a note from malaya.
•> trigger warning: toxic parent, degradation, mentions of abortion. read at your own risk.___________________________________________________
MESSENGER
Floria De Dios
10:05 PMFloria
Hindi ka talaga titigil, Jedan?Jedan Paul
Tungkol saan ito?Floria
Alam kong magbubukas ka na ulit ng coffee shop. Nakita ko 'yong tweet doon sa account ng Kapehan ni Lolo Rivo.Sinabi ko na sa'yong itigil mo 'yan, di'ba? Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin?
O sadyang bobo ka lang at hindi mo ako maintindihan?
Jedan Paul
Ang sabi niyo sa akin noon, kung wala namang mangyayari sa Kapehan ni Lolo Rivo, itigil ko na ang ginagawa ko.Pero may nangyayari na ngayon. May mangyayari na. Bakit ako titigil?
Floria
Kasi sinabi ko!Putangina Jedan makinig ka na lang sa akin!
Jedan Paul
Kay Papa lang ako makikinig. Hindi sa katulad mong pilit nagkukunwari na isang mabuting ina pero pinatay naman ang kapatid ko at binalak din akong patayin pati na rin si Jade.Itigil mo na ang ginagawa mo, pakiusap. Nahihirapan na ako kahit ang tawagin kang Mama ko.
Floria
Wala akong pakialam kahit anong nararamdaman mo tungkol sa akin pero kapag sinabi kong itigil mo 'yang mga binabalak mo tungkol sa coffee shop, makinig ka na lang sa akin. Negosyo ko ang maaapektuhan nang dahil sa'yo!Jedan Paul
Anong sinasabi mo?Floria
Bobo ka talaga 'no? Coffee shop ko 'yong dinadayo ng mga tao sa San Roque pero nang dahil sa'yo, marami na akong naririnig na usap-usapan na babalik sila sa Kapehan ni Lolo Rivo.Putangina pinaghirapan kong buuin ang negosyong ito pero gusto mo lang sirain?
Hindi ako papayag!
Jedan Paul
Hindi ako palamurang tao pero putangina naman.Paano mo nagawa sa amin nina Lolo at Papa 'to? Anong ginawa namin sa'yo para pahirapan mo kaming lahat nang ganito?
Kung kasalanan ko na nabuo ako sa tiyan mo noong mga panahon na marami ka pang pangarap sa buhay, pasensiya ka na. Kung kasalanan ko na hindi ka hinayaan ni Papa na ipaabort ako dahil gusto niyang mabuhay ang anak niya, pasensiya ka na rin. Hindi ko rin naman ginustong mabuhay. Kung pwede akong pumili noong mga oras na 'yon siguro papayagan kitang patayin na lang ako dahil alam kong mahihirapan ka at masisira ang buhay mo.
Pasensiya ka na kung nabuhay ako pero sana naman hindi mo rin ako sirain dahil lang hindi mo ginustong ipanganak ako.
Naging mabait naman sina Lolo at Papa sa'yo, Mama. Pero bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to? Bakit mo ako pinapahirapan nang ganito? Nahihirapan na rin po ako.
Floria
Ang dami mong sinasabi. Itigil mo na lang ang plano mo sa Kapehan ni Lolo Rivo kun'di ako mismo ang gagawa ng paraan para sirain kayo.One last warning, kid. One last warning. Kapag hindi ka pa rin nakinig, makikita mo kung anong kalalagyan ng lintik na coffee shop ng Lolo mong nabubulok na rin naman sa ilalim ng lupa ngayon. Sisirain ko kahit ang mga natitira mong ala-ala sa kaniya. Sinasabi ko sa'yo.
Jedan Paul
Ilang taon ko ring pilit isiniksik sa isip ko na baka naman mabuti ka ring tao. Baka naman galit ka lang kasi malungkot ka. Baka naman gusto mo lang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman mo sa amin nina Papa.Pero ngayon binasag mo na lahat ng 'yon. Ayoko nang paniwalaan na mabait ka dahil kitang-kita naman na hindi. Masama ka pala talagang tao. Wala ka pala talagang puso.
Pasensiya ka na pero hindi mo ako mapapatigil sa ginagawa ko. Kahit anong pananakot mo, hindi uubra sa akin. Sa abot ng makakaya ko, proprotektahan ko ang Kapehan ni Lolo Rivo kahit pa ikaw at ang negosyo mo ang maging kalaban ko.
Block | Cancel
Block
This person can no longer send you a message.
YOU ARE READING
Coffee Scented Midnights
RomantizmCiela Coreia Almazan is a sucker for every kind of coffee. Kahit anong oras, kahit nasaan siya, kapag nagcrave siya ng kape, maghahanap at maghahanap siya para lang isatisfy ang sarili niya. Unang araw ng bakasyon niya sa probinsiya ng Lola niya, s...