!!!Errors Ahead!!!
[̲̅$̲̅(̲̅ ͡ಠ_ಠ)̲̅$̲̅]
Alyana's Pov
"You look familiar." Kinabahan agad ako ng marinig ang sinabi niya, Fafa nakakatakot ka po. Sabi ko sa aking isipan bago sumagot gamit ang acting skills. "H-huh? S-sir, h-hindi k-ko pa po kayo na me-meet." Inosente kong sabi with matching taas ng kilay dahil confused din naman ako at dahil naman sa madilim ay hindi ko alam ang naging reaction niya.
"Hmm, is that so?," Napalunok ako sa sinabi niya at naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko ng maamoy ang pabango niya, sign na malapit siya sa akin. "Pedro," Nagulat nalang ako sa sinabi niya. Pano, pagsasalita pa lang niya kinatatakutan ko na.
"YES! BOSS??" Dinig kong sigaw ng lalaki sa di kalayuan. "I'll bring her with me, go and take her." Ha?! Sigaw ko sa isipan ko dahil baka masungalngalan pa ko ng bala nito edi patay ako pag sumigaw ako dito.
"B-bring-? Y-yes boss." Hindi ko na ma gets kung kinakabahan ba ang lalaking ito dahil sa kalma ng boses niya na pautal utal naman. Pero teka! Anong bring?! Nasisiraan na ba ng ulo tong Karma na ito at pati ako ay dadalahin niya!
Nakaka-stress na nga itong trabaho ko, dinagdagan pa niya! Pano na ko neto?! Kamatayan ko na ba?! Relax Alyana! Mabubuhay ka pa nyan! Tiwala lang! Idaan nalang sa landi para kahit papaano eh hindi magmukhang treath sa kaniya. Iisipin niyang isa akong babaeng gusto lamang siya at baliw na baliw sa kaniya.
I hate it but I know how effective it is.
Tama! Atleast hindi ako katulad ni Shane na hindi marunong magpanggap kase laging guilty sa lahat kahit wala siyang ginagawa. Mas maigi pa ko. Inalis ko na ang stress na nararamdaman at pinagsalikop ang kamay at doon ipinatong ang baba habang nakaupo sa upuan ng limousine niya na apat lang naman ang laman.
Yung driver, isang maid, ako, at siya. Sa unti nga namin dito ay lalong kinaikli ng buhay ko.
Ayon sa pagkakasabi ni Shane, ayaw ni Karma sa mga duwag at ayaw din naman niya sa matatapang. Ewan ko ba kung paano isinulat ni Shane si Karma! Napaka komplikado naman kasi ng pagkakasulat nung bruhang yon sa character na to eh! Pati ako nadadamay!
Nag tulog-tulugan nalang ako sa kotse para mag mukha akong no harm. Medyo off guard ako sa sitwasyon ngayon para magmukha tayong hindi threath sa side character na ito. Agad din naman akong napamulat ng pumreno ang sasakyan na nagpatalsik sa akin mula sa kinauupuan ko.
Napaluhod tuloy ako sa sasakyan, oh syet! Agad ko siyang sinilip sa gilid. Nakapikit ang mata niya habang nakakunot ang noo at nakatukod ang siko sa may bintana ng sasakyan habang naka dekwatro sa pagkakaupo.
Ang hot naman ng Fafa na toh! Napaka redflag nga lang. Buti na nga lang at nakapikit siya, hindi agad ako nakatayo ng imulat niya ang mga mata niya at tumingin sa akin. Kumabog tuloy ang dibdib ko.
Halos murahin ko naman siya ng irapan niya ako at pumikit muli. Aba! May pagka-attitude rin pala ang lalaking ito! Kung hindi lang siya malakas at makapangyarihang tao ay malamang nairapan ko na rin siya. Isa na rin to sa mga dahilan namin ni Shane kung bakit namin pinapalago ang kumpanya ng panot nayon eh.
Kung hindi kami makikipag plastican sa panot na yon! Tsk! Akala ba niya hindi namin alam ang pag kurakot niya sa pera ng kumpanya? Buti nalang at kahit papaano ay matalino yong si Shane at naisip niyang itago yung ibang parte ng pera ng sekreto.
Balak kasi namin ni Shane na ibangon ng unti unti ang kumpanya at patalsikin sa kumpanya yung panot na'yon. Kaya lang ay lowkey muna kami ni Shane para matagumpay naming mahanap ang lahat ng baho nung panot na yon at kami ang mamahala sa kumpanya. Napaka lowkey nga niya na pati ako hindi ko na alam kung ano pa bang plano niya.
YOU ARE READING
Let's Run Away
RandomBecause of not sleeping, Alyana and Shane found themselves in a strange room. They were surrounded by many hot man and womans and asking questions in front of them. Turns out that they entered the world they both written. A world of their fantasies...