Kabanata 6

463 42 16
                                    

"Jennie."

Mahina kong tawag sa 'kanya dahil kanina pa nangangalay ang kamay ko sa kamay niya. Nakahawak lang naman sa sa pulsuhan ko para bang mawawala ako sa 'kanya any second.

"Gutom ka na ba? Hindi ka ba napapagod? Gusto mo ba pasan?"

Tinignan ko siya ng masama dahil sa mga tanong niya. Tatlong araw na nakalipas, pero ito ako ngayon nakikipag-deal sa isip bata. Hindi ko na talaga alam anong gagawin ko sa 'kanya. Simula nong nagpa OB kami ay naging doble ingat siya sa akin. Mabuti na lang hindi na siya nagpumilit tumira sa iisang bubong.

"Puwedi bitawin mo na kamay ko, hindi naman ako mawawala eh."

Ngumuso siya sa sinabi ko. Hindi ko talaga alam maiinis ba ako o matatawa dahil sa side niyang parang bata.

"No way."

Umiling siya sabay pantay sa akin. "Paano kung iwan mo ako ulit at gawin mo ulit ang pagtakas sa akin nong isang araw—" I cut her off.

"Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko? Kanina ka pa diyan, parang mawawala na ako sa'yo ng tuluyan sa ginagawa mong iyan. Para kang bata sa ginagawa mong iyan."

Sumeryoso bigla ang mukha dahil sa sinabi ko. Ang ganda niya kapag ang mukha niya ay naka poker face. Dagdag na sa pagiging seryoso niyang tao.

"Okay fine."

Nakahinga naman ako ng maluwag ng bitawan niya ang kamay ko. Hahakbang na sa ako, pero mabilis niyang hinawakan ang isa kong kamay.

"I think puwedi naman hawakan kamay mo at hindi pulsuhan mo?"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Kahit kailan walang matinong gagawin sa akin.

"Ganyan rin ba ginagawa mo sa mga babae mo para makuha ang loob nila?"

Nakatingin siya sa akin na walang emotion sa mukha. I know her thinking dahil sa expression sa mukha. Hindi naman ako nagseselos, pero ibahin na lang niya ako dahil hindi ako easy to get. Hindi niya ako makukuha sa pagiging astig at efforts niya sa akin.

"Hindi ka ibang babae, Lisa dahil ikaw ang magiging ina ng anak ko."

Bakit ang lakas niya bumanat, ganito rin ba ang sinasabi niya sa mga babae niya noon. Hindi ko rin alam kung until now ay mayron, pero iisa lang ang gusto ko ayaw kong mahulog sa kanya dahil ako ang kawawa sa huli.

"Let say kilala mo akong isang playgirl, pero hindi na ba puwedi magbago o gusto kong magbago sa sarili ko? Gusto kung patunayan sa 'yo na nararapat akong maging isang ama ng magiging anak natin. Kung iniisip mong nilalandi kita katulad ng mga babae ko no'n. Hindi ka nila katulad dahil iba ka sa kanila."

Natulala ako dahil sa mga sinabi niya at puweding magpa bilis ng tibok ng puso ko. Natauhan lang ako ng maramdaman ko ang pagpisikil niya sa kamay ko.

"Kinikilig ka ba sa sinabi ko?"

"Kapal ng mukha mo para sabihin sa akin iyan. Hindi kita magugustuhan kahit kailan."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon. Nakita ko sa sulok ng mata ko ang pagseryoso ng mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Malayo man ako sa magugustuhan mong lalaki, pero sisikapin kong mahulog ka sa akin. Sisiguraduhin ko 'yan..."

Pinisil niya ng marahan ang kamay ko at ngumiti ng tipid. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya dahil sa nadadala ako sa gummy smile niya.

"Ang yabang."

"Hindi ko pipigilan ang sarili ko mahulog sa 'yo."

Pinantayan niya ako at konti na lang pagitan ng mukha namin sa isa't isa. Akala ko hahalikan niya ako dahil sa paglapit niya sa mukha sa mukha ko.

Show Me Love [On-going]Where stories live. Discover now