CHAPTER 8

108 7 0
                                    

Madilim na ang paligid. Nang mga nakaraang araw na palihim na sinusundan ni Ian ang grupo nina Kyle ay hindi siya gaanong natatakot sa dilim o sa gubat maging sa mga ingay ng mga hayop na naririnig niya. Ang atensiyon kasi niya ay nakatutok kay Kyle. Masaya na siya na pinapanood ang ginagawa nito, ang pakikipag- usap nito sa mga kasamahan nito.

Lagi rin siyang naghahanap ng pagkakataon kung kailan niya ipapaalam dito na nasa tabi-tabi lamang siya. Ngunit sa tuwina ay pinangungunahan siya ng takot at nerbiyos sa rejection na makukuha niya mula rito. Ngunit sa paggising niya kaninang umaga na may ahas sa tabi niya ay nawala ang takot na iyon. Unconsciously ay iyon ang ginamit niyang paraan para magpakita sa lalaki. Gaya ng inaasahan niya, hindi naging maganda ang pagtanggap nito sa kanya. Nasaktan siya nang labis sa mga sinabi nito.

Pero kailangang tiisin niya iyon. Siya ang may kasalanan ng lahat. Kung naging tapat lamang siya rito, kung sinuri niya nang husto ang kanyang damdamin, sana noon pa ay napagtanto na niyang mas masaya siya sa piling nito kaysa sa piling ni Justin.

Mula sa kinauupuan niya ay sinulyapan uli niya si Kyle. Nasa entrance ito ng tent nito. Abala ito sa pag- aaral ng hawak na mapa at pagsusulat sa isang maliit na notebook. Ang pinggan ng pagkain sa tabi nito ay nangangalahati pa lamang.

Hindi pa rin niya ubos ang pagkaing iniabot sa kanya ni Steed. Apektado pa rin kasi siya ng mga sinabi ni Kyle. Isang maliit na parte niya ang gustong sumuko. Ngunit kung gagawin niya iyon, tuluyan nang mawawala sa kanya ang kanyang asawa. Habang hindi pa final ang annulment nila ay gusto niyang maligtas ang marriage nila. Gusto niyang mahalin uli siya nito.

Pinagmasdan niya si Kyle. Parang hindi siya nito nakikita. He no longer exist in his world kahit ilang metro lamang ang layo nila at ang tanging nasa pagitan nila ay ang apat na miyembro ng team nito na magkakasamang kumakain habang nakapalibot sa bonfire.

Bagaman itinatago ng apat, nahuhuli pa rin niya ang ilang beses na pagsulyap ng mga ito sa kanya at kay Kyle. Dahil sa presence niya ay nawala ang usual camp fire discussions at pagbibiruan ng grupo. Naging tahimik ang kampo nang gabing iyon.

"I give up!" bulalas ni Diesel. Ito ang chemist ng grupo. Ito rin ang pinakamatangkad sa lahat ng miyembro ng team. Sa tantiya niya ay naglalaro sa five feet-nine inches ang height nito. Base sa naobserbahan niya dati, ito ang pinakamadaldal at medyo competitive.

"Ikaw? Kailan ka pa natutong sumuko? You always like to win, 'di ba?" biro ni Conway, ang isa pang geologist. Ito ang pinakamaloko sa grupo. Laging may baong jokes ito para sa lahat yata ng okasyon at pagkakataon.

"Ibig kong sabihin, I give up in trying to understand male to male, male to female, and male to gay relationships, especially 'yong relasyon ng mag-asawa."

"Para kasi maintindihan mo iyon, dapat ay maranasan mo munang magkaasawa," paliwanag ni Craven, ang physicist. Maloko rin ito ngunit pasensiyoso ito at hindi maramot.

"You will never find me in such a relationship," sabad ni Steed. "Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'kasal.' Useless lang naman 'yon. Nakapitong pagpapakasal ang father ko and not one of them worked. He died a broken and lonely man." "Pito?" bulalas ni Diesel.

"Hindi pa kasama riyan ang mga naging girlfriends niya. Anyway, naging witness ako sa kapalaran niya. Nawawalan siya ng gana sa lahat ng mga girlfriends niya na pinapakasalan niya. Dapat kasi ay hindi na lamang niya pinakasalan ang mga yon. He ended up with seven ex-wives who hate him."
Muntik na siyang mag-react sa sinabi ni Steed. Pero nanatili siyang tahimik.

"Minalas lang talaga ang father mo," ani Craven. "Dapat kasi bago niya pinakasalan ang sinumang babae ay siniguro muna niyang mahal niya talaga'yong girl at mahal din siya n'ong girl. Kasi if it's true love, kahit ano pang pagsubok ang pagdaanan nila, makaka-survive ang relationship nila and they will not hate each other. Sa halip ay mas titibay pa ang pagmamahalan nila."
Malakas ang naging tawa ni Conway.

Susuko (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon