CHAPTER 4

157 10 0
                                    

Trabaho ni Ian sa Manpower Services, Inc. na interview-hin ang mga applicants na gustong magtrabaho abroad. Nakasalalay sa balikat niya at sa dalawa pang senior officers ang pag-determine kung maayos ang ugali at personalidad ng mga job-seekers. Ang agency kasi nila ang mananagot at mapapahiya oras na gumawa ng kalokohan ang ipinadala nilang tao sa ibang bansa.

Kahit paano ay puro matitino at magagaling naman ang nakukuha nilang mga tao. Maganda ang reputasyon ng agency nila sa mga kompanya sa abroad. Pawang magagaling at matitino raw ang mga trabahador na galing sa agency nila.

Dahil doon ay mas dumami ang mga kliyente nila at ganoon din ang mga aplikante. Kailangan na nilang magdagdag ng tao at magpalaki ng opisina. Ngunit nagkasakit ang taong naka-assign na tumingin ng mga office spaces sa Mandaluyong kaya sa kanya biglang nasalin ang trabahong

"You are good with people. Kahit okay na ang price at laki, nasisiguro kong makakatawad ka pa sa presyo," pambobola sa kanya ng boss niya.

"May tatlo pa akong naka-assign na i-interview-hin-"

"Ako na ang bahala sa mga 'yon. Kapag maagang natapos ang negotiation, you can take the whole afternoon off."

Iniwan na siya ng boss niya. Tapos na ang discussion. Wala sa sariling napatawag siya sa telepono. Nang bigla niyang marinig sa kabilang linya ang boses ni Kyle ay napatanga siya!

Normal na sa boss niya ang bigla-biglang pag-a-assign sa kanya na pumunta sa kung saan-saang lugar. Usually, kapag nangyayari iyon ay nagpapasama siya kay Justin. Force of habit na napatawag siya sa telephone number nito. Pero wala na nga pala roon si Justin. Ang naroroon na ay si Kyle!

"Hello? Sino 'to?" tanong nito.

Maaari niyang ibaba na lamang ang telepono. Pero

paano kung mayroon itong caller ID?

Yikes! aniya sa isip nang maalala niyang mayroon ngang caller ID ang telepono nina Justin at kung susulyap doon si Kyle ay makikita nito ang pangalan niya!

"Ikaw ba 'yan, Ian?"

Buking na siya!

"Ah, hello. Sorry, namali ako ng pindot. "Yong isang kaibigan ko dapat ang tatawagan ko."

Tumawa ito.

"Ang akala ko pa naman ay umepekto na ang aking psychic powers. Hindi kasi ako magkalakas-loob na tumawag sa iyo kaya panay ang isip ko na sana ay tumawag ka. Ang sabi ko, oras na tumawag ka, kahit anong request mo ay pagbibigyan ko." Natawa siya.

"Totoo ba yan? Baka 'pag nagpatulong ako sa iyo ay bigla kang umurong," hamon niya rito.

"Try me."

"I need a chaperone. Mas preferable kung may sariling kotse dahil titingin ako ng mga office spaces sa Mandaluyong."

"No problem! Yari na ang kotse ng daddy ko. Saan kita susunduin?"

ANG AWAYAN at inisan nina Ian at Kyle noong mga bata pa sila ay napalitan ng isang kakaibang camaraderie at pagkakaibigan sa pagdaraan ng mga araw.

Palagay ang loob ni Ian rito. Hindi siya nahihiya rito. Hindi rin siya nag-iisip kung maayos ba ang hitsura niya, gwapo ba siya, o magugustuhan ba nito ang suot niyang damit tulad ng madalas niyang pinoproblema kapag kasama si Justin.

Bagaman sumisingit sa isip niya ang tungkol sa pagkakaroon ni Kyle ng crush sa kanya noon, wala naman siyang nakikitang senyales na mayroon pa rin. O baka itinatago lamang nito. Ilang beses na rin naman niyang nahuhuli ito na nakatitig sa kanya. Ang kaso, biglang magbibiro ito kaya nauuwi sa tawanan ang lahat.

Napag-alaman niya na isang buwan ang bakasyon nito sa multinational company na pinagtatrabahuhan nito.

"I earned this vacation with pay. Dahil sa akin kaya nila na-discover ang huge oil deposits sa Indonesia," pagkukuwento nito habang nilalagyan nito ng second layer ng pintura ang dingding ng apartment niya.

Susuko (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon