7: Slipped Away

6 6 0
                                    

"Trust me, we'll be able to escape these two. Kilala ko yan, they are nonchalant." Inalis niya ang pagkakahawak sa lubid matapos itali ng mahigpit at maayos. Halos mapasigaw na ako ng tumalon siya at pinasunod ako. Dahan-dahan akong umupo at humawak sa lubid bago bumaba.

Para na kaming unggoy dito. Nagpadausdos na siya pababa ng tuloy-tuloy na parang bihasa na siya sa ganoon. Tumingala siya sa akin at sinenyasan akong gawin din iyon. Kaya medyo niluwagan ko ang hawak sa lubid at ang paa ang hinigpitan ko ng pagkakahawak sa lubid.

I was able to do it but I wasn't able to land well. Buhay ko parin ang dehado dito kaya makisabay tayo sa angas ni Shane. Iniwanan kona ang kubid pero naiwan siyang nagtatanggal niyon kaya tinulungan ko na sya. Nang magpatak na ang lubid ay nagpunta kami sa mala maze na garden.

Shane looked at me and I saw her eyes behind the mask. It's danger! She put her forefinger on her masked trying to keep silent. Tumango ako, masyadong madilim pero sa paulit ulit na pagkaligaw ko dito nakalabas naman ako sa malaking maze. Kaya lang ay may kasama akong maid noon. I suggested na dito kami dumaan kasi naikuwento ng maid na kinaibigan ko na ang Valentino brothers daw ay ayaw sa mga maze.

Naumtog naman ako sa bag ni Shane ng tumigil siya. "Ikaw umuna ikaw may saulo eh." Tumango lang ako at lumakad pauna. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng pudo ko sa biglaang naisip ng sandaling humakbang ako pauna. "Why would they build a garden maze if they hate it?!" Dapat pala dun na kami sa may circuit breaker dumaan! Huhuh.

"Now's not the time to regret, keep moving." Determinadong sabi ni Shane. "Oo na." Sabi ko pero natigilan kami ng makarinig ng malakas na putok ng baril sa gitna ng maze. "Nu yon?!" Na alertong sabi ni Shane. "Gag*, bumalik na tayo ayoko na." Nang sabihin iyon ni Shane ay natigilan ako ng mapalingon sa likuran.

"Shit!"
"Fvck!"

Mura naming dalawa ng makita ang magkapatid sa loob ng maze na binaril ang isang maid. Agad bumilis ang tibok ng puso ko at hindi nakagalaw habang si Shane ay ganoon rin. Ano nga ba ang pinasok namin? Oo kuwentong sinulat namin kung saan puro redflag ang laman!

Nanlamig ang buo kong katawan at nagtago kay Shane. "Ate kooo," Tawag ko sa kanya at siya itong naglabas ng mirror na maliit. "Anong gagawin natin jan?" Tanong ko.

"It's do or die." Sumunod ako sa kaniya at dahil madilim ay hindi namin masyadong nakita ang daan pero thanks to the moon medyo kita pa namin ang way. Napatingin ako sa dalawang magkapatid na naninigarilyo at halos mabingi sa narinig. "Find those two prat or you'll die just like her." Sabi ni Dr. Lushan sa isang lalaki na ang pogi rin.

"Sino yon? Hindi ko yon sinulat." Sabi ni Shane pero agad rin niya akong hinila ng makalampas kami sa isang obstacle. Inilabas niya ang cellphone niya at binuhay ang flashlight. "Himdi naman kaya tayo makita?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi, malayo nabkaya tayo. Feeling ko nga naliligaw na ako eh." Sabi niya habang paliko-liko kami. Nilibot ko naman ang lugar at hinanap ang palatandaan ko. Saulado ko kasi ito sa pamamagitan ng palatandaan. Nang makita sa loob ang bulaklak na maliit na dinukot ko pa sa loob ay tumango ako. "We're on the right path." Pinangunahan ko na siya at lumakad pakanan. Dumeretso lang ako at kumaliwa, at kumaliwa and then kumanan ako.

Naglalakad lang kami ng bigla akong madapa at napatama ang ulo ko sa sahig nakita ko ang agad na paglalabas ni Shane ng cutter at inalis ang bumuhol na vines sa kaniyang ankle. Napahawak ako sa masakit kong noo at pinagpagan ang katawan.

Dederetso na sana kaming lumakad ng bigla kaming nakarinig ng kumakahol na mga aso. "Oh my!" Sabi ni Shane at naglabas ng karne sa bag. Gamit ang cutter ay hiniwa niya iyon at hinagis papalayo ang mga karme, doon naman sumunod ang mga aso na german shepherd pa ata at nang makawala ay tumakbo an kami.

Let's Run AwayWhere stories live. Discover now