Chapter 28

364 12 0
                                    

Chapter 28 || Enchanted Kingdom

Cyrish's POV

Nang makarating kami sa EK ay mukhang hindi naging excited agad si Xandreen. Walang ekspresyon ang mukha nito habang ako naman ay sigaw ng sigaw. Mas excited pa nga yata ako kaysa sa pinsan ko. Twelve years old pa lang siya at mas matanda ako pero dinaig pa niya ako sa pagiging mature. Sa aming magpipinsan ay siya na siguro ang pinaka-mature mag-isip. Siguro dahil na rin ito sa dami ng libro na nabasa niya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Xandreen dahil sa walang dating sa kanya ang E.K samantalang ako ay hindi na makapaghintay sakyan lahat ng rides at laruin lahat ng games.

"First time ko lang kasi dito. Tyaka 'yung salamin ko..." Bakas sa boses niya ang pagaalala kaya pinutol ko na siya.

"Bakit hindi ka ba kasi mag contacts hmm?" tanong ko habang naglalakad na kami papasok. Nakabili na rin kami ng pang ride -all- you can.

"I prefer to wear eyeglasses at isa pa studies say-"

"HEP! Tama na muna 'yan." natatawa ko siyang pinatigil. Baka kung ano pang hindi interesting ang sabihin niya at umabot kami sa ibang dimensyon. Ayokong dumugo ang ilong ko at sumakit ang ulo. "Mag-enjoy muna tayo XanXan." at hinila ko na siya kung saan-saan habang nakahabol lang sa amin si Felix.

Ramdam ko 'yung totoong saya sa loob ko. Wala akong suot na maskara ngayon. Ako ito at hindi ko na kailangang magpanggap. Para akong nakakawala sa isang kulungang ako mismo ang bumuo sa loob ng maraming taon.

Una naming sinakyan ang Rio Grande at basang-basa ako! Pati na rin si Felix kaya nagtawanan kami nang makita na para kaming basang sisiw pareho. Nagulat nga lang ako nang tingnan ko si Xandreen.

Ang galing lang niya kasi hindi siya nabasa dahil nakapayong siya! Grabeng utak talaga! Sobrang napatawa niya kami ni Felix at kitang-kita ko ang pamumula niya na parang kamatis.

Naglaro kami para makakuha ng stufftoy para kay Xandreen kaya nga lang ay wala kaming swerte pareho ni Felix. Hinampas ko na nga siya kasi nasasayang 'yung pera. Nahihiya na rin ako sa pinsan kong nakaabang sa amin. Nagmamayabang pa naman akong easy lang 'to.

"Ako na nga." Hindi na nakatiis si Xandreen at siya na mismo ang naglaro.

Isang try lang at nakuha na niya ang pinakamalaking baymax!

Nanlaki talaga ang mga mata namin ni Felix lalo  na nung parang wala lang sa kanya ang ginawa niya. Sa huli ay nagdesisyon kaming paglaruin pa siya ng dalawang beses kaya ako, mayroong pinakamalaking Spongebob at si Felix naman ang maguuwi ng pinakamalaking Minion.

Hangang-hanga talaga ako sa tibay ng loob ni Xandreen dahil sumakay na kami ng mga extreme rides pero wala lang sa kanya. Ako pa nga itong hilo at nanginginig!

"Ayos ka pa ba?" tanong ni Felix habang inaalalayan ako. Tumango naman ako at nagpeace sign.

Nagpahinga muna kami para kumain pagdating ng tanghalian. Si Xandreen ang iniwan namin sa lamesa kasama ng mga gamit at stufftoys habang kami ni Felix ang bumili ng pagkain.

"Grabe 'yang pinsan mo! Daig ka pa!" natatawang komento ni Felix at sumangayon naman ako. Hindi ko nga alam kung tao pa 'yang pinsan kong 'yan.

"How to be you po? Tatanong ko sa kanya!" tawang-tawang ako.

Kumain muna kami bago nagdesisyong puntahan 'yung ferris wheel pero pinauna kami ni Xandreen dahil magpupunta lang daw siya ng CR. Hinayaan namin siyang dala pa rin 'yung baymax. Hindi ko alam pero mukhang paborito niya ito. Kung sabagay ay matalino rin ito doon sa pelikula.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon