Chapter 49 || Remember
Felix's POV
Nahuli ako dahil sa may nabangga akong naka-motor noong papunta na ako sa party. Kinailangan ko munang makipagareglo para makaalis. Ang aga ko pa namang umalis para sunduin sana si Cyrish pero kapalaran na ata ang sumusubok sa amin. Mabuti na lang at may tauhan akong nautusan para sunduin siya. Ayoko namang pumunta siya ng nagiisa.
Pagdating ko sa venue ay nagulat ako sa itsura ni Cyrish. Yes she's the most beautiful girl I've ever seen pero nakaramdam ako ng kirot sa loob ko nang makita ko siyang tumakbo palabas. Dito ko napansin na basa ang kanyang damit na para bang may naibuhos dito. Nagsimula na ring bumagsak ang kanyang luha...
I can't let her go. Inimbita ko siya sa party na ito at ano man ang nangyari ay kasalanan ko rin. May galit sa loob ko lalo na kapag iniisip kong umiiyak siya ngayon. Gusto kong managot ang kung sino mang nagpaiyak sa kanya.
When she screamed on top of her lungs that she love me... naghuramentado ang puso ko. Sobrang bilis ng tibok nito at para akong mababaliw dahil sa nararamdaman ko.
I wanted to kiss her.
I wanted to show that I love her...
I saw her lips parted and got the chance to finally kiss her! Ang tagal ko nang gustong gawin ito pero inaalis ko lang sa isip ko. Naguguluhan kasi ako pero ngayon malinaw na lahat sa akin. Malinaw na ang nararamdaman ko kahit nakalimot man ako.
And in just one kiss, nagliwanag lahat sa akin. Bumalik ang lahat na para bang pinagbuksan ng pinto ang mga alaalang nakalimutan ko na. Bumalik si Cyrish sa alaala ko.
"Anong nangyari sa loob?" tanong ko habang hawak ang kanyang kamay. Dinala ko siya sa condo ko dahil dito ang pinakatahimik na lugar para makapagusap kami. Binigyan ko siya ng hot chocolate at ngayon ay magkatabi kami sa couch.
Sa tuwing naaalala ko ang mga panahong wala ako sa tabi niya ay nagagalit ako ng sobra sa sarili ko. Kung bakit kinailangan ko pang makalimot ay hindi ko alam... parang milagro na sa halik niya ay nakaalala ako. Perhaps the curse was true after all and I did not believe in her... Napatunayan na ba namin na deserving kami para sa isa't isa?
Parang matagal akong nakatulog at finally nagising din. Nahihiya rin ako sa tuwing naiisip ko ang mga panahon na hindi ko siya tinanggap sa buhay ko...
"Ayoko nang pagusapan pa. Ang mahalaga ay bumalik na ang alaala mo," mangiyak-ngiyak niyang sinasabi. Humiga siya sa hita ko at marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Kung ayaw niya munang magkwento ay hindi ko na siya balak pang pilitin.
Forget about the past and move forward.
"Let's not go back to that cave... let's go to the church and pray okay?" nanginginig ang kanyang boses. "Do you really remember me?"
"Wag ka nang matakot. Hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang dati," sabi ko para mapakalma siya. "Naaalala kita. Kung gaano kita kamahal. I remember everything about us."
Bumangon siya at inakap ako nang mahigpit, "Wag mo na ulit akong kakalimutan." Ramdam ko ang takot niya. Oo nga naman at kung ako man ay nalagay sa pusisyon niya ay siguradong mahihirapan ako.
"Bakit hindi ka na lang sumuko?" tanong ko sa kanya at hinarap niya ako habang may luha ang mga mata.
"Because it's you," pumikit ako ng mariin bago siya tiningnan muli. "If it's someone else, I will not go the extra mile to stay." I can't believe that she's not just the girl I almost had right now. I still can't believe that she wants me in her life.
Hinila ko siya at inakap muli ng mas mahigpit. I miss her so much. Kahit na nakakasama ko siya nitong nakakaraan, ang laki ng pagkukulang ko sa kanya. Sana ay mabigyan ako ng pagkakataon na makabawi.
Natahimik kami sa tunog na gumulat sa amin.
"Oops. Sorry!" sabi niya dahil tunog pala iyon mula sa kanyang tyan.
"Hindi ka pa ba kumakain?" natatawang tanong ko sa kanya. Ngumuso siya at umiling. Gutom na ang baby ko...
Tumawa kaming pareho at nagdesisyon akong paliguin muna siya habang pinagluluto ko siya ng hapunan. Pinagluto ko siya ng available sa ref ko ngayon - adobo dahil ito ang pinakamadaling lutuin ngayong gabi.
Pakanta-kanta ako habang nagluluto. Sobrang saya ko ngayon at sana hindi ito bawiin sa akin.
"Ang bango naman!" sabi niya bigla pagkatapos ng ilang minuto. Nakaligo na siya at nakita kong nakaikot sa kanyang ulo ang twalya. Sinuot din niya ang black shirt ko na maluwag sa kanya at hanggang hita rin niya.
Umiwas ako ng tingin at napalunok. "Wear the short I gave you," sabi ko na medyo naubo. Damn it. Mukhang mali ata ang desisyon ko na nandito siya sa condo ko ngayon. Kaming dalawa lang ang nandito at ang hirap magcontrol ng sarili lalo na kung ganito siya ka-sexy sa tabi ko ngayon.
"Hmmm mukhang masarap!" sabi pa niya at nang tingnan ko ay masayang-masaya siya. "Mas kumportable akong ganito eh, I hate the garter of your shorts!" She let her tongue out.
Tama Felix, hindi pwedeng magpadaig ka sa nararamdaman mo.
"Kain na tayo," sabi ko na lang at naghain na nga. Naupo siya sa harap ko at umupo na rin ako.
"Thank you!" sabi niya bago nagsimula sa pagkain. Mukhang sarap na sarap ito at makita ko pa lang siya, nabubusog na ako. Hindi ko akalain na babalik ang ganito sa amin. Na malilinawan ako at makakakain kami ng magkasama at walang hinanakit sa isa't isa.
"Bakit?" tanong niya at napangiti ako. Agad kong pinalis ang kanin sa kanyang pisngi. "Ay sorry!" parang bata niyang sinabi. Pinisil ko ang pisngi niya at hinayaan siyang kumain.
Pagkatapos naming maghapunan ay nag-ayos muna kami ng sarili bago nagdesisyong magpahinga na nga.
Dinala ko siya sa kwarto ko at doon ay hinayaan siyang humiga sa kama. Tahimik lang kaming dalawa. Kinumutan ko siya hanggang sa kanyang dibdib at para bang nagtataka ang kanyang mga mata.
"Bakit?" tanong niya sa akin nang kunin ko ang unan sa kanyang tabi.
"Dito ka na sa kwarto ko, doon ako sa sala," sabi ko sa kanya sabay kindat.
"Pero baka hindi ako makatulog..." Iniiwas niya ang tingin niya at tinalikuran ako. Humarap siya sa kabilang side ng kwarto.
"Bakit naman?"
"Kasi iisipin ko kung totoo bang naaalala mo na ako... I might constantly doubt my memory," malungkot niyang sinabi. Nakaramdam ako ng kurot sa loob ko. Marahil ay natakot ko talaga siya...
Dahil dito ay binaba kong muli ang unan sa kanyang tabi at nahiga roon. Inakap ko siya mula sa likod at dinikit ko ang labi ko sa kanyang tainga.
"Totoong naaalala na kita... At kahit hindi man, alam ko sa sarili kong mahal kita," I whispered.
Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Salamat Felix..."
"Thank you Cyrish..." sabi ko naman pabalik. Nagpapasalamat ako at magkasama na kaming muli. Bumitiw ako sa pagkakaakap sa kanya at nahiga kami ng diretso. Pumasok na ako sa loob ng kumot. "Matulog ka na. I can't remain courteous all night kung mananatili tayong gising," I joked.
"Sino bang may sabi na maging courteous ka sa akin?" sabi naman niya sabay tawa rin.
Tumingin ako sa kanya, "I don't want you to regret Cyrish. Basta kapag nailakad na kita sa altar, wala ka nang kawala talaga sa akin. Sa akin ka lang."
Hinalikan ko siyang muli sa labi bago kami natulog.
It was a night I will never forget. A night I would dream of having over and over again.
Alam kong may panibago na namang dadating sa amin pero gagawin ko ang lahat para hindi siya lumaban ng mag-isa. I want to be with her in this fight because I know that in the end, all of these will be worth it.
Because I get to be with her.
"I love you Cyrish..."
BINABASA MO ANG
The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETE
RomanceSi Cyrish Villaroel ay hindi naniniwala sa pag-ibig at hilig niyang paglaruan ang puso ng mga lalaki sa kanyang paligid. Kapag ayaw na niya, madali niyang napapaalis bawat lalaki sa buhay niya. Her life was a mess. Until she met this guy who almost...