Lumulutang yata ako habang naglalakad. I can't explain how happy I am. Dalawang bagay na lang ang kulang sa amin ni Jennie. Commitment and of course the L word, Love. Mali, ako lang pala ang hinihintay niya magsabi nang 'I love you.'
Okay naman kami sa ganito, pero minsan naiisip ko din na iba pa rin yung kapag may karapatan kami sa isa't isa kaso kapag nangyari yun, madami ng consequences. Kakayanin kaya namin yun?
Eh teka nga, ano ba tong mga iniisip ko, eh wala naman kaming pinag-uusapang commitment. Nadadala lang siguro ako sa saya na nararamdaman ko ngayon.
In the first place baby lang ang nakakapag-ugnay sa amin dalawa, nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na 'yun. Ang hirap pala kapag may nabubuong 'love' sa pamamagitan ng pagsasama niyo.
Aaminin ko may namumuong pagmamahal, dahil hindi mahirap mahalin si Jennie. I think masasabi ko lang napaka hands on niya pagdating sa pag-aalaga sa akin. Pero hindi ko maiwasan ang mga bagay na 'di dapat isipin.
It's been a month since nakatira ako sa condo ni Jennie ang dami ng nangyari except sa sexy time namin dalawa. Sometimes umuuwi rin ako sa apartment ko, kapag na bobored ako kung wala si Jennie sa condo niya.
Until now hindi ko pa rin alam kung saan siya nag-susuot bakit palagi na lang siya wala sa tabi ko. It's already five o'clock pero wala pa rin siya.
Ang sabi niya sabay kaming uuwi dahil minsan din kami nakaka-uwi ng sabay dahil sa kesyo may pinapagawa ang prof niya.
Kasama ko ngayon sila Nayeon at Rosé pauwi na rin sila. Naging malapit kami tatlo dahil sa iisa lang ang department ang gusto nila I meant si Jennie at Jeongyeon. Tapos bestie ko na midwifery... si Jisoo.
Nang makarating kami sa gate ay nakamasid lang ako sa mga studyanteng nag-uusap sa bandang may gate, pa kunti-konti na lamang ang mga student. iyong iba ay ang labas nila ay 6 o'clock.
"Hindi naman sa nakikialam ako ha, pero akala ko ba para lang sa bata kaya kayo nag lilive-in ni Jennie?" tanong ni Rosie. Kinukuwento ko kasi tungkol sa pag lilive-in namin at set up.
"Si Lisa, iiwasan si Jennie? Eh para kayang magnet ang dalawang yan", singit ni Nayeon.
"Akala ko ba nahihirapan ka na?" tanong niya ulit.
"Oo. Nahihirapan ako. Nasasaktan. Pero mas mahirap pala kapag wala siya. Sabi niya para daw may kulang kapag wala ako, at ganun din ako sa kanya." sagot ko.
"Good luck."
"Saan?" tanong ko.
"Sa pagiging masokista mo." Umiiling na sagot niya.
"Kaya ko naman ang sarili ko."
"I heard that before. Bahala ka, basta lagi mong tatandaan, nandito lang ako, kami kapag pinaiyak ka na naman ni Jennie, ok?" sabi niya.
Actually napaiyak na niya ako dahil sa hindi ko mapigilan magselos, siguro nadadala lang ako ng hormones ko kaya ako umiyak.
Ngumiti ako. "Sabi niya hindi na daw niya ako sasaktan." Kampante kong sagot. At isa pa 'di magagawa ni Jennie ang mga bagay na iyon.
"Lahat ng babae o lalaki 'yan ang sinasabi."
"So sinabi din sayo ni Jisoo yun?"
"Ah.. Eh.. Oo."
Tumawa ako. "I see."
"Teka maiba ako, saan na ba si Jennie? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?" Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya at kunwaring kinuha ko ang selpon sa bag ko.
YOU ARE READING
Show Me Love [On-going]
Fanfiction"Sagabal ka lang sa buhay ko, umalis ka na. Hindi kita kailangan." L "Hindi kita iiwan, kahit anong gawin mo at ipagtulakan ako palayo ay hindi ako aalis at mapapagod na alagaan ka, kayo ng magiging anak natin. Mahal kita, ikaw at kayong dalawa ang...