Kabanata 9

631 45 16
                                    

"Saan ka galing? Sa putanginang bar na iyon? Para ano? Para sumayaw kahit may baby diyan sa sinapupunan mo? Tangina naman Lisa. Alam mong masama kang mapagod dahil iyon ang bilin ng doctor. Bakit kahit sa simpleng payo ng doctor hindi mo makuha, dahil sa putanginang pera na iyan."

Napaiyak ako dahil sa sigaw ni Jennie at hindi ko malaman kung ganiyan siya makapag-salita. 1 week na ngang hindi ako sinusundo. Tapos na ang intram at may gana pa siyang sigawan ako. Alam ko maselan ang pagbubuntis ko, pero hindi ako pabayang ina sa inaakala niya. Nadatnan ko na lang siya kanina sa kuwarto ko at inaayos ang mga gamit ko.

"Magsalita ka naman para akong tanga dito na nagsasalita mag-isa. Hindi mo alam gaano mo ako pinag-aalala, Lisa."

Napa-upo siya sa maliit na silya sa tabi ng salamin at don pinakalma ang sarili.

"Bakit? Ikaw ba saan ka galing sa isang linggo? Nambabae? Pinapasarap mo mga babae dahil nag-sasawa ka na sa amin dalawa? Tangina, Jennie! Kahit saan kita hanapin sa lupalup ng campus hindi kita makita. Tinanong kita sa mga kaibigan mo na baka sakali kung nakita ka nila, pero ni isa wala. Lahat sila walang may alam kung nasaan ka na. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-aalala. Akala ko kung ano ang masamang nangyari sa'yo kaya ka hindi makita. Tanggap ko pa kung nambabae ka, pero... mamatay ka dahil sinaksak ka pambabae mo. Busit ka, Jennie Kim susumpa kita!"

Napahagulgul ako sa iyak dahil sa sinabi ko. Dala na siguro ng pagbubuntis ang pagiging softhearted.   Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, upang mapakalma niya ako. Hindi ko rin malaman kung saan niya nalaman na pumupunta ako sa bar. Yes, pumupunta ako pero hindi para sumayaw para lang pumunta kay Miyeon o sa mga bayarang babae na tulad ko. Kinuha nila akong make-up artist 300 bawat isa kaya nakaka-ipon kahit papaano. Hindi kaya pumunta rin don para makipag-hook ng ibang babae?

"Lisa, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka, galit lang ako sa sarili ko.  Hindi ko intensyon na biglain ka, ayaw ko lang may masamang mangyari sa mag-ina ko. Hindi ko rin  sinasad'ya hindi ka siputin ng isang linggo. Kung alam mo lang gustong-gusto kitang puntahan, but I can't. Pero from now on sa apartment na kita titira whether you like it or not. Sa iisang bubong na tayo magsasama. Ayaw kong pinapahirapan mo ang sarili mo o tinitiis mo lahat-lahat ng dahil dito sa matandang matandang babae na iyon. Binayaran ko rin lahat—" I cut her off.

"Bakit mo ito ginagawa? Puwedi mo na ako iwan wala rin namamagitan sa ating dalawa. Tanging nag-uugnay lang sa atin ay ang baby. Kung may ibang babae ka puntahan mo na siya Jennie. For sure magiging masaya siya kapag alam niyang siya ang pinili mo. Sige na please."

Alam ko sa sarili ko nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Kahit hindi pa aminin alam ni Jennie na may nararamdaman na ako sa kanya. Ayaw ko lang dumating sa point na iiwan kami ni Jennie at sasabihin hindi na kami importante sa kanya.

"Hindi kita maintindihan, Lisa... you're always pushing me away na 'di ko na mabilang kung ilang ulit kung sinasabi na wala akong ibang babae nilalandi. Bakit ang dali mo lang ako husgahan ng dahil sa nakilala mo akong kaliwa't kanan pambabae ko? Bakit hindi mo ako subukan? Patutunayan ko sa'yo lahat na hindi ako klaseng tao na mapag-laro. Lisa hindi ako flirty na tao alam mo iyan, sila ang kusang lumalapit hindi ako. Hindi ako tinuruan ni Mommy magluko ng mga para lang matatawag na kahanga-hangang tao."

Lumuhod siya harapan ko at hinwakan ang kamay ko. Ngayon ko lang napansin ang suot niya, marumi kulay puti ang suot niya kaya agaw pansin ang iyon. Hindi ko alam kung saan siya nag-pupunta dahil pa rin siyang sinasabi bakit siya nawala sa loob ng isang linggo.

Batay sa sinabi niya alam kong puwedi ko iyon paniwalaan dahil sa sincere ng pagkakasabi niya. But... may something na hindi niya sinasabi bakit siya laging marumi tuwing pumupunta siya rito. Hindi ako manghuhula para mahulan ko kung ano ang pinanggagawa niya sa buhay.

Show Me Love [On-going]Where stories live. Discover now