CHAPTER 7

111 10 0
                                    

Present Day, Palawan Jungles.

Tumigil sa tabi ng isang munting sapa ang grupo. "Dito tayo magpapahinga at kakain ng tanghalian," pasya ni Kyle.

"Hey, I can see some fish in the water. Mukhang makakakain tayo ng fresh meat, ah," excited na wika ni Steed.

"Marunong ka bang mangisda gamit ang kamay lamang?" tanong ni Craven.

"Sino'ng may sabi sa iyong kamay ang gagamitin ko?" Naglabas ito ng fishnet mula sa bitbit nitong bag. Nagkatawanan ang lahat. "Boy Scout na Boy Scout ang dating ng ating engineer, ah!" panunukso ni Conway.

"Lagi lamang akong handa," sagot ni Steed bago ito lumusong na sa sapa.

Mula sa kinauupuang bato ay ramdam ni Ian ang pagiging out of place niya sa grupo. Ni hindi niya magawang makisali sa usapan at biruan ng mga ito dahil batid niyang isa siyang outsider. Bagaman maayos ang trato sa kanya ng apat na lalaki, nananatiling malamig ang pakikitungo sa kanya ni Kyle. Hindi na rin siya nito kinausap o pinag-ukulan pa ng pansin. Animo hindi siya nag-e-exist para dito.

Napansin niya ang paghahanda nito sa pagluluto. Inilabas nito ang Gasulito, ang mga cooking utensils, ilang de-lata, at supot ng bigas.

Lumapit siya rito. "Tutulungan na kita," alok niya. "Kung gusto mong makatulong, dapat ay umalis ka na," mariing sabi nito.

Napakagat-labi siya. Ngunit nagpakatatag siya. Batid niyang mangyayari ang ganoon oras na magkita sila nito.

"I'm sorry, Kyle." "Sinabi ko sa iyo noon na ayaw na kitang makita pa. Binigyan na kita ng laya na bumalik kay Justin."

"Ikaw ang mahal ko."

"Liar!" sigaw nito, sabay tayo.

Napatingin sa kanila ang apat na kasamahan nito. Gusto sana niyang magkausap sila ni Kyle nang sila lang. Ngunit dahil nabuksan na ang paksang iyon, hindi na niya papayagang makalagpas pa iyon.

"Na-realize ko iyon nang araw na mahuli mo kami ni Justin. Nang palayain mo ako. I ran after you, Kyle! Iniwan ko si Justin. Pero hindi na kita inabutan. Nang bumalik ako sa apartment natin, wala na ro'n ang lahat ng gamit mo. Ni hindi alam ng mga magulang mo kung nasaan ka. You simply disappeared from my life."

"Matagal kitang hinanap, ipinahanap. Nang sa wakas ay mabalitaan kong naririto ka sa Palawan, hindi ako nagdalawang-isip. I packed my bags and followed you. Nang mahabol ko ang grupo ninyo sa bayan ng San Vicente ay sinadya kong hindi magpakita sa iyo upang hindi mo ako mapagtaguan o maiwasan."

"Ian, you betrayed me." "Walang nangyari sa amin ni Justin! I swear to you."

"It doesn't matter to me whether you gave your body to him or not. Nakipagkita ka sa kanya, nakipaghalikan, at habang nasa ospital ako ay patuloy kang nakikipag- date sa kanya. That, for me, is betrayal! I cannot love or trust a man or rather a gay like you, Ian."

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Kyle? Ikaw ang mahal-"

"That's useless! Noon ay sigurado kang si Justin ang mahal mo. You seem to love him so much dahil nagawa mo akong pagtaksilan. "Tapos ngayon ay ako naman ang mahal mo?" sarkastikong sabi nito. "Hindi kaya epekto lamang iyan ng panunundot ng konsiyensiya mo?"

"Gagawin ko ang lahat para patunayan ko sa iyong totoo ang sinasabi ko."

"Too late. Dahil kahit ano pa ang gawin mo, hinding- hindi na ako muling magtitiwala sa iyo. Kung ayaw mo na kay Justin, find another man. Huwag mong ipagsiksikan sa akin ang sarili mo."

Napaiyak siya. Tumakbo siya palayo rito. Hindi na niya inalam kung saang direksiyon siya napapunta. Gusto lamang niyang mapag-isa para makaiyak siya nang tahimik. Nang masiguro niyang malayo na siya sa grupo ay sumubsob siya sa katawan ng isang puno at doon nag-iiyak.

Susuko (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon