064 | Twitter

147 8 9
                                    

TWITTER

ela. 🔒 @ancientciela
LORD??? 🥺

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
gusto niya ako...? ha?

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
GUSTO NIYA AKO 😭💗😭💗😭💗

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
hindi ako makapagfunction nang maayos. nakabalik na kami sa coffee shop at lahat lahat pero hindi pa rin ako mapakali...

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
gusto ako ni jedan :( 🥺 💗 MOMMY NACRUSHBQCK PO AKO AAAAAAAAACK

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
tapos siya pinagtatawanan ako ngayon 😾 pasalamat siya pogi siya tss

💬 🔁

-

ela. 🔒 @ancientciela
okay so i'm all better now kaya gagawa na ako ng thread 🧵 i need to save precious memories like this!!!

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
how my crush confessed to me: a thread 🧵

 🔒 @ancientcielahow my crush confessed to me: a thread 🧵

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
ganito kasi 'yon. kagabi, hindi ako makatulog. hindi ko alam no'ng una kung bakit hanggang sa tinawagan ako ni Jedan. crush ko.

💬 🔁

ela. 🔒 @ ancientciela
replying to @ancientciela
umiiyak siya, nahihirapan ngang magsalita. hindi niya maikwento nang maayos 'yong nangyari kaya wala na akong sinayang na oras at pinuntahan na siya.

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
he was having an episode of anxiety when i arrived :( nagkasagutan ulit sila ng mama niya and it was the worst one yet. pinakalma ko lang siya by hugging him and letting him cry it out. i made him milk na bago tas inubos niya 'yon bago siya makatulog.

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
morning came. umuwi muna ako para tulungan si lola na magluto kasi sabi niya the night before, she will cook for jedan and us. nagbreakfast kami pagbalik ko sa coffee shop tas sabi ko, labas kami. pumayag naman siya.

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
tas ang weird nga niya no'ng nasa labas na kami. madalas, mahiyain lang siya tas iimik nang onti, tatawa nang onti. pero kanina titig na titig siya sa'kin tas parang kinikilig, gano'n.

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
i wanted to ask but i didn't want to ruin the mood so i just let him be. hanggang sa napadpad kami sa may tulay. nakatingin lang kami sa ilog na kalmado habang dinadama 'yong hangin. it was tranquil.

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
then he suddenly said, "nagtataka ka pa rin ba kung bakit kita tinawag na tani noong isang araw?"

tumango ako syempre. tanong ko naman talaga 'yon.

tas sabi niya, "kalma ang ibig sabihin no'n. pahinga."

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
"Japanese na salita 'yon na kapag isinalin sa English, 'valley' ang ibig sabihin."

"alam mo 'yong kapag mahabang bakasyon, pumupunta 'yong mga tao sa mga ganoong lugar para makatakas sila sa ingay ng totoo nilang buhay kahit saglit? gusto nilang magpahinga kahit sandali lang. gusto nilang kumalma."

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
"ayon ka sa akin, ciela. kaya kita tinawag na tani. pahinga kita. kapag mabigat ang nararamdaman ko, napapagaan mo ang loob ko. lalo na kapag yinayakap kita at kapag nginingitian mo ako."

"sa isip ko, ilang beses ko nang sinabi na hindi ko kayang palaguin ang kapehan ni lolo rivo pero ikaw ang malakas ang paniniwala sa akin."

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
"inaalis mo lahat ng maingay dito," tas tinuro niya ang utak niya.

"pinapakalma mo 'to," he pointed his heart.

"kaya ikaw ang tani ko. ikaw ang kalma at pahinga ko."

🥺🥺🥺

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
"pero ayokong isipin mo na iyon lang ang papel mo sa buhay ko. ciela, gusto kita. hindi ko alam kung paano o kailan basta bigla ko na lang naramdaman. ang saya ko palagi kapag nandiyan ka. may plano ako para sa'yo. para sa ating dalawa. gusto talaga kita, ciela."

💬 🔁 ♡

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
"at gusto ko ring magsilbi bilang kalma at pahinga mo. gusto ko rin sanang maging tani mo ako. kasi pwedeng-pwede ka ring sumandal sa akin kapag napapagod ka na. pwede kang kumuha sa akin ng lakas kapag nauubos ka na. palagi akong handang yakapin at alagaan ka."

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
"kaya ciela... pwede ba nating maging tani ang isa't isa?"

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
at this point, i was already speechless. naiiyak na lang ako kasi ramdam na ramdam at dinig na dinig kong totoo siya sa mga sinasabi niya.

ngumiti na lang siya sa akin tapos lumapit. pinaharap niya ako sa kaniya at hinawakan ang mukha ko.

he kissed my forehead gently.

🥺🥺🥺

💬 🔁 ♡

ela. 🔒 @ancientciela
replying to@ancientciela
he hugged me after. sabi niya pa, "hindi ko pa dapat sasabihin sa'yo dahil gusto kong maghanap ng tamang oras. pero masiyado nang nakakalito 'yong mga ikinikilos ko at ayokong tanungin mo ang sarili mo kung ano ba ang meron tayong dalawa. ayaw kitang pag-isipin nang labis kaya gusto ko nang klaruhin."

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
"hindi wala lang 'yong lahat ng ginawa at sinabi ko sa'yo. inalagaan kita at ginustong yakapin nang paulit-ulit kasi gusto kita. at sana hayaan mo pa akong mas iparamdam 'yon sa'yo mula ngayon, tani."

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
i just told him that i admire him too and that i agree to be his tani. that i want him to be my tani as well.

it's so, so, beautiful. so genuine.

gusto ko talaga siya, totoo na 'to.

💬 🔁

ela. 🔒 @ancientciela
replying to @ancientciela
tani. the most beautiful endearment to ever exist. tani. jedan paul, my tani. my kalma and pahinga.

💗💗💗

end of thread.

💬 🔁

Coffee Scented Midnights Where stories live. Discover now