Chapter 23 || Duguan
Felix's POV
Sa pagsakay kong muli sa kotse ko ay natigilan ako nang makita ko si Kailer na pumasok sa loob ng gate ng bahay ni Cyrish. Hindi ako mapakali kaya naman inantay ko siyang umalis at sinundan na rin para magkausap kaming dalawa.
"Kailer." Tinabihan ko siya at halata ang pagkabigla niya nang makita ako. Nandito kami ngayon sa isang bar at mukhang pasan niya ang mundo.
"Bakit ka nandito?" Alam kong hindi naging maganda ang huli naming pagkikita kaya naman mukhang hindi siya natuwa na makita ako ngayon.
"I can't take not to see my girl." sabi ko. Tumawa ako ng mahina tyaka kinuha mula sa kanya ang alak na hawak niya at ininom.
"Mikka?" Nagsalubong ang kilay niya. He's really into her huh? Finally! Parang susuntukin niya kasi ako oras na si Mikka ang sabihin ko.
Napangiti at napailing na lang ako. "She's yours balita ko. I'm sorry for what I did in the past. May kasalanan ka rin naman sa akin." And that is about Cyrish, the one and only love of my life. Sinali niya kasi ito sa isang hindi makatuturang love triangle.
"What?" Uminom na rin siya.
"Hindi mo talaga ako kilala 'no?" tanong ko. Baka naman kasi kilala niya ako at hindi lang niya tanda.
"You're my college friend." Walang emosyong sagot niya.
"Siguro nga pero matagal ko na kayong kilala. You, Cyrish and Mikka." Sapagkat may nakaraan kami ni Cyrish and maybe it's only us who knows it. Isali na si Renzel sige. Tss.
"Anong ibig mong sabihin?" Puno ng pagtatakang tanong niya.
"Wala. Basta intindihin mo na lang si Mikka. Just what I've told you, I came back for my girl."
"Hindi ba si Mikka 'yun?" Nagugulumihanang tanong niya.
"Kahit kailan ay hindi siya naging akin." Hindi ko balak na sabihin sa kahit na kanino ang tungkol sa amin ni Cyrish. Napilitan lang ako sa parents niya dahil nga sa nakita nila but then... aantayin ko hanggang si Cyrish na mismo ang magpakilala sa akin. Gusto ko kapag pinakilala niya ako ay hindi lang ako basta kakilala o kaibigan... I want a deeper relationship with her.
Tumayo ako at hinayaan ko na siyang isipin ang kung anong nais niyang isipin. I have to go para balikan si Cyrish. Medyo kabado ako at hindi ko alam kung bakit o kung ano ang dahilan.
Binilisan ko ang pagmamaneho pabalik sa bahay nila Cyrish habang hindi ko maintindihan kung bakit mabilis ang kabog ng dibdib ko. Hinayaan ako ng guard na pumasok dahil nakita na naman ako nito kasama si Cyrish ng ilang ulit pero nang makarating naman ako sa harap ng bahay ay bukas ang pintuan imbes na dapat ay sarado. Mas kinabahan ako dahil doon.
Walang tao sa loob kaya dumiretso ako sa kanyang kwarto kasabay na mabilis na pintig ng puso ko. Patakbo akong nagpunta roon. Unang bumungad sa akin ang magulong kwarto niya. Parang binato at ginulo talaga lahat ng gamit. Parang may dumaang bagyo. Nanghina ang tuhod ko nang makita ko si Cyrish sa sahig. I can see blood flowing from her pale body...
Duguan siya! Nakita ko sa kamay niya ang isang blade na nakatapat sa kanyang pulso. Wala siyang malay!
Nanginginig akong lumapit sa kanya at binuhat ko siya agad ng maingat. "Cyrish! Cyrish!" Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya para magising siya pero walang epekto. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mawala siya sa buhay ko. I can't imagine that happening!
Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa malapit na ospital habang halos sumabog na ang dibdib ko sa lakas ng pintig ng puso ko. Naging matagumpay akong isakay siya sa tulong ni Manang at mabuti na lang mabilis ang mga tao roon sa odpit at agad nilang nadala sa emergency room si Cyrish.
Tinawagan ko agad ang parents niya pero kahit anong contact ko sa kanila ay hindi sila sumasagot. Hindi ko alam kung mali ang numerong mayroon ako o sadyang hindi nila ako masagot dahil abala sila. God! Kailangan sila ng anak nila pero bakit ganito sila kahirap macontact! Ito rin ba ang naranasan ni Cyrish noong muntikan na siyang gawan ng masama?! Gusto kong manuntok ng kahit na sino! Sh*t!
Nagintay na lang ako sa paglabas ng doctor para sabihin sa akin ang lagay ni Cyrish. Nagdasal ako ng nagdasal na sana okay lang siya - na sana ligtas siya. Taimtim ang pagdarasal ko kaya hindi ko agad napansin na may lumabas na mula sa emergency room kung hindi pa ako tinawag. "Ikaw ba ang nagdala sa pasyenteng nasa loob?" Tumayo agad ako at tumango ng mabilis sa tanong ng doktor.
"Ano na pong lagay niya?" I instantly asked.
"She's stable pero dahil sa emotional break down na nangyari sa kanya, baka hindi siya agad magising or may trauma pa pag nagising na. But what's important now, kailangan may kasama siya. Kailangan may tao sa tabi niya lagi. We don't want to let this happen again. She needs to feel secured. She needs understanding."
Nakahinga ako ng bahagya dahil okay na siya pero alam kong hindi pa ako dapat tuluyang makahinga ng maluwag dahil sa hindi ko pa nga alam kung ano na ang magiging lagay niya sa oras na dumilat na siya at kung didilat ba siya agad...
Inasikaso ko na ang lahat para malipat siya sa kwarto at doon ay tahimik ko siyang pinagmasdan. Nasabi ko na naman sa parents ko through text na hindi ako makakauwi sa amin at nang tanungin nila ang dahilan, sinabi kong mamaya ko na sasabihin. Kahit hindi pa kasi sabihin ng doktor ay hindi ko naman talaga balak iwanan si Cyrish. I'll stay with her no matter what.
Imbes na tawagan ulit ang parents niya ay nagtext na lang ako. Sinabi ko sa kanila ang nangyari kay Cyrish at sinabi ko rin na maayos na ito ngayon at iniintay na lang magising.
Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit siya nagtangkang magpakamatay. Maayos naman ang naging paguusap namin kanina 'diba? Marahil ay may nangyari na hindi ko alam.
Ano ba ang sinabi ni Kailer sa kanya para gawin niya 'to ngayon? Ginulo ko ang buhok ko. Dapat hindi ko siya iniwan kanina. Hindi sana nangyari sa kanya ngayon 'to. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na may mangyaring masama sa kanya. Ngayon pa lang ay ramdam ko na ang paninikip ng dibdib ko sa nakikita ng mga mata ko. Hindi ako sanay na makita siyang ganito.
Hinawakan ko ang kanyang kamay na medyo malamig at mainit. Hinaplos ko ito at lumapit ako para halikan ang kanyang noo. "Oras na gumising ka na, ipapakita ko sa 'yo kung bakit magandang mabuhay. Hindi ko hahayaan na matakot kang muli. I'll protect you. I'll make you trust me and definitely make you happy. I'll never hurt you... I promise." sabi ko kahit na alam kong hindi niya iyon maririnig.
BINABASA MO ANG
The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETE
RomanceSi Cyrish Villaroel ay hindi naniniwala sa pag-ibig at hilig niyang paglaruan ang puso ng mga lalaki sa kanyang paligid. Kapag ayaw na niya, madali niyang napapaalis bawat lalaki sa buhay niya. Her life was a mess. Until she met this guy who almost...