Chapter 70: Are Chances In Love Limited?
Cyrish' POV
"Mang Eddie ito na po 'yung bonus mo!" masayang salubong ko sa harap ng bahay ng caretaker namin. Pinatuloy ko muna si Kailer sa bahay namin para mapagusapan ang magiging plano patungkol kay Mikka. Pinakain ko siya ng hapunan bago ako lumabas ng bahay.
Saktong bumukas ang pintuan ng bahay at nakita ko ang gulat na mukha ni Mang Eddie. Lumabas agad siya at sinarado ang kanyang pintuan. Nakaaninag ako ng mga litratong nakasabit sa loob nito. Disenyo kaya niya iyon?
"Bakit po?" Para kasing nakakita siya ng multo. Ngayon lang kami nagkaharap ng ganito kalapit.
"K-kamukha mo po talaga siya," He looks so fascinated this time.
Kumunot ang noo ko. "Sino po?"
"Si Rosa... nakita ko ang mga litrato niya sa library niyo ilang taon na ang nakakaraan. Pero kahit na minsan ay hindi ko siya nakitang nagpunta rito. Hanggang sa nakita kita. Akala ko noong una'y kamukha mo lang po siya pero hindi. Ngayong tumanda ka na ay mas napatunayan kong iisa kayo ng itsura."
"Sino siya? Kamaganak ba namin?" He looks bewildered now. Ano namang masama kung kamukha ko ang sinasabi niyang Rosa?
Nabigla ako nang lapitan niya ako lalo at hawakan niya ang mukha ko. It was as if he's a different person with the way he touched me. He's scaring the sh*t out of me!
"Rosa... ikaw na ba 'yan? Inintay kita ng napakatagal na panahon! Akala ko'y 'di ka totoo pero mali ako!" Nakakatakot ang kanyang pagngiti at kinilabutan ako ng sobra. Pilit ko siyang tinulak palayo sa akin at nang makawala ay patakbong bumalik sa loob ng bahay.
Dumiretso ako sa isang kwarto na hindi ko ginagalaw noon. Ang library... Gusto kong malaman kung anong sinasabi niya!
When I entered the library, I saw several pictures on the floor and all of them include someone who definitely looks like me! Pero parang edited ito dahil sa makalumang panahon...
Then there's this small old notebook beside them. Nakabukas ito at binasa ko ang nakasulat.
Hindi ko ipagtataka kung ang masalimuot kong buhay ay madala sa hinaharap. Dapat lamang sapagkat maraming tao ang nasaktan at buhay na nasira. Ang mga kasalanan ko'y buong galak kong dadalhin sa kabilang buhay.
Sa hindi malamang dahilan ay sumakit ang dibdib ko. Kagaya ito ng naramdaman ko noon sa kweba. Sa sobrang sakit ay napaiyak ako. Hinampas ko nang paulit-ulit ang dibdib ko. May mga imaheng nag-flash sa isip ko pero hindi ko ito maintindihan.
Nakarinig ako ng mga yabag at nakita ko ang lalaking matagal ko nang hinihintay pero ngayon ay ayaw ko nang makasama pang muli.
Kaya pala pilit kaming pinaglalayo ng tadhana...
***
"Ako muna ang babalik sa Maynila at makikipagusap kay Mikka. Just wait until I give you the signal to go back as well," sabi ko kay Kailer kinabukasan. Bakas sa mukha niya ang pagtataka sa namumugto kong mga mata pero iniba ko agad ang usapan.
"Nakita mo ba 'yung caretaker namin sa labas?" tanong ko kay Kailer dahil kakapasok lang niya ng bahay from a morning jogging.
Umiling siya. "Bakit?"
"W-wala..," Ayaw ko nang mag-isip pa. "I'll leave today."
"Hintayin mo na si Felix. Babalik din siya sa Maynila," sabi ni Kailer at agad akong dumiretso sa kwarto ko.
"No. I'll go now. Baka mamaya pa siya umalis dito," kinabahan ako kaya nagmadali na ako sa pagliligpit ng gamit. Dito sa bahay natulog ang dalawa pero nagising ako na mag-isa ako sa kwarto. Marahil ay iniwan ako rito ni Felix. Nasilip ko kasi siya sa guest room at doon ay mahimbing siyang natutulog.
BINABASA MO ANG
The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETE
RomanceSi Cyrish Villaroel ay hindi naniniwala sa pag-ibig at hilig niyang paglaruan ang puso ng mga lalaki sa kanyang paligid. Kapag ayaw na niya, madali niyang napapaalis bawat lalaki sa buhay niya. Her life was a mess. Until she met this guy who almost...