CHAPTER 3

149 10 0
                                    

NADAGDAGAN pa ang tatlong admirers ni Ian. Ang bawat isa sa mga ito ay nagsisimula nang makipag- kompetisyon sa bawat isa para magpa-impress sa kanya. Pakiramdam niya ay isa siyang piraso ng laman na pinag- aagawan ng mga aso.

Halos wala na sa kanya ang atensiyon ng mga lalaki at nasa kanya-kanyang ego na.

Tumalilis siya sa umpukan. Hinanap niya si Esther. Ayon sa napagtanungan niya ay lumabas daw ito para manigarilyo. Lumabas siya pero wala ito roon. Tinawagan niya ito sa cell phone nito pero hindi nito sinasagot iyon. Mukhang sinadya nito na iwan siya para maihatid siya ng isa sa mga lalaking nakapaligid sa kanya.

Nag-text siya kay Esther na uuwi na siya. Kapagkuwan ay naglakad siya patungo sa waiting shed. Doon siya mag-aabang ng taxi. Nagkagulatan sila ng lalaking inabutan niya roon.

"Hi!" bati nito.

"Ba't nandito ka?"

"Tumatakas. Kaya huwag kang maingay." Natawa siya. May sense of humor pala itong si Kyle. "Babae o lalaki ang tinatakasan mo?" tanong niya.

Ngumiti ito. "Babae. Masyado lang kasi akong nagulat sa pagiging forward no'ng ipinakilala sa akin ni Rob. I mean, sanay ako sa mga liberated girls pero nakaka-shock pa rin ang ginawa niya."

"Ano ba ang ginawa niya?"

"Siguro ay nagawa niya iyon dahil lasing siya. Or maybe uminom siya ng Ecstasy kaya nawala ang inhibitions niya."

"Tinangka kang rape-in?"

Tumawa ito. "Nakaligtas naman ako, so don't worry." Napabungisngis na siya. Matamang tinitigan niya ito. "Natandaan mo na ba ako, Kyle?"

"Honestly? No. I'm sorry." "Well, kung gano'n, hindi ko sasabihin sa iyo."

"Isa ka ba sa mga bumasted sa akin?" "Kung nanligaw ka, tiyak na basted ka."

"Ang saklap ng kapalaran ko!" Natawa siya. Mukhang naapektuhan na rin siya ng alak na ininom niya. Panay-panay na ang bungisngis niya.

Tumanaw siya sa kalsada. Walang taxi o anumang pampublikong sasakyan na dumaraan. Madaling-araw na kasi.

"Wala ka bang dalang sasakyan?" tanong niya. "Nasa talyer ang kotse ng daddy ko. Nag-taxi lang ako. Makikisabay sana ako kay Rob sa pag-uwi. Pero kung gagawin ko iyon, tiyak na mare-rape ako."

Alam niya kung saan ito uuwi. Pareho sila ng tutumbuking direksiyon. Mauuna nga lamang siyang bumaba kaysa rito.

"Share na lang tayo ng taxi." "Baka mapalayo ka."

"Malapit lang ako. Sa Cubao lang." Sa Parañaque ito uuwi. Naroon ang bahay ng mga magulang nito. "Well, okay then."

LUMA na ang nakuhang taxi nina Ian at Kyle. Ilang beses na tumirik iyon. Nang makarating sila sa tapat ng apartment niya ay tuluyan nang bumigay iyon.

"Tatawag na lamang ako sa opisina namin ng susundo sa inyo," nahihiyang sabi ng driver kay Kyle.

"Well, dito na ako, Kyle. Kaya iiwan na kita."

"Sige, ingat. Wait, hindi mo ba talaga sasabihin sa akin ang pangalan mo at kung paano tayo nagkakilala?"

"Pag sinabi ko sa iyo, baka masira ang araw mo."

"Ha?"

Lumabas na siya ng taxi. Naglakad siya patungo sa apartment niya. Limang hakbang na lamang siya sa pinto nang biglang bumuhos ang malakas na ulan! Napalingon siya sa kinaroroonan ni Kyle.

Mukhang kaawa-awa ito. Imbitahan kaya muna niya ito sa apartment niya habang hindi pa dumarating ang tinawag na replacement ng taxi driver? Pumasok siya sa apartment niya. Kumuha siya ng payong at binalikan si Kyle at ang driver.

Susuko (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon