4: Luck

18 9 6
                                    

!!! Errrors Ahead!!!

(╯°□°)╯︵(\ .o.)\

Shane's Pov

Napakunoot ang noo ko ng maramdamang may nakadagan sa akin. Napahawak pa ako sa aking ulo na sobrang sakit na parang minaso at pinira-piraso. Ngunit nang tuluyan ko nang iminulat ang mata ko ay nakita ko ang isang bata na magpapaiyak sa mga babae sa mga susunod na taon, na nakadapa sa akin habang tulog.

Mukha palang niya ay kahit ako'y hahanga na. Yikes! Kung pwede ko lang ampunin 'to edi may anak na akong pogi--teka! May bata ba akong sinulat sa story ko? Kahit naman si Alyana eh parang wala! Teka nga muna!

Pinagmasdan ko ang lalaking bata na natutulog na ngayon habang nakadagan sa akin na akala mo'y anak ko, syempre eto naman akong feeling nanay ay inayos ko ang pagkakahiga niya sa akin ng dahan dahan dahil baka magising siya.

Ang cute cute naman niya, may matambok siyang pisngi nakakapanggigil. Napahikab naman ako kaya inayos ko nalang ang higa niya at hiniga na sa tabi ko habang yakap ko, syempre ang sarap niyang karatig at amoy baby tapos ang himbing himbing pa ng tulog. Awww! Ang cute nya! Matapos ko ring maipikit ang aking mata ay nilamon ako ng antok.

*****

"M-mom." Napamulat ako ng mata nang marinig ang isang maliit na tinig. Doon ay nakita ko na ang ma cute na bata na pilit isinisiksik ang sarili sa akin, at ano raw?! Mom?! Teka nga at may misunderstanding dito. Sa ganda kong toh! Tatawagin niya akong Nanay?! Talaga bang mukha na akong haggard gawa nung plates na tinapos ko kagabi?!

Hayys, sabagay ay mapogi at cute rin naman itong bata kaya wala akong magagawa kundi sakyan ang trip niya kuno. Wala akong natandaang may bata sa istorya ko ha? Tapos idagdag mo pa yung mga kabaliwan ko sa story na pati mga bata ay pinagmalupitan ko, dahil galit ako sa mga bata.

Pero syempre ay exempted na ang batang ito na mukhang mayaman pa. Teka! Speaking of mayaman hindi naman kaya pamangkin ito ng mga Valentino brothers? Matanong nga. Hayys! Mukha talaga kaming mag-ina sa puwesto namin.

"B-baby?" Malambing kong tawag sa kanya kaya napatingala siya sa akin at ako naman itong napatingin sa kaniya. Oy! Bakit may green eyes ka rin?! Tanong ko nalang sa isip ko dahil baka matakot pag natanong ko siya.

Ako nagsulat sa kanya ah, naulila na sila ng kakambal niya pero hanggang ngayon hindi parin nila nahahanap ang kakambal niya. Poor babies, sino ba kaseng cruel na nagsulat non-ehem! Sino nga ba?! Si Alyana yon eh! Hindi ako! Ipinasa pa nga sa walang alam. Sabi ko pa sa sarili ko at napailing.

Nabaling naman ang tingin ko sa kaniya na akala mo'y nakakita ng robot na tulala dahil sa malfunction. "H-hug." Sabi niya at yumakap sa akin, kung hindi nga lang siya bata ay napagkamalan ko na siyang manyak dahil sa dibdib ko pa talaga niya sinusubsob ang mukha niya.

Marahan ko nalang siyang inilayo sa akin at bumangon ako, bumangon rin naman siya at saka ko nalang binuka ang mga braso ko na parang inaaya ko siyang yakapin ako. Agad naman siyang yumakap sakin at kumalong narin. "Tell me why my baby is like this?"

Humigpit lang ang yakap niya sakin at lumipas ang ilang minuto bago siya sumagot. Oo nga pala at uutal-utal siyang magsalita dahil epekto yon ng aksidente, minsan nga hindi siya nagsasalita ng buong isang linggo. Pero bakit naman yata ang talkative niya saken aber?! Di bale, maging nanay muna tayo para kahit papaano ay makabawi tayo sa kasalanang nagawa natin sa cute na batang ito.

Pasensya na baby, hindi ko naman sinasadyang patayin ang magulang mo atsaka buhay naman ang kakambal mo. Makukuha 'yon ng female lead at ibibigay sa tito mong attorney.

Let's Run AwayWhere stories live. Discover now