Napabalikwas ng bangon si Kyle. Nakita niyang natutulog pa ang tatlo sa miyembro ng exploration team na pinamumunuan niya. Tanging si Steed lamang ang gising dahil ito ang nakatokang magbantay mula hatinggabi hanggang umaga.Kailangang may isa sa kanila na gising para bantayan ang apoy na pantaboy sa mababangis na hayop.
Bagaman siya ang bantay hanggang hatinggabi ay bumangon na siya. Nasanay na ang kanyang katawan na gumising nang maaga. "Anong oras na ba?" tanong niya kay Steed.
"Five o'clock pa lang, Ky." Ang palayaw na "Ky" na nakuha niya nang mag- aral siya sa Amerika ay gamit na rin niya ngayon sa Pilipinas. Karaniwan na walang palayaw ang mga taong may pangalang "Kyle" pero ewan ba niya kung bakit siya naging "Ky."
Sa pagliliwanag ng kalangitan ay kailangang nakahanda na silang lahat para maipagpatuloy nila ang kanilang pakay sa pagtungo sa kabundukang iyon ng Palawan.
"May mainit na tubig na ba?" tanong uli niya. Tumango si Steed. "Nagkape kasi ako kanina kaya nagpakulo na rin ako ng tubig."
Kinuha niya sa kanyang bag ang isang tea bag. Hindi siya hiyang sa kape. Mas gusto niya ang lasa ng tsa.
Hinihigop na niya ang mainit na tsa nang umalingawngaw sa paligid ang malakas na sigaw ng isang lalaki.
Nagising ang tatlong kasamahan niya na natutulog "Boses ng lalaki 'yon, ah!" bulalas ni Steed.
Nagtaka siya nang labis. Paano magkakaroon ng ibang tao sa bahaging iyon ng kagubatan gayong sa pagkakaalam niya ay virgin forest iyon at tanging ang kompanya nila- ang Sea Oil, Inc.-ang nabigyan ng permit na mag- explore doon?
"Baka naman hayop lamang iyon," singit ni Conway. "May mga hayop na animo boses ng tao ang nalilikhang tunog."
Ang anumang pag-iisip o pagbibigay-katwiran sa sigaw na narinig nila ay naputol nang umalingawngaw na naman ang isang sigaw. Malinaw na nagmula iyon sa isang lalaki at sa pagkakataong iyon ay isinisigaw nito ang isang pangalan.
"Kyle! Kyle!"
Napatingin sa kanya ang mga kasamahan niya.
"Ikaw lang ang Kyle sa grupo natin, di ba?" ani Steed. "Ikaw ata ang hinahanap n'ong lalaki," ani Conway.
Napakunot-noo siya. Nakilala na niya ang boses na iyon. Isang taon din kasing araw-araw niyang naririnig iyon.
Mula sa makakapal na damo ay lumabas ang isang lalaking nagsisisigaw pa rin. Tinangka niyang umiwas ngunit nahuli pa rin siya nito. Niyakap siya nito nang mahigpit.
"May ahas na pumulupot sa akin! May ahas!" takot na takot at mangiyak-ngiyak na sabi nito.
Inalis niya ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya. Kapagkuwan ay sinuri niya ang mukha, leeg, at mga braso nito. "Kinagat ka ba?"
"H-hindi ko alam. Nang magising ako, eh, nasa tabi ko na 'yong ahas."
Binalingan niya ang mga kasamahan niya.
"Tumalikod muna kayong lahat."
May gumuhit na pilyong ngiti sa mga labi ng mga ito. Ngunit tumalima naman ang mga ito.
"At walang sisilip!" Binalingan niya ang namumutlang lalaki, hindi nya alam pero ayaw lang ni Kyle na may nakakakita sa katawan ng lalaki na nasa harapan nya ngayon.
"Now, strip. Para malaman natin kung nakagat ka nga o hindi."
Walang pag-aatubiling naghubad ito. Noon siya biglang nagkahinala na baka walang ahas. Baka kasama sa plano nito ang eksenang iyon. Kilala niya ito. Tuso at mapamaraan ito.
Napatiim-bagang siya. Subalit sinuri pa rin niya ang katawan nito. Bukod sa mga kagat ng lamok at insekto ay wala na siyang nakita pang ibang pamumula sa katawan nito.
"You're okay. Siguro ay humanap lamang ng mainit na lugar yong ahas kaya tinabihan ka," sabi niya sa kabila ng pagdududa kung totoo ngang mayroong ahas. Dinampot niya ang mga damit nito. "Now then, get dressed at umalis ka na sa lugar na ito."
"I can't do that! Hindi ko alam ang daan pabalik." "Paano ka nakarating dito?"
"Sinundan ko kayo. Pero kung gusto mong bumalik ako, dapat ay samahan mo ako."
Nagdikit ang mga kilay niya sa iritasyon. "Hanggang kailan ka tatayo riyan nang naka-brief lang? Gubat ito at hindi So start getting dressed!" bulyaw niya rito.
"Ikaw itong may gusto na maghubad ako, no!"
katwiran nito. Sinimulan nitong isuot uli ang mga hinubad na saplot.
"Steed, ihatid mo pabalik ang lalaking ito sa pinakamalapit na kung saan may sibilisasyon."
Lumingon si Steed. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsuyod nito ng tingin sa katawan ng lalaki. Isang bahagi niya ang agad na nakaramdam ng inis ngunit agad din niyang pinaalalahanan ang kanyang sarili na wala na siyang pakialam pa kung makita man o pagnasaan ng sinumang lalaki ang katawan ng lalaki sa harap niya.
"Are you serious? That would be a three-day hike!" reklamo ni Steed.
"At ano ang gusto mong mangyari, isama natin ang lalaking ito sa expedition natin? Magiging pabigat lamang siya sa team."
"I don't think so," singit ni Craven. "Kung totoo ang sinasabi niya na mula nang pasukin natin ang gubat na ito ay nakasunod na siya sa atin, it means kaya niyang maka-survive sa jungle na ito. He may be cute and thin but he's tough."
Matagal na niyang alam iyon. Tinuruan niya ang lalaki kung paano makaka-survive sa gubat.
"By the way, Kyle, hindi mo ba siya ipakikilala sa amin," sabi ni Diesel. "I'm Diesel."
"I'm Ian," pagpapakilala ng lalaki. "Kyle's wife." "Wife!" panabay na bulalas ng mga kasamahan niya. "Ex-wife," paglilinaw niya. Hindi na bago sa mga tao yung kaparehong kasarian na nagmamahalan pero yung nakakagulat sa situwasyon na iyon ay may asawa or should I say ex-wife na si Kyle
"Asawa mo pa rin ako, Kyle, dahil hindi pa bumababa ang hatol tungkol sa annulment ng kasal natin!" giit ni Ian.
"It will definitely be decided on my favor!"
"Kung may asawa ka, Kyle, ibig sabihin ay nagsinungaling ka sa bio-data mo," puna ni Craven. "Our marriage was never a marriage in the first place."
"Iyan ba ang inilagay mong dahilan sa pagpa-file mo ng annulment? Hinding-hindi 'yan tatanggapin ng korte."
"Damn it, Ian! Hanggang ngayon ba ay naglalaro ka pa rin? It's over! It's been over for a year now, nang magbalik si Justin!" mula
"Ahm, sino si Justin?" usisa ni Craven. "Ex-boyfriend ko," sagot ni Ian.
"And also my brother at siyang totoong mahal ng lalaking ito," mariing paglilinaw niya.
"Wait, I think napanood ko na ang eksenang ito sa isang pelikula," singit ni Steed. "Iniwan ni Justin si Ian. Dahil sa lungkot at pangungulila ay nabaling ang atensiyon ni Ian sa 'yo, Kyle, and you took advantage of the situation"
"Hindi ako ganyang klase ng tao!" mariing tanggi niya. "Thirteen years old ako nang tumira ako sa tiyuhin ko. Nang magbalik ako sa Pilipinas, he and my brother had split up. Then he seduced me, made me marry him para lamang maturuan at mabigyan ng leksiyon si Justin na mas piniling tanggapin ang isang trabaho sa Amerika kaysa sa ituloy ang nakatakda nilang kasal. He made a fool of me kaya ipinapa-annul ko ang walang-kuwentang kasal namin."
Natahimik ang lahat. Mula nang siya ang maging leader ng exploration team ay ngayon lamang siya nakita ng mga ito na nagalit. Inakala ng lahat na cool-tempered siya at hindi masyadong emosyonal. Ngunit ang muling pagpasok ni Ian sa tahimik nang buhay niya ay nagpaalalang muli sa sakit at kabiguang inakala niyang matagal na niyang naibaon sa limot.
BINABASA MO ANG
Susuko (BXB) COMPLETED
Fanfiction(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Pano kung sa paglalakbay mo sa bundok ay may nakita kang lalaki at pilit nyang sinasabi na sya daw ay asawa mo. Started on: July 29, 2023 Ended on: August 08, 2023 __________________ BOOK STYLE WRITING (More than 2K w...