Chapter 68

243 3 0
                                    

Chapter 68 || Life After Storm

Cyrish' POV

"May bagyo po ba?" tanong ko kay Mang Eddie, nasa late 50s, caretaker ng ancestral house namin dito sa probinsya. Ilang araw na kasing malakas ang buhos ng ulan. Halos hindi na nga yata ako nasisikatan ng araw. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa hoody na suot ko dahil sa lamig.

Nakita ko na noon si Mang Eddie. Noon pa man ay parang mailap siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi niya ako matingnan ng diretso. Naisip ko na lang na baka anti-social talaga siya.

"Ma'am sabi sa radyo ay mayroon daw po," sabi nito at babalik na sana sa kanilang bahay 'di kalayuan sa amin. Tapos na kasi itong magwalis sa tapat ng bahay at malapit nang magtanghali nang magising ako. Ganito na ang naging routine niya sa loob ng ilang taon kahit noong nandito pa ang iba kong kamaganak.

"Ano po palang ginagawa mo kagabi sa labas ng bahay?" humarap siyang muli sa akin, kitang-kita ang pagod sa ilalim ng kanyang mga mata. Agad din siyang nag-iwas ng tingin.

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Mang Eddie. Paanong nasa labas ako ng bahay eh nakatulog ako matapos ko magtrabaho magdamag kahapon?

"Ako po?" tinuro ko pa ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.

"Opo kasi parang may iniintay ka sa harap ng bahay kahapon tapos iyak ka pa ng iyak. Nahiya lang po akong lapitan ka..," mukhang hindi naman siya nagbibiro.

Sleepwalking?

Wala talaga akong matandaan na lumabas ako ng bahay kagabi at umiyak. I'm too tired for that drama. Kinabahan lang ako dahil baka nga nagsleepwalk ako. Simula nang manirahan kasi ako rito, nagkaroon na ako ng mga kung anu-ano at kakaibang panaginip. Karamihan ay mula sa point of view ko sa isang lumang panahon. Weird man pero akala ko ay normal lang na mahirap ipaliwanag ang mga panaginip.

Hindi ko na nasagot si Mang Eddie kaya siguro siya nawala mula sa harapan ko. Kinilabutan naman ako sa naging tanong niya. Bumuntong-hininga ako at pilit na lang kinalma ang sarili.

"Just stop thinking about it Cyrish. Wala lang 'yon."

Hindi na naman ako nagising ng maaga ngayon. Halos araw-araw naman yata ay sumosobra ako sa tulog. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa panahon o talagang nakasanayan na lang. Nag-inat lang ako sandali sa labas bago pumasok sa loob ng bahay para kumain.

Mag-isa lang ako rito sa ancestral house. Akala ko nga ay makikita ko si Lola pati ang usap-usapan ng lahat na si Joseph. Hindi pa legal na parte ng pamilya namin pero kinupkop ito ni Lola nang mawalan ito ng pamilya dahil sa sunog. Ang balita ko mula kay Mang Eddie ay dinala raw ni Joseph si Lola sa ibang bansa at doon na sila naninirahan sa ngayon. Wala akong contact kay lola dahil si Mikka naman ang pinakakasundo niya sa amin. Ako 'yung tinuturing na black sheep ng pamilya. Palagay ko alam ng lahat ang tungkol dito at ako na walang pakielam sa kahit na sino bukod sa sarili ko ang namumukod tanging walang alam.

Nagiging bahay bakasyunan talaga ang ancestral house namin pero dahil sa may kanya-kanya na kaming buhay at mas gusto ng karamihan magpunta sa ibang bansa o malayong probinsya at pasyalan, wala nang nagagawi pa rito. Lumilipas ang ilang taon na sina Mang Eddie lang ang nakakapunta rito.

Kahit na luma ay nakakatuwang naalagaan naman nila ito kahit papaano. This is why I've decided to choose this place as my hideout.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon