Dahil sa mga naganap sa Palawan, tuluyan nang na- realize ni Ian na hindi na sila magkakabalikan pa ni Kyle. Isang linggo na ang nakararaan mula nang umalis siya ng Palawan. Marahil ay nakabalik na rin sina Kyle sa Maynila. May bagong buhay na ito ngayon at bagong pag-ibig sa katauhan ni Dallas.
Masakit iyon para sa kanya. Ngunit dapat niyang tanggapin iyon. Kasalanan niya. At imbes na makabawi siya sa nagawang pagkakamali, muntik pa siyang makalikha ng gulo sa buhay nito. Hindi na siya nito kailangan pa. Huli na para sa pagsisisi... at realisasyon.
Huminga siya nang malalim. "Mama, dito na lang ho ako," aniya sa driver ng kinasasakyang jeep. Bumaba siya nang huminto iyon. Dalawang bloke pa ang lalakarin niya bago siya makarating sa apartment niya.
Muling nanariwa sa isip niya ang mga alaala ng kahapon. Kapag ginagabi siya ng uwi ay sinusundo siya ni Kyle sa opisina niya. Matiyaga itong naghihintay sa kanya.
He was so stupid! Sa isang iglap ay kinalimutan niya ang mga ginawa nito para sa kanya. Nagpa- impluwensiya siya sa isang nakaraan.
Malapit na siya sa kanyang apartment nang mapahinto siya sa paglalakad kasabay ng paghigit niya ng hininga. Isang anino ng lalaki ang nakita niyang nakaupo sa tatlong baitang na hagdan ng apartment niya! Tumayo ang lalaki nang makita siya nito.
Si Kyle ang lalaki. Sinundan siya nito? Napabilis ang paglalakad niya. Pero hindi si Kyle ang lalaki. "J-Justin? Ano'ng ginagawa mo rito?" Hindi niya naitago ang disappointment sa tinig.
"Nagbabaka-sakali. Ngunit mukhang hindi ka masaya na makita ako."
"I'm so sorry, Justin."
"Mukhang nakokonsiyensiya ka pa rin sa ginawa natin. Almost two years na mula nang mangyari iyon. Malapit na ring ma-annul ang kasal mo kay Kuya. Stop punishing yourself, Ian. It's time for you to give our love another chance."
"Justin, tapos na tayo."
"Sinabi mo lamang iyan noon dahil sa guilty feelings mo. Stop feeling guilty, Ian!" "Yes, it was guilt and also the realization na nagkamali ako ng akala. Ang akala ko ay ikaw ang mahal ko pero si Kyle na pala. I was just reliving our memories, our love." "Hindi ako naniniwala sa iyo. At sa pagkakataong ito, hindi mo na ako maitataboy. I will stay here. I will love you-"
"Excuse me!" singit ng isang boses.Paglingon niya ay nakita niya si Steed. Mabilis na nakalapit ito. Pumagitna ito sa kanila ni Justin.
"Pasensiya na kung puputulin ko ang dramatic scene ninyong dalawa. Pero walang patutunguhan iyan, Justin You are Justin, right? Kahawig mo kasi si Kyle, but Kyle has a more commanding personality. You look like pang- supporting cast lang."
"Sino ka ba?" iritadong tanong ni Justin. "Ako ang sundo ni Ian."
"Sundo?" magkasabay halos na sabi nila ni Justin. "Yup! Kyle requested that I fetch his husband or wife."
"Ipinatatawag ako ni Kyle? Bakit?" Muling nabuhay ang pag-asa sa puso niya. "No idea. Pero ang sabi niya ay sunduin kita."
"Wait, basta ka na lamang ba sasama sa lalaking iyan? Ano'ng kasiguruhan mong ang kuya ko nga ang nagpapasundo sa iyo?" "None," sagot ni Steed. "Pero sa tingin ko ay mas trustworthy ako kaysa sa iyo dahil nagawa mong agawin ang misis ng sarili mong kapatid."
Tumiim ang mga bagang ni Justin.
Hinawakan na niya sa braso si Steed bago pa mauwi sa away ang lahat. "Let's go, Steed. Gusto ko nang makita si Kyle."
Tumingin siya Justin bago niya iniwan ito. Madilim ang mukha nito. Ayaw niyang mangyari ang bagay na iyon ngunit dapat nang layuan siya ni Justin. Dapat nitong ma-realize na tapos na talaga ang lahat sa kanila.
BINABASA MO ANG
Susuko (BXB) COMPLETED
Fanfiction(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Pano kung sa paglalakbay mo sa bundok ay may nakita kang lalaki at pilit nyang sinasabi na sya daw ay asawa mo. Started on: July 29, 2023 Ended on: August 08, 2023 __________________ BOOK STYLE WRITING (More than 2K w...