NAGTAKA si Ian nang dalhin siya nina Dallas at Steed sa isang kuwarto na puno ng kung anu-anong electrical equipment. Pinaupo rin siya ng babae sa isang mesa kung saan mayroong nakapatong na microphone.
"Nasaan si Kyle?" tanong niya.
"Nagtatrabaho siya sa loob ng isa sa mga buildings na naririto sa compound ng Sea Oil," sagot ni Dallas.
"Maririnig niya ang lahat ng sasabihin mo through the microphone. It is a public address system kaya maririnig din iyon ng lahat ng tao rito. Hindi mo lamang sa kanya sasabihin ang pag-ibig mo at paghingi ng tawad kundi sa lahat ng empleyado ng Sea Oil. Kung kahit kaunti ay may pagtingin siya sa iyo, he would come to you here. Matindi ang gagawin mong ito, Ian. Nakakahiya ito but it would also be solid proof kay Kyle ang feelings mo sa kanya since public declaration of love and apology ito. So are you up to this? Kung hindi ito eepekto sa kanya, then all is lost. You can never regain back his love."
Maririnig ng lahat ang sasabihin niya? Nakakahiya nga iyon ngunit kaya niyang gawin iyon. Pero ano ang sasabihin niya para mapapunta niya roon si Kyle? Para matunaw niya ang yelong nakabalot sa puso nito? Para mahalin uli siya nito o hayaan siya nitong mahalin uli ito?
Paulit-ulit na niyang sinabi rito kung gaano niya ito kamahal at maging ang labis na pagsisisi niya pero hindi siya nagtagumpay na maabot ang puso nito. Pinagmasdan niya ang microphone. Huling baraha na niya iyon. Sumulyap siya sa likuran niya. Nakatayo roon sina Dallas at Steed. Pero malinaw na walang ibibigay na tips ang mga ito. Sa kanyang mga kamay at sa mga sasabihin niya nakasalalay ang lahat.
Hinawakan niya ang microphone at inilapit sa kanyang Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita. "No'ng bata pa ako, laging sinasabi ng lola ko na merong dadating na lalaki na para sa akin at ako ay mamahalin at tatanggapin nya ako ng buong-buo. Ang sabi rin niya, oras na makita ko ang lalaking iyon ay agad kong matitiyak na siya ang nakalaan para sa akin."
"She was right. Ngunit ako ang nagkamali. Inakala ko na ang mabait at palangiting batang lalaki na kapitbahay namin ang itinakda para sa akin. Ngunit ngayon, naging malinaw na sa akin na ang talagang napansin ko, ang tumatak nang husto sa aking isipan ay ang batang lalaki na pinagalitan ako dahil sa pagkakabasag ko sa isang flower vase, ngunit imbes na isumbong ako sa kanyang ina ay yinako niya ang kasalanan at pinagtakpan ako."
"I was so young then to even thank him. In fact, nagalit pa ako nang sobra sa kanya dahil sinermunan niya ako at sinabihang makulit." Nagkabikig siya sa lalamunan.
"Nang magkita uli kami pagkalipas ng maraming taon, minahal niya ako nang labis, nang walang pag-aalinlangan at walang hinihinging kapalit. But I was blinded by memories of a love that I thought was true. Natuklasan ko lamang ang totoo nang mawala siya."
"Nawala siya sa akin dahil sinaktan ko siya. Ngayon ay hindi ko na alam kung mahal pa rin niya ako. Maaari kong sabihin na gagawin ko ang lahat, na itatama ko ang pagkakamali ko at kung bibigyan niya ako ng pagkakataon ay mamahalin ko siya nang higit pa sa aking sarili kung babalik lamang siya sa akin. But that would be very selfish. I love him. Wala na akong iba pang lalaking mamahalin. Pero hindi ko siya pipiliting bumalik sa akin."
Narinig niya ang bulalas ng pagkagulat ni Steed. Nanatiling tahimik lamang si Dallas ngunit ramdam niya ang pagkakatutok ng mga mata nito sa kanya. "I will just wish him well. Ipagdarasal ko na sana ay matuto siyang magmahal uli at ang babae o kahit anong kasarian ang kanyang mamahalin ay sana mahalin sya ng totoo at hindi na sya iiwan, yong mahihigitan nila ang pagmamahal na naibibigay ko sa kanya."
Tumayo siya. Lumayo siya sa microphone. Ayaw niyang marinig pa ng lahat ang pag-iyak niya.
"You let him go?" bulalas ni Steed. "Maaari mong sabihin kay Kyle na kung hindi ka niya pupuntahan dito o mamahalin uli ay magpapakamatay ka. Tiyak na tatakbo agad 'yon dito."
"Tumahimik ka nga riyan, Steed!" saway rito ni Dallas. "Not all love stories have happy endings. At sa pagkakataong ito, wala na akong magagawa." Nilapitan siya nito at niyakap nang mahigpit. "I promise you, Ian, ihahanap ko si Kyle ng babaeng makapagpapaligaya sa kanya."
Pinigilan niya ang pag-iyak. Kahit paano ay nagkaroon na ng closure ang relasyon nila ni Kyle.
"I better go home, Dallas. Thank you sa offer mong trabaho pero hindi ko matatanggap iyon. Mahihirapan lamang ako kung makikita ko si Kyle o malalaman ko ang pagkakaroon niya ng bagong pag-ibig."
"I understand." Bumaling ito kay Steed. "Please take him home."
Hindi na siya tumanggi. Sumama siya kay Steed. Sumakay siya sa kotse nito. Ilang minuto rin ang dumaan bago nila natanaw ang gate palabas ng compound. Malaki ang lugar na iyon ng Sea Oil, Maitutulad ang niyon sa isang university campus.
Pagdating nila sa gate ay nagtaka siya nang ayaw iyong buksan ng guwardiya. "Ano ho'ng problema? Stuck ba ang gate?" usisa ni Steed.
"Nakatanggap kasi kami ng order kay Miss Dallas na walang sinuman na maaaring lumabas sa compound hangga't hindi siya tumatawag uli.” "Ano na namang pakulo ito ng babaeng iyon?" Tinawagan ni Steed si Dallas.
Noon niya naulinigan ang isang boses, tinatawag ang kanyang pangalan. Lumingon siya. Nakita niya si Kyle na mabilis na tumatakbo palapit sa kanila ni Steed! Base sa hitsura nito ay mukhang matagal na itong nagtatatakbo. Magulo ang buhok nito at basang-basa na ng pawis ang suot na damit.
Napababa siya ng kotse. Sinalubong niya ito. "Kyle?" Labis-labis ang kaba niya.
"Narinig ko ang boses mo. Ang akala ko ay nananaginip ako. Your voice was everywhere! Pero nang maging ang mga kasama ko sa labas ay narinig din ang boses mo, I realized that you were using the public address system. Pinuntahan kita roon pero wala ka. I had to search every building, every room-"
"Hindi naman kasi namin sa public address system room ginawa 'yong broadcast," sabad ni Steed na nangingiti na.
Mahigpit na hinawakan ni Kyle ang magkabilang balikat niya.
"Alam mo bang nang sabihin mong pinapalaya mo na ako, I realized-" Mahal pa rin siya nito? Iyon lamang ang naiisip niyang dahilan para habulin siya nito. Tumunog ang cell phone nito. Hindi nito sinagot iyon. Ngunit nagpatuloy iyon sa pagtunog kaya napilitan itong sagutin iyon. Nakita niya ang pagguhit ng labis na pagkabigla sa mukha nito pagkatapos nitong marinig ang sinabi ng kausap nito sa kabilang linya. Nang tapusin nito ang conversation ay hindi na niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Kinabahan siya.
Tumikhim ito. "That was my lawyer. Sinabi niya na approved na ang annulment ng kasal natin, Ian."
Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Napaluha siya. "It seems fate has decided na dapat na talaga tayong maghiwalay."
Agad na naglabas si Kyle ng panyo. Pinunasan nito ang mga luha niya. "Ian, we could always-" "Be friends? Yes. I would accept that." Humikbi siya. Tumawa ito.
"Ang sasabihin ko ay we could always get married again."
"Grabe! Ang drama ng eksena ninyo!" panunukso ni Steed. "Iiwan ko na nga kayo rito at nagmumukha akong extra." Sumakay ito sa kotse nito. Pinaatras nito iyon at pinabalik sa compound.
Napangiti siya. Naramdaman niya ang paghapit ni Kyle sa kanyang baywang. "The moment I realized kanina na ang boses mo ay hindi produkto lamang ng imahinasyon ko, tumakbo na ako palabas ng research lab. I knew then na hindi na kita maaaring patuloy na bale-walain. I had to surrender my pride and give my heart back to you." Niyakap niya ito nang mahigpit. Walang pagsidlan ang kaligayahan niya. Batid siguro ni Dallas ang totoong damdamin sa kanya ni Kyle. Dinala siya nito roon para magkaayos sila ni Kyle.
"Alam mo bang naalala ko rin ang lola mo?" bulong nito sa kanya. "Nahuli niya ako noon na pinagmamasdan ka habang nakikipaglaro ka kay Justin. Ang sabi niya sa akin, masuwerte raw ako dahil agad kong natagpuan ang taong nakalaan para sa akin."
At hinagkan ni Kyle and mapupulang labi ni Ian
The End
BINABASA MO ANG
Susuko (BXB) COMPLETED
Фанфик(COMPLETED) (bxb, BL, bromance) Pano kung sa paglalakbay mo sa bundok ay may nakita kang lalaki at pilit nyang sinasabi na sya daw ay asawa mo. Started on: July 29, 2023 Ended on: August 08, 2023 __________________ BOOK STYLE WRITING (More than 2K w...