Kabanata 4

490 52 17
                                    

"Paano kung nasa akin ang panty mong sponge bob na kulay yellow? Hindi mo naman sinabi na mahilig ka sa panting may palamuti."

Hindi ko alam kung ilang minuto nakasubsub ang ulo ko sa unan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap nasa kaniya ang panty ko. Iniisip ko paano kung hindi niya iyon nilabhan at inaamoy pa.

Hindi ko na talaga alam gagawin paano ba naman sa pagkataranta ko sa umagang iyon ay nalimutan ko isuot ang panty ko at tanga rin ako dahil hindi ko man lang naisip na magiging ebedensiya niya iyon.

Akala ko ay manlinlang ko siya dahil sa sinabi ko na posibleng hindi siya ang ama ng magiging anak namin, pero hindi ko naisip ay nasa kaniya ang bulkaklakin kong panty. Ginawa ko ang panting iyon na bulaklakin dahil marami kaming mga babae sa club, kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko iyon ng daisy na flower para hindi kami magkapalit-palit ng mga gamit.

"Arrrgh."

Pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil malalim na ang gabi. Gusto na ng katawan ko matulog, pero ang diwa ko ay gising.

"Bahala na bukas kung ano ang mangyayari."

***

KINABUKASAN nagising ako ng maaga at hindi ko na alam kung anong oras ako natulog kagabi dahil kakaisip sa sinabi ni Jennie kahapon.

Sa tuwing iniisip ko ang sinabi niya na ginawang lucky charm ang panty ko ay para akong nahihiya. Bakit ba kasi ginawa pang lucky charm iyon? Gusto ko sana siya sapakin, pero hindi ko magawa dahil rin sa kahihiyang ginawa ko.

Nang bumaba na ako sa kuwarto ko ay hindi ko nadatnan ang dalawa sa baba. Mabuti na lang wala ang dalawa ngayon, dahil kung narito lang sila ay panigurado may maririnig akong masasakit na salita. Ewan ko ba kapag narito sila parang hindi ako nakakahinga ng maluwag at para akong sinasakal kapag nakikita ko ang pagmumukha nilang dalawa.

Nagsaing ako dahil gusto ko heavy meal. Mas healthy daw kapag may kasamang kanin kapag nag be-breakfast ka.

"Kapit ka lang."

Hinimas ko ang tiyan ko dahil umuumbok na iyon. Kailangan ko rin magpatingin sa doctor kung healthy lang ba ang pagbubuntis ko. May pera naman ako naitabi at pera na binigay ni Miyeon nong isang araw. Ayaw ko rin iasa kay Jennie dahil alam kong sa magulang niya rin siya kumukuha ng panggastos sa aming dalawa ni baby.

Nang makarating ako sa school ay medyo marami na ang student dahil 6:43 am na ang ibang start ng class ay 7 o'clock. 7 y medya ng umaga ang start ng klase ko ngayon araw, kaya inagahan ko na, para iwas rin kay Jennie.

"Good morning, Lisa!" I heard Jennie's voice.

Lahat ng student sa pathway ay napatingin sa nagsalita. Hindi ko naman alam na pati dito sa department namin ay pupunta siya dito kaaga. Ang alam ko ay 9 o'clock start ng class niya.

Wala na rin akong magagawa na ipagtabuyan siya dahil alam kong hindi siya matitinag sa lahat ng sasabihin ko.

"O.G.M Jennie's here."

Hindi ko siya pinansin dahil lahat ng attention ay nasa amin. Ayaw ko rin isipin ng mga babae niya ay kabilang ako sa nilalandi niya. Tama na iyong isang beses na nagkamali ako.

"Wait."

Hinawakan niya ang pulsuhan ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita kong may hawak siyang foods. Mabuti na lang ay narito kami sa walang masyadong student.

"Anong kailangan mong petse ka?"

"Ibibigay ko lang ito—"

Pinutol ko ang sasabihin niya dahil alam kong pagkain ang tinutukoy niya.

Show Me Love [On-going]Where stories live. Discover now