CHAPTER 6

131 10 0
                                    

Kumakabog ang dibdib ni Ian nang pumasok siya sa Botanical Gardens. Sa lugar na iyon sila ni Justin unang nagkasundo. Doon niya inamin ang damdamin niya para dito at ganoon din ito.

kunti lamang ang tao sa park. Mainit kasi kaya mas gusto ng mga tao na mamasyal sa mga malls. Dumiretso siya sa munting tulay sa pond kung saan naroroon ang iba-ibang kulay na mga arowana.

Kumislot ang kanyang puso nang makita niya roon si Justin. Saglit siyang napatigil sa paglalakad. Halos walang ipinagbago ito. Kunsabagay, wala pa namang isang taon ang nakararaan mula nang maghiwalay sila.

Isang parte ng isip niya ang nagsasabi na mali ang ginagawa niyang pakikipagtagpo rito. Ngunit mabilis naman niyang binigyan ng katwiran ang desisyon niya. Nagbitiw ng salita si Justin na kung hindi siya makikipagkita rito ay pupuntahan siya nito sa apartment niya at wala itong pakialam kung naroon si Kyle. Ayaw niyang magkaroon ng eskandalo. At isa pa... Lumingon sa direksiyon niya si Justin. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nangingibabaw ang pangungulila niya rito. Mahirap itago ang damdamin niya para dito. Nilapitan siya nito. Tutok na tutok ang mga mata nito sa kanyang mukha. Hindi siya makagalaw. Tila napako siya sa kinatatayuan.

"Ang akala ko ay hindi ka darating."

"Hindi mo ako binigyan ng choice, Justin." Pinapanatili niyang kalmado ang boses niya

"Sinasabi mo bang ang tanging dahilan kaya ka naririto ay dahil ayaw mong magkagulo kami ng kuya ko?"

"Iyon lamang ang tanging dahilan-"

"You are lying, Ian. Nakikita ko sa mga mata mo at nararamdaman ko na ako pa rin ang mahal mo!"

Napatanga siya rito. "N-nagkakamali ka-" "Then look me in the eyes and tell me how much you love my brother!" Wala siyang masabi.

"Kilala pa rin kita, Ian."

"Ano pa ba ang kailangan mo, Justin? Kasal na kami ni Kyle. Tapos na ang relasyon natin." "But we still love each other!"

"Okay then. I still love you. Pero hindi ako naniniwala na mahal mo nga ako. Nandito ka para lang makipag- kompetisyon sa kapatid mo!" akusa niya rito.

Tumiim ang mga bagang nito. "You are mine, Ian! Wala siyang karapatan na kunin ka sa akin." "Kunin? You threw me away! Iniwan mo ako! Ang anumang karapatan mo sa akin o sa pag-ibig ko ay nawala na." Gumaralgal ang tinig niya. Nasasaktan pa rin siya sa ginawa nito.

"Iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa iyo, Ian. I thought-" "Minahal mo nga ba talaga ako, Justin? O napilitan ka lang makipagrelasyon sa akin noon dahil ipinagpilitan ko ang aking sarili sa iyo?"

Bumuntong-hininga ito.

"Minahal at mahal na mahal pa rin kita, Ian. Ngunit masyado mo akong sinisikil noon. Hindi pa ako handa sa gusto mong kasal. Inakala kong mas makabubuti sa ating relasyon kung lalayo muna tayo sa isa't isa. Balak kong bigyan tayo ng sapat na panahon para makilala ang isa't isa. But after only a few months ay basta ka na lamang nagpakasal sa kuya ko."

"Don't you dare accuse me of turning my back on you! Nag-offer ng pagmamahal at kasal si Kyle. Binigyan niya ako ng importansiya. Samantalang ikaw-"

"Ikaw rin ang pinakamahalaga sa buhay ko, Ian! At hindi kita isusuko!"

"Kasal na ako. Kalimutan na natin ang nakaraan." Hinila siya nito at niyakap nang mahigpit. "Ayoko! Hindi kita maaaring isuko o kalimutan. Babawiin kita sa kapatid ko."

"Justin, please"

Hinawakan nito ang baba niya, iniangat ang kanyang mukha, at hinagkan siya nang mariin sa mga labi. Mabilis ang pagbabalik ng mga alaala ng kanilang pag-iibigan.

Susuko (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon