Prologue

590 19 1
                                    

Maagang gumising si Ian. Ngayon kasi niya ibibigay kay Justin ang invitation para sa birthday party niya na gaganapin sa susunod na linggo. Marami siyang bisita ngunit para sa kanya ay ang pinakaimportante sa lahat ang siyam na taong gulang na batang iyon.

Ito ang una niyang naging kaibigan nang lumipat ang pamilya nila sa St. George Subdivision. Unang kita pa lamang niya rito ay natiyak na niyang ito ang gusto niyang mapangasawa paglaki niya.

Marami tiyak ang pagtatawanan siya kapag nalaman ng mga ito na sa edad niyang pitong taon ay pag-aasawa na ang iniisip niya. Pero ayon naman sa lola niya, dapat ay maging mapagmasid siya kahit bata pa siya.

"Tandaan mo, Ian,, isang lalaki lamang ang nakalaan para sa isang babae at pwede rin ang lalaki sa lalaki kung talagang ito lamang ang magiging one true love niya. Oras na makalagpas ito sa kanya, hindi na siya liligaya pa sa pag-ibig kahit kailan," laging paalala nito sa kanya tuwing kukuwentuhan siya nito ng mga fairy tales.

"Pero paano ko malalaman na ang lalaking nasa harap ko ay ang one true love ko Lola?, Eh baka walang may gusto sa akin" sabi ng batang lalaki, tanggap ito ng kanyang lola kahit na bakla ito, kasi bata pa lang si Ian ay malambot na ang kanyang galawan

"Ikaw mismo ang makakaalam na ang lalaking nasa harap mo ay ang iyong tunay na pag-ibig at makikita naman kung tanggap ka nya talaga. Dahil magiging ibang-iba ang pakiramdam mo oras na
magkaharap kayo. Animo magkukulay-rosas ang paligid mo at bibilis ang tibok ng iyong puso."

"Inay, naman! Pati ba naman si Ian ay tinuturuan ninyo ng ka-corny-han?" singit ng daddy niya. Tanggap din ng kanyang pamilya ang pagiging malambutin ng kanilang anak at tinuring na prinsipe na prinsesa si Ian

"Tumigil ka nga, Elmo! Kung hindi dahil sa akin ay hindi mo matatagpuan ang kaligayahan mo sa piling ng anak kong si Gladys!" Sa mga ganoong pagkakataon ay tumitiklop na ang daddy niya. Magkakamot na lamang ito sa ulo at lalayo na. Wala kasi itong kalaban-laban sa lola niya. Kaya naman mas malakas ang impluwensiya sa kanya ng lola niya kaysa sa daddy niya.

Napangiti siya nang makarating siya sa bahay nina Justin. Kumatok siya sa pinto habang tinatawag ang pangalan nito. "Justin? Justin!"

Mayamaya ay bumukas ang pinto. Hindi si Justin kundi ang Kuya Kyle nito ang tumambad sa paningin niya. Agad na itinago niya sa kanyang likuran ang kamay niyang may hawak na invitation card.

Apat na taon ang tanda sa kanya ni William. Bagaman kilala niya ito, bihira niyang makausap ito. May- pagkaisnabero kasi ito. Ni minsan ay hindi ito nakipaglaro sa kanila ni Justin. Ang tingin kasi nito sa sarili ay binata na ito mula nang makapasok ito sa high school sa kabila ng pagiging eleven years old pa lamang nito.

"Wala rito si Justin."

"Ha? Saan siya nagpunta? Wala namang pasok ngayon, ah!"

"Nagpunta sila ni Daddy sa sapà para manguha ng iba't ibang klase ng dahon. Assignment daw niya iyon."

Malayo ang sapang sinasabi ni Kyle. Minsan pa lamang siyang nakapunta roon nang isama siya ni Justin sa pamamasyal. Napagalitan siya ng kanyang mga magulang, pati na rin ng lola niya dahil doon.

"Eh, kailan daw siya babalik?"

"Ewan. Pero ang sabi ni Daddy, baka dumaan pa sila sa grocery kaya tiyak na matatagalan sila. Mamayang gabi na siguro ang uwi nila. Bakit mo ba hinahanap?" Tanong ni Kyle

"Ah... ano, yayayain ko sana siyang maglaro." Sumimangot ito.

"Ikaw pala ang dahilan kaya hindi makapag-aral nang mabuti si Justin at puro laro na lamang ang laman ng utak," paninisi nito sa kanya.

"Ano'ng masama ro'n? For your information, gano'n ang karaniwang ginagawa ng mga bata at pareho pa kaming bata ni Justin. Hindi kami tulad mo na matandang manong na!"

"Ano'ng sinabi mo?"

"Bingi!" sigaw saka binelatan ito. Kapagkuwan ay tumakbo siya palayo.

Kahit kailan talaga ay killjoy si Kyle. Kabaligtaran talaga ito ni Justin.

"Hoy, batang antipatika, balikan mo itong kalat mo!" Kalat? Lumingon siya. Nakita niya na pinupulot ni Kyle ang birthday invitation niya! Nabitawan pala niya iyon.

Bumalikwas siya at tumakbo palapit dito. Tinangka niyang agawin dito ang invitation card pero itinaas nito ang isang kamay. Sinipat-sipat nito ang laman envelope.

"Isang pink envelope na may pangalan ni Justin at may guhit na puso pa ang pangalan niya. Mukhang love letter ito, ah. Ang bata-bata mo pa, kerengkeng ka na."

Nag-init ang buong mukha niya. "Hindi ako kerengkeng! Saka hindi 'yan love letter. Birthday invitation yan! Kay Justin lang iyan dahil kahit kailan ay hindi kita iimbitahan sa birthday ko!"

"Bakit ko naman gugustuhing pumunta sa birthday party mo? Baka malason pa ako sa handa mo."

Hindi na siya nakapagpigil pa. Nakalimutan niya ang lahat ng ladylike behavior na itinuro sa kanya ng lola niya. Sinugod niya ito at saka itinulak. Nawalan ito ng balanse at nabuwal sa lupa.

Dapat ay iiwan na niya ito ngunit noon niya napansin na nalukot nito ang invitation card niya para kay Justin. Umakyat na yata ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. Inupuan niya ito sa tiyan at pinagsasapak ito sa mukha.

"Gago ka talaga!" Buwisit na sigaw niya.

Pilit na nito ang mga braso sa mukha nito. Lalo siyang naasar. Ubod-lakas na kinagat niya ang braso nito. Sumigaw ito nang malakas. Dahil sa sigaw na iyon ay halos sabay na napalabas ng bahay ang mga nila.

"Kyle, Ian!" bulalas ng mommy ni Kyle. "Ian! Itigil mo yan! Nagdurugo na ang braso ni Kyle!" sigaw naman ng mommy niya na hinawakan na siya sa baywang at pilit na inilayo kay Kyle.

Noon niya napansin ang kakaibang lasa sa kanyang bibig. Malansa iyon. Tinigilan na niya ang pagkagat kay Kyle.

"Ian, ano ba'ng nangyayari sa iyo?" Binalingan ng mommy niya ang ina ni Kyle.

"Pasensiya na, mare. Hindi ko alam ang nangyari. Mabait na bata naman itong si Ian."

"Para siyang asong ulol!" sumbong ni Kyle.

"Ikaw ang asong ulol!" Gusto sana niyang sakmalin uli ito pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng mommy niya.

Isang malakas na batok ang nakuha ni Kyle mula sa mommy nito.

"Ikaw ang matanda rito! Dapat ay hindi ka nagsasalita ng ganyan. Sige, pumasok ka sa kuwarto mo at huwag kang lalabas doon hangga't hindi ko sinasabi."

"Mamatay ka na sana!" sigaw niya. "Mauna ka!" sagot nito.

________________

Sa panahong ngayon ay hindi na issue ang pag-iisang dibdib ng lalaki at lalaki at makikita nyo sa kwentong ito na nagpapakita na "It's only natural to love a person in the opposite or same sex, as long as you love each other, and you don't bring harm to the people that's surrounds you"

Hayaan nyo na kung may mali sa english ko!!! Hahhahaha

Susuko (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon