabagsak ang kumpanya kase hindi good looking ang ceo. Pero isang malaking pasasalamat ko nalang sa kanya dahil kung hindi naman pabagsak ang kaniyang kumpanya ay hindi siya mauuto.

"Who the hell are you?" Bungad na tanong sa amin ng panot na ceo na hindi naman nakakatakot, syempre dahil masama-mabait akong tao ay tutulungan ko dapat siya na matanggalan ng problema. Dapat lang na ina-agaw ang kompanya sa mga wapang kwenta at bobong tagapamahala na katulad niya.

"Mag aapply kami ng trabaho." Seryosong sabi ko. Muntikan na kong mapataas ng kilay ng makita ang lipstick stain sa puti niyang polo. Sa sobrang pagsusuri ko na ata sa kaniya ay pati ka manyakan niya ay nakita ko na.

No wonder bumabagsak kumpanya niya.

Hindi ko na maiwasang mapairap sa sinabi niya, nakakainis kasi siya. Buti na nga lang at kay Alyana siya nakatingin. Sa sobrang ganda ba naman ng kasama ko ay nag-iisip siguro ang panot na 'to ng kamanyakan. Syempre, dahil sa hindi ako papayag na ganunin nalang ang pinsan ko ng basta basta ay dapat lang na bantayan ko ang manyak na panot na 'to.

"Sure ba kayo? Hindi hospita-"

"Sir! Wag nyo na pong pansinin yung suot namin. Cosplay lang po ito, estetik na porma kumbaga." Pagputol ko pa sa mga sasabihin niya. Syempre, dapat lang na nasa loko-loko state pa ako.

"Tanggapin nyo na po kami, pangako po iaahon at papasikatin namin ang kompanya nyo." Pinigilan kong matawa sa sinabi ni Alyana, dahil kung hindi lang siya maganda ay hindi naman siya papaniwalaan ng matandang manyak na panot na ito. Kung ako sa kanya ay nagpakalbo nalang siya.

Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay ng ceo, as if namang nasindak niya ako sa ganyan ganyan niya. Baka nakakalimutan niyang nasa harapan niya ang gumawa ng mundong 'to. Aba syempre! Feeling creator ako dito, pero kami naman kasi talaga ang gumawa ng mundong 'to ehem! Kahit kalokohan pa 'to.

"Naghahanap lang kami ng Architect at Civil engineer at wala nang iba pa kaya kung hindi naman ito ang inyong propesyon-" Umupo ito sa swivel chair nya at sumadal. "Sakto! I'm an Architect and she's an engineer!" Excited kong sagot. Pero may respeto parin naman.

Hindi naman ako bingi sa mga narinig ko kanina sa iilan na niyang employee na naubos na ang architect at engineers niya, pati nga investors! Si Stacy nalang ang natira dahil sa utang na loob niya sa namatay na asawa ng ceo na panot.

Hayys! His wife doesn't deserve this.

Napatawa ako sa reaksyon niya nang marinig ang sinabi ko. Mukha kasi siyang hindi makapaniwala, buti nalang at si Stacy ay mabait at kinumbinsi pa niya ang panot na 'tong pumayag. Nagkasundo kami ng isang buwang kontrata, syempre alam ko naman nang lalaganap din itong kumpanya dahil samin. Sikat na akong architect sa earth at si Alyana ang favorite kong engineer dahil gayang-gaya niya ang designs ko.

Buti nalang talaga at uto-uto itong panot na 'to dahil kung hindi ay baka pulubi na kami sa tabi-tabi d'yan. Laking pasasalamat ko na nga lang din kay Stacy sa sobrang kabaitan niya at asikasong asikaso niya kami. Although, bakit parang dito na ata siya tumira?

Isn't she supposed to be with her husband, Shu?

Buti na nga lang at hindi alam ng asawa niya na narito siya dahil patay din kami kung nagkataong alam ni Shu. Half Chinese ito at half Spanish pero sa Laguna siya lumaki. Tama kayo, naririto parin ang mga bansa sa Asia pero may kontinenteng Philippines na ang tawag na dinagdag ko. Ehem!

Let's Run AwayWhere stories live. Discover now