Kabanata 8

489 41 24
                                    

Kanina ko pa siya hinihintay sa loob ng classroom namin dahil lunch time na, pero wala pa ring Jennie ang dumadating. Konti lang ang student na natatanaw ko dahil nasa cafeteria na ang iba at kumakain.

Tinignan ko ang phone ko kung may mensahe ba galing kay Jennie. Nadisyama na lang ako dahil wala man lang text galing sa kanya. Hindi kaya nambabae siya kaya hindi niya ako siniput dahil kikitain niya ang mga babae niya? Parang gusto ko umiyak dahil sa kaisipang iyon.

"Lisa?"

Napaangat ang tingin ko sa may harapan ko dahil sa boses ni Jaewon. Nakangiti siya ng malapad na may dalang bola ng volleyball. I think galing lang siya sa screening ng volleyball dahil sa gaganaping Intramurals.

"What are you doing here?" I asked him.

Napahawak siya sa batok at umiwas ng tingin sa akin. Curious lang ako dahil department ito ng educ ang department nila ay nasa kabilang building.

"May dinala akong foods para sa mga teachers. Pinapabili ni sir Kang so, napadaan ako at nakita kita na walang kasama kaya ako nandito."

He said. Nakatingin na siya sa akin at tila nahihiya dahil sa hindi makatingin ng diretso sa aking mga mata. Tumango na lang ako at tinignan ulit ang selpon ko kung may iniwan bang mensahe si Jennie, pero ni isa wala pa rin paramdam sa akin.

"Ikaw ba? Lunch time na hindi ka pa lumalabas?" He asked me.

Hindi pa naman ako gutom dahil naparami ang kain ko kanina ng breakfast kasama si Jennie. Kaya medyo hindi pa ako gutom at may vacant time pa ako ng 2 hours isang subject lang babalikan ko mamaya. Hindi rin sigurado kung papasok si Ms. Jeon.

"Gusto mo sabay na tayo mag-lunch total hindi pa ako kumakain." He said.

Tumabi siya sa akin at naupo sa bakanteng upuan. Naaamoy ko ang matapang niyang pabango dahil sa pawisin siya.

"May ano— hinihintay pa ako." I said.

Hindi ko puwedi iwan o baliin ang sinabi ko kay Jennie na hihintayin ko siya sa classroom namin. Baka gawin na naman niya nong isang araw na hinintay niya ako para lang sabay kami kumain ng lunch. At ginawa talaga niya na hinintay ako sa labas ng room namin.

Umusog siya konti at parang anytime ay babaliktad ang sikumura ko dahil amoy ko ang matapang niyang pabango.

"Oh, si Ms. Kim ba? I saw her earlier sa isang restaurant na may kasamang babae—"

Hindi niya natapos ang sinabi niya dahil mabilis kong tinakpan ang ilong ko. Bago pa man ako sumuka ay napatingin ako sa humawak sa balikat ko at tila nag-aalala.

It was Jennie.

"Can you please lumayo ka mo na ng konti sa girlfriend ko? Hindi niya gusto ang amoy mo, Pre."

Marahan niyang sabi. Pinatayo niya ako at tinignan ng malumay tila pagod na pagod siya dahil sa itsura niya ngayon. Puno ng pawis ang damit niya tila galing siya sa trabaho. Magulo, natutupi rin ang kaniyang uniform at may konting dumi sa part ng necktie niya.

"You're here, yayain ko sana kumain ang so called girlfriend mo. Since nandito ka rin naman, Pre mauuna na ako."

Malumanay ang pagkakabigas niya ng mga salita at tila bay nang-aasar ito kay Jennie.

Nagkatitigan silang dalawa at parang walang gustong kumurap sa kanilang dalawa. Medyo matangkad si Jennie kay Jaewon kaya parang nakatingala ng konti ito kapag nakatingin kay Jennie.

"Jennie."

Bulong kong sabi dahil sa matalim niyang tingin sa kay Jaewon. Hindi ko naman iiisipin na nagseselos siya dito. Wala naman kasi siyang puweding pagselosan dahil ayaw ko rin pumasok sa isang relasyon kahit pa sabihin niyang sisikapin niyang mahulog ako sa kanya. Gusto ko matupad ang pangarap ko at ipagmalaki sa mga taong nanlalait sa pamilya namin.

Show Me Love [On-going]Where stories live. Discover now