Chapter 20 || Hindi Kita Kailangan
Cyrish's POV
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko pero nandito ako. Ang huling natatandaan ko ay ang naging paguusap namin ni Felix sa labas ng bahay. Everything's black to me afterwards. Masamang-masama lang talaga ang pakiramdam ko kagabi. I don't know if I was only physically sick or also emotional.
Tumayo ako para sana bumaba at kumain nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. I saw Felix carrying a tray. May lamang soup, medicine at tubig. Then I remembered what I said to him last night. I said I was lying... right? No way he'll take that seriously!
Bakit malakas ang tibok ng puso ko ngayon?!
No, I can't be serious. Wala lang ako sa sarili kaya ko nasabi sa kanya kagabi 'yon. There's no substance in it.
"Mahiga ka nga ulit." sabi niya nang ilapag niya ang tray sa maliit ng cabinet katabi ng kama ko. Ngayong maayos na ako ay hindi na niya ako pwedeng diktahan. Aba nawala siya na parang bula tapos ngayon nandito siya? Babalik na parang walang nangyari? Letche!
"Get out of my room." seryosong sabi ko but then here he is with his sweet smile. Mas nairita lang ako kaya medyo tinulak ko pa siya. "Umalis ka na nga! Ano bang ginagawa mo sa loob ng pamamahay ko ha?!"
"Well your parents said I should take care of you." nagkibit balikat siya kaya sinapak ko na. "Aray naman! Ang ganda mong sadista grabe a." Natatawa pa siya!
"Anong sinabi mo sa parents ko ha?!"
"That we're... together?" Napakamot siya sa ulo kaya sinabunutan ko. "Uyyy hinay-hinay lang! Mas nakakain love ka!"
"Ang kapal mo! Hindi tayo! Hindi magiging tayo! Hindi kita kailangan!" Pero kahit na anong bitawan kong salita ay tawa lang ang sinusukli niya. Nakakainis!
"Ehh naabutan tayo ng parents mo na nakahiga sa kama mo e. Nakayakap ka sa akin!" Naginit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"H-Ha? Anong ako? AKO? Nakayakap SA 'YO?! Huh! Asa ka!" I rolled my eyes.
"Oo kaya. You harassed me! Sana lagi kang ganun." Hinampas ko siya sa sinabi niya. Manyak!
"But seriously, you fainted last night. Sobrang taas ng lagnat mo kaya dinala kita rito at pinabihisan kay Manang. I can't leave you alone dahil sa taas ng lagnat mo kaya tinabihan kita. Inakap mo ako..." Nakakatunaw na tingin ang pinukol niya sa akin. "Then you called my name in your dreams several times babe..."
Hindi ko alam kung paanong napapabilis niya ng ganito ang tibok ng puso ko at napapainit niya ang paligid. Epekto lang kaya ito ng lagnat ko? Nababaliw na yata ako!
Naglakad siya palapit sa akin at ginawa niyang magkalebel ang mukha namin. I gulped. Paanong ganito kalapit ang mukha ng gwapong tulad niya sa mukha ko. "And I want you to know that you're not a good liar." At kumindat siya na nagdala ng libo-libong boltahe ng kuryente sa katawan ko.
Nagiwas ako ng tingin at umalis sa harapan niya. "What happened to Mikka and Kailer? Did you intentionally cause it? Why?"
Sa pagbanggit niya 'non ay bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Sa mismong birthday ni Mikka. Aaminin ko na nasaktan din ako ng sobra sa ginawa ko sa pinsan ko. God knows how much I love her pero pinangunahan ako ng kasakiman ko. I caused her pain dahil sa gusto kong gantihan siya. Sila ng parents niya. Sinisisi ko sila ng sobra sa nangyari sa akin nung bata pa ako.
Muntikan na akong mapatalon sa mga brasong pumulupot sa baywang ko. Pinagpahinga ni Felix ang kanyang baba sa balikat ko at nagmistula akong estatwa dahil sa ginawa niya. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso niya pati ng hininga niya. Bakit ang sarap sa pakiramdam na ganito ang epekto ko sa kanya?
BINABASA MO ANG
The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETE
RomanceSi Cyrish Villaroel ay hindi naniniwala sa pag-ibig at hilig niyang paglaruan ang puso ng mga lalaki sa kanyang paligid. Kapag ayaw na niya, madali niyang napapaalis bawat lalaki sa buhay niya. Her life was a mess. Until she met this guy who almost...