MESSENGER
Jedan Paul Sevanja
6:07 PMCiela Coreia
sir. ayos ka lang ba?Jedan Paul
Gusto kong sabihing oo, pero nakita mo naman kung anong nangyari.Hindi ako maayos, Ciela. Hindi kami maayos ng Mama ko.
Ciela Coreia
i'm sorry :(hindi ko alam eh.
Jedan Paul
Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil wala ka namang kasalanan. Tama ka, hindi mo alam na ganoon ang klase ng relasyon na mayroon kaming dalawa.Pasensiya ka na at nakita mo pang mangyari 'yon kanina. Pasensiya ka na sa mga narinig mong sinabi namin sa isa't isa.
Ciela Coreia
ayos lang, jed.gusto mo bang umalis muna ako? baka kailangan mo ng oras para mapag-isa.
Jedan Paul
Pwede bang hindi ka umalis?
Pwede bang dito ka lang muna? Kailangan ko ng kaibigan ngayong gabi.
[💗]Ciela Coreia
oo naman 'no.papasok na ako ha?
Jedan Paul
Hihintayin kita rito.
[💗]
YOU ARE READING
Coffee Scented Midnights
RomansCiela Coreia Almazan is a sucker for every kind of coffee. Kahit anong oras, kahit nasaan siya, kapag nagcrave siya ng kape, maghahanap at maghahanap siya para lang isatisfy ang sarili niya. Unang araw ng bakasyon niya sa probinsiya ng Lola niya, s...