016 | Messages

172 8 1
                                    

MESSAGES

Jedan Paul Sevanja
2:51 PM

You
Hello 👋

Jedan Paul Sevanja
Hi

You
Yie ang bilis magreply o

Pwede tayong text mates kapag ganiyan

Jedan Paul Sevanja
Nagreply ako kasi baka may kailangan ka o importanteng sasabihin.

You
Meron nga hihi

Pero bago ko sabihin, magpapakilala muna ako. Okay lang? 😸

Jedan Paul Sevanja
Ikaw ang bahala.

You
Okay

I'm Ciela Coreia Flores Almazan but you can call me Ciela para mas mabilis. 20. From Manila. Apo ako ni Agnes Flores at anak ni Angelu Flores Almazan. Si Lola Agnes, kaibigan daw ng Lolo Rivo mo noon at si Mommy Angelu naman, kaibigan din ng Daddy Dean mo noong bata sila. Don't you think it makes sense if we become friends too? 🤩

Jedan Paul Sevanja
Ayan na ba 'yong sasabihin mo?

You
HINDI

Apurado ka naman masiyado. Introduction lang, okay? Para at least may background ka tungkol sa'kin at alam mo na mapagkakatiwalaan akong tao.

Jedan Paul Sevanja
Hindi naman yata nabubuo ang tiwala dahil lang sa magkakilala ang mga Lolo, Lola, at magulang natin di'ba? Kailangan ng mahabang oras para doon.

You
Hindi pa sapat 'yong generation by generation na time?

Jedan Paul Sevanja
Sigurado akong alam mo kung anong ibig kong sabihin.

You
Tss. Oo na.

Ilang taon ka na ba? Ang lalim masiyado ng Tagalog mo, in fairness. Nalulunod na 'yong tao dito sir.

Jedan Paul Sevanja
21 na ako.

Kung wala ka nang sasabihin, huwag na tayong mag-usap.

You
WAIT LANG

PLEASE SAGLIT LANG

ETO NA NGA O SASABIHIN NA

May balak akong magtayo ng coffee shop kapag 22 na ako. No'ng nasa Manila ako, nagttrain na ako kung paano gumawa ng kape, paano makipag-usap sa customers, etc. Ang dami ko na ring preparations.

Pero ngayong andito ako, hindi pwedeng matengga. Kaya naisip ko kung okay lang bang magtrain pa ako ng latte art diyan sa coffee shop mo?

Two months lang naman akong nandito. Pagkatapos no'n hindi na kita ulit guguluhin. Saka pwede kong bayaran lahat ng magagamit ko diyan bago ako umalis. Ayoko lang talagang matengga.

Okay lang? :)

Jedan Paul Sevanja
Hindi mo naman sinusubukan na bumawi doon sa cup na nabasag mo di'ba?

You
Hindi ah.

Ang sinasabi ko hihingi ako ng favor.

Jedan Paul Sevanja
Kung totoo man 'yan, sige. Ayos lang naman sa'kin dahil madalas din namang walang customer dito.

You
Ako na 'to.

Syempre habang nagpapractice tayo ng latte art, tayo rin naman ang iinom no'n di'ba?

Jedan Paul Sevanja
Tayo?

Akala ko ikaw lang ang mag-eensayo?

You
Samahan mo na ako. Syempre ang boring naman kung ako lang? Ano 'yon hindi mo ako kakausapin habang gumagawa ako?

Jedan Paul Sevanja
Ah.

Pangit ba 'yong latte art na ginawa ko sa order mo?

You
Hindi. Pero yes, you can still improve in a lot of ways so...?

Jedan Paul Sevanja
Pumayag na ako. Hindi naman ako mahilig magpabago-bago ng desisyon. Punta ka na lang kung kailan mo gusto.

At masaya akong makilala ka, Ciela. Alam mo naman na ang pangalan ko, hindi ba?

You
Yes, I know it already.

Punta ako bukas!!! Thank you sa pagpayag! :')

Jedan Paul Sevanja
Walang anuman.
Read

Coffee Scented Midnights Where stories live. Discover now