Hindi pa rin ako makatulog dahil si Jennie ay nasa kama nakahiga. Hindi ko rin alam kung saan ako matutulog ngayon dahil maliit lamang ang kuwarto ko at sakto lang na isa lang puwedi humiga don.
"Hindi ka pa ba matutulog? Kanina ka pa nagre-review. Baka ma-memorize mo na lahat ng laman ng book na binasa mo, dahil kanina ka pa nakababad diyan."
Saad ni Jennie pero hindi ko siya nilingonan dahil iniisip ko kung saan ako matutulog. Kung sa baba ako matutulog panigurado ay maraming lamok don naghihintay sa akin.
"Mauna ka na tatapusin ko na lang itong assignment ko sa IT."
Hindi ko siya narinig na nagsalita. Alam kong kanina pa siya inaantok dahil rin sa tagal ko naka-upo sa lamesa. Inaaral ko pa kasi itong ibinigay ng professor na assignment sa IT. ASCII CODE pero medyo kuha ko na siya how to solve, binary to dicimal or binary to octal.
"Matulog ka na ako na ang sasagot sa assignment mo. Ita-try ko sagutin kahit hindi ko alam para hindi ka na makapag-puyat."
Hindi ko namamalayan na nakadungaw na siya sa paper na hawak ko kanina lang. Alam ko magaling siya sa mga numbers.
"Nakuha ko na siya. Ikaw dapat matulog baka mabinat ka pa niyan..." ibinaba ko ang paper na hawak ko.
"Hindi ka na ba mainit?"
Tumayo ako para kapain ang noo niya para malaman kung nilalagnat pa ba siya o hindi na. Nabigla siya sa ginawa, pero hinayaan ko na lang ang tingin niya sa akin. Medyo wala na siyang lagnat dahil hindi na masyado mainit ang katawan niya.
"Sinabi ko naman sa'yo na magaling ang nag-alaga sa akin kanina." She said.
I looked away.
Ngumiti siya and how many times ko na ba nasabi na ang cute niya kapag nag gummy smile siya? Huwag sana magmana ang anak namin sa amin. Gusto ko sa kaniya nagmana dahil sa cute niya ngumiti. Siguro ito iyong dahilan bakit ang daming babae o lalaki ang nahuhumaling sa kaniya.
"Matulog ka na sa baba na lang ako matutulog."
Hinawakan niya ang aking braso nang aakma akong aalis sa kuwarto. Ayaw ko siya ang kakainin ng mga lamok sa baba. Baka kargo konsensiya ko pa siya kapag magkasakit siya ng tuluyan. Masikip rin kasi ang kuwarto kumpara sa kaniya dahil sa tangkad niya.
"Dito ka na matulog sa kuwarto mo..."
Tumingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Papayag siya don matulog sa baba?
"Magkakasiya naman tayo dito sa kama mo... promise behave ako matulog. Hindi naman ako malikot matulog."
Hinawakan niya ang kaliwa niyang tainga dahil sa pula nito. Bakit ganon kapag nahihiya siya namumula iyong tainga niya?
"Pero—" She cut me off.
"Nirerespo kita Lisa, pero kung gusto mo pamabilis dagdagan si Lemon why not. Natatandaan ko pa nga ang daming hickey sa buong katawan ko sa gabing iyon."
Pinalo ko siya ng mahina sa braso dahil sa sinabi niya. Parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko sa binanggit niya.
I can't even count how many times ko nga isubsub ang mukha ko sa unan nang dahil lang sa nangyari sa amin. Aaminin ko hindi ako nagsisi kung ano man ang nangyari sa amin. Pero hindi ko lang matanggap gaano ako ka wild sa gabing iyon.
"Matulog na tayo."
Hindi ko na siya nilingonan at nauna ako sumampa sa kama. Alam kong tinitignan niya.
"Baka lang naman makalusot." Bulong niya.
Naramdaman ko na lang na tumabi na siya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya. Malalim na rin ang gabi siguro alas diyes y medya ng gabi.
YOU ARE READING
Show Me Love [On-going]
Fanfiction"Sagabal ka lang sa buhay ko, umalis ka na. Hindi kita kailangan." L "Hindi kita iiwan, kahit anong gawin mo at ipagtulakan ako palayo ay hindi ako aalis at mapapagod na alagaan ka, kayo ng magiging anak natin. Mahal kita, ikaw at kayong dalawa ang...