"What? Ibinigay mo ang pagkakabae mo sa isang playgirl, Lalisa? Lahat lang ng mga babae niya ay pinaglalaruan niya. Tapos dadagdag ka pa sa listahan ng mga iyon. Goodness!"
Bulyaw sa akin ni Jisoo na kulang na lang ay iumpog niya ang ulo ko sa katangahan na ginawa ko. Na-kuwento ko kasi sa kaniya dahil ayaw ko rin naman ilihim sa kaniya ang mga bagay na iyon. Alam ko private life ko na iyon, pero feeling ko kung hindi ko may lalabas iyon ay para akong hindi mapanatag.
Isa rin siya sa kaibigan ko na tinuturi akong kapatid at alam din niya ang trabaho ko sa club. Noon tutol siya, pero naisip rin niyang hindi rin niya ako kayang bigyan ng magandang buhay. Hindi ko naman sila kinakaibigan nang dahil gusto ko na may mapapala sa kanila eh. Ang gusto ko ay mag-isa at mag-isang lumaban sa lahat ng problemang kinakaharap. Isa rin siyang student sa university na pinapasukan ko. Minsan rin kami magkasalubong sa school dahil ang tinatake niyang course ay Midwifery. Sa kabila ang department nila kaya madalas lang kami magsalubong sa school.
"Hindi ko napigilan dahil—" She cut me off.
"Iyan! Iyan ang mga line na ayaw kong marinig sa'yo na hindi ko napigilan nang dahil sa maganda niyang mukha at malaki at mahaba ang alaga niyang snake . Gosh Lalisa, hindi ko na alam anong gagawin sa'yo."
Napahawak siya bigla sa buhok niya at tandang naiinis. Nandito kami sa apartment ko dahil tapos na kami sa klase namin ngayon umaga. Malapit lang ang apartment ko sa school at nilalakad ko rin ang pagpunta't uwi ko sa school para na rin tipid ako.
"Ang tanga-tanga ko bakit ang dali kong ibinigay ang pagberhen ko sa isang playgirl. Ganon na ba ako kinain ng magaganda niyang salita, kaya nakuha niya lang mabilis ang isang tulad ko?"
Gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa pader para matauhan at hindi ko na maalala ang nangyari sa amin ni Jennie.
"Pero teka gumamit ba kayo ng condom nong nag-sex kayo o wala?" Umiling ako sa tanong niya. Ano bang meron sa condom at kailangan pang gamitin iyon kung nagtatalik? Malaki ba ang gampanin na iyon upang makipag-sex? Okay I'm just curious, okay.
"What?! Siguro uminom ka rin nang pills nong—" I cut her off.
"Hindi."
Para siyang nahinto sa ginagawa niya.
"Ewan ko na lang sa'yo, Lisa. May tendency na may bubuong bata diyan sa tiyan mo. Kung magaling iyon mag shoot. Ipagdasal mo na lang na hindi ka mabubuntis." Umiiling niyang sabi.
"I'll get going kita lang tayo mamaya sa cafeteria, okay? Huwag na lang isipan ang mga sinabi ko. Think positive dahil nabigla lang ako sa sinabi mo kanina."
Tumayo siya para halikan ako sa pisngi. Ngumiti na lang ako para makitang ayus lang ako.
Hindi ko mapigilan mag-alala sa sinabi niyang may mabubuong bata. Parang gusto ko na lang maglaho ng parang bula sa kahihiyang ginawa ko.
Ang dami ko pang pangarap na aabutin at ipakita sa kanila na kaya ko mag-isa at hindi umaasa sa ibang tao.
Naisip ko rin na hindi lang ako naikama ni Jennie kaya sana 'di makapagtagbo ulit ang landas namin.
***
Dalawang linggo na ang lumipas ang tagbuang nangyari sa amin ni Jennie. Hindi ko pa rin siya nakikita sa school at wala rin akong balak hanapin siya. Isa siyang criminology at malayo rin ang department nila sa department naming mga future teacher.
Hindi pa ako nakabalik sa club dahil sa daming ginagawa sa school kaya na busy ako sa pagpunta sa club. Kailangan ko rin ipasa ang ang project sa World History na sumasakit rin ang ulo ko nang dahil sa sabay-sabay ang pagpapa-project ng mga teacher. Hindi na sila naawa sa amin, araw-araw na lang puyat para lang gawin lahat. Kung sa bagay student kami at tungkolin namin gawin ang mga bagay na iyon. Ang mga classmates ko parang walalang sa kanila dahil panay chismis ang inaatupag. Pakiramdam ko wala talaga silang pakialam sa project na ipapasa ngayon araw.
YOU ARE READING
Show Me Love [On-going]
Fanfiction"Sagabal ka lang sa buhay ko, umalis ka na. Hindi kita kailangan." L "Hindi kita iiwan, kahit anong gawin mo at ipagtulakan ako palayo ay hindi ako aalis at mapapagod na alagaan ka, kayo ng magiging anak natin. Mahal kita, ikaw at kayong dalawa ang...