MESSENGER
tani 💗
7:38 PMtani 💗
TaniTani
HI I MISS YOUpabalik ka na ba dito?
tani 💗
Opo, nasa jeep na ako.Ayos ka lang ba diyan?
Tani
bukod sa namimiss na talaga kita, oo naman okay lang ako dito.in fairness kasi marami tayong customer ngayon :")
pero may hindi ako naging bet kanina 😾
tani 💗
Ano po 'yon, kalma ko?Tani
'wag mo 'kong makalma kalma sis, naiirita ako sa'yotani 💗
:(Ano po bang nangyari? Ayos ka pa naman noong umalis ako.
Tani
may naghahanap sa'yo kanina na babae. nagpromise ka raw sa kaniya na ikaw pa rin ang magtitimpla ng kape niya kapag bumalik siya ngayong araw.sister naman. ano 'yon, ha? malandi ka 😾
tani 💗
Ah. Iyon po ba?Si Yua 'yon, Tani. Hindi naman para sa kaniya ang kape na palagi niyang binibili eh. May sakit siya pero ayaw niyang magpaospital. Gusto niya munang gawin lahat ng gusto niya para sa mga taong mahal niya bago siya pumayag.
Para sa ate niya 'yong kape. Gusto daw nitong pumunta sa Kapehan ni Lolo Rivo pero hindi na kasi ito makalakad at wala namang aakay kaya si Yua na lang ang nagdadala ng kape natin sa kaniya.
Kaya po ako nangako kasi ang timpla ko ang nagustuhan ng ate niya. Hindi po ba 'yon nakakatuwa kasi dati naman hindi masarap ang timpla ko sa kape eh. Ikaw din naman ang nagturo sa akin.
Tani
aysorry hehe
hindi kasi nagkwento 'yong babae kanina. basta no'ng sinabi kong wala ka, umalis na siya agad.
gets ko na. sorry ulit, hehe.
tani 💗
Naiintindihan po kita, Tani.Eh ngayon kilala mo naman na siya kaya hindi na problema sa susunod. Hindi ka na maiinis.
Tani
of course :)thanks sa pag-intindi
pero ano, kumusta usap niyo ng Mama mo? okay ka lang ba?
tani 💗
Maayos ako, Tani. Maayos din ang napuntahan ng pag-uusap namin. Sasabihin ko na lang sa'yo ang buong detalye mamaya. Malapit na akong bumaba.Tani
okiokiingat ka, tani! see you later!
hihintayin kita dito 💗
tani 💗
Maraming salamat, kalma ko.
[💗]
YOU ARE READING
Coffee Scented Midnights
RomanceCiela Coreia Almazan is a sucker for every kind of coffee. Kahit anong oras, kahit nasaan siya, kapag nagcrave siya ng kape, maghahanap at maghahanap siya para lang isatisfy ang sarili niya. Unang araw ng bakasyon niya sa probinsiya ng Lola niya, s...