"Bakit ka nandito?"
Nagulat ako sa bungad niya dahil hindi ko inaasahan na pagbukas ng pinto ay si Jennie ang sasalubong sa akin. Umagang-umaga pagmumukha niya ang sumalubong sa akin. Nakangiti siya ng malapad.
Alas sais pa lang nang umaga at hindi ko talaga maintindihan sa babaeng ito bakit siya nandito kaumaga. Nakasuot na siya ng uniform nilang mga criminology. Nababagay talaga sa kaniya ang uniporming 'yon.
Tinanaw ko ang apartment ko baka makita siya ng dalawa. Ayaw ko rin kasi pati si Jennie ay idadamay nila. Ganitong oras ay alam kong mahimbing pa rin ang tulong ng dalawa dahil 9 o'clock pa ang pasok nila.
"Sinusundo ka, isa pa nagdala ako ng foods natin para sabay tayo kumain..."
Tinaas niya ang kaliwa niyang kamay sabay pakita iyon. Doon ko pa lang napansin ang dala niyang pagkain. Kumamot siya ng batok para bang nahihiya.
"Binili ko ulit... dahil hindi pa ako marunong magluto. Don't worry magsisipag ako magpaturo kay Mom."
Nakahawak pa rin siya sa batok niya at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi ko alam na may side siyang ganito, parang nahihiya. Natawa na lang ako sa isip ko.
"May pagkain ako."
Na bigla siya sa sinabi ko. Akala ba niya makukuha niya ako sa pa simpleng effort. Alam kong ganito rin ang ginagawa niya sa mga babae niya. Matatamis na ngiti at effort ginagawad niya para makuha ang gusto niya sa mga babae.
"Alam ko, pero gusto kong pagsilbihan ka, Lisa. Sana naman pagbibigyan mo ako sa gusto ko. Babaero ako, pero hindi ba puwedi magbago para sa 'yo?"
Parang nanigas ako sa sinabi niyang iyon. Alam ko mahilig siya sa mabubulaklaking salita, pero parang lumambot ang puso ko sa nalabas na salita sa kaniya.
Napansin niyang hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya. Hinawakan niya ang aking balikat, para hulihin ang tingin ko.
"Kinikilig ka ba sa sinabi ko?"
Ngayon ay napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ako? Kinikilig sa kaniya? Hindi ba puwedi hindi lang ako sanay sa presensiya niya?
"W-What? Kung inaakala mong kinikilig ako, puwes hindi lang ako sanay sa presensiya mo."
Nakipagtitigan ako sa'kaniya alam kong binabasa niya ang reaction ko the way she look at me. Siya ang na unang umiwas sa tingin. Hindi ko talaga mabasa anong trip niya.
"Kung kinakailangan dito ako tumira para lang masanay ka sa presensiya ko ay gagawin ko. Ayaw kong hindi mo ako tignan, gusto ko masanay ka na kasama mo ako.
Hindi ako nakapag salita parang umurong bigla ang dila ko. Bakit ang galing niya magsalita ng mga matatamis na salita?
"Hindi mo ba ako papasukin? Kanina pa ako dito nangangalay para hintayin ka magising. Tapos puyat—shit."
Mabilis niyang tinakpan ang kaniyang bibig dahil sa sinabi niya. I crossed my arms over my chest. Tinignan ko siya ng seryoso dahil hindi ko na gets bakit na puyat siya. Nambabae ba siya, kaya napuyat?
Pakialam ko ba don hindi ko naman siya kilala at lalong hindi ko siya girlfriend. Kaya lang naman kami nagkakilala dahil sa ugnayan namin sa anak namin. Ganito ba mag overthink ang buntis o hormones ko na naman umiiral kaya ito?
"Hindi ako nambabae, okay. Mali naman iniisip mo."
Hindi ako nakasagot muli dahil sa sagot niya. Mind readers ba siya kaya niya nababasa ang nasa isip ko.
"Lalong hindi ako mind readers, Lisa. Sadyang halata lang sa itsura mo."
I looked away.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.
YOU ARE READING
Show Me Love [On-going]
Fanfiction"Sagabal ka lang sa buhay ko, umalis ka na. Hindi kita kailangan." L "Hindi kita iiwan, kahit anong gawin mo at ipagtulakan ako palayo ay hindi ako aalis at mapapagod na alagaan ka, kayo ng magiging anak natin. Mahal kita, ikaw at kayong dalawa ang...