Chapter 53

210 9 0
                                    

Chapter 53 || Never

Felix' POV

"Let's end our meeting here then," huling kong sinabi bago nagsitayuan ang lahat. Napahawak ako sa aking sentido. Sinabi ko ito kahit na wala akong maintindihan sa lahat ng paguusap namin. Bahala na at tatanungin ko na lang mamaya ang sekretarya ko.

Si George Emmanuel Santiago ang bagong investor na nirekomenda ni Sydney sa kumpanya namin noon. Ngayon lang kami nakapagusap dahil sa naging abala ako sa ibang bagay. Itutuloy niya ang investment niya para makapagtayo na kami ng hotel sa Amerika. Naging madali ang aming negosasyon dahil sa kaibigan siya ng pamilya ni Sydney. Mabuti na lamang at hindi nakaapekto ang nangyari sa amin ni Sydney para maudlot ang investment na 'to. Malaking bagay ito para lumago ang kumpanya namin.

Ngunit gustuhin ko mang ituon ang buong atensyon ko ay hindi mawala sa isip ko ang imahe ni Cyrish kanina. Bakit ganuon na lamang kung umiyak siya? I did not confront Sydney because I can feel that it's something more than what's between us. It's more than that and I could see that. I just don't know exactly what gives the woman I love so much pain.

Hinayaan kong mauna silang lumabas ng conference bilang respeto na rin ngunit agad din naman akong nagmadali patungo sa opisina ko kung saan naghihintay si Cyrish. 

To my surprise, wala na si Cyrish dito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari o kung saan siya nagpunta pero tiningnan ko ang elevator at nakitang papunta ito sa lower ground kung saan naka-park marahil ang sasakyan ni Cyrish. 

Nagmadali ako sa hagdanan pababa. Alam kong hindi ko siya dapat hayaang ganuon. Ayokong umuwi siya nang hindi maayos ang pakiramdam niya. I should at least make her feel better kahit na hindi man niya sabihin sa akin kung ano ang kanyang problema. 

Naiintindihan ko naman kasi na hirap siyang sabihin kung ano ang nararamdaman niya. Rather than rely on others, she'd rather keep things to herself. 

Naghahabol ako ng hininga nang makarating ako sa lower ground. Saktong nakita ko naman si Cyrish na ngayon ay napapagitnaan ni Sir George at ng kanyang assistant. Bakit kasama nila nag girlfriend ko? Mabilis akong lumapit sa kanila dahil kailangan kong makausap si Cyrish. 

Nang harangin ko sila ay nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng dalawang lalaking 'to at ang luhang namumuo sa mga mata ng babaeng mahal ko. 

I clenched my jaw. 

"Hi Sir George, do you need anything from my girlfriend? We have some unfinished business we need to talk about," I formally asked kahit na alam kong ilang sandali na lang ay baka tumama na ang kamao ko sa kanyang mukha. 

Siguro nga ay hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pero sa nakikita ko ay hindi maganda ang pakiramdam ko rito. My girlfriend is about to cry again and she's with these men who are capable of harming her. 

Mula sa gulat na expresyon ay ngumisi si Sir George. "Then if you'll excuse us," sabi nito sabay lakad papunta sa kanyang sasakyan na malapit lang sa amin. Sumunod ang kanyang assistant at naiwan na lamang sa harapan ko si Cyrish na ngayon ay nakatulala lamang sa akin. 

Lumapit ako sa kanya at agad kong niyakap. "Everything's okay..." I whispered and she began to cry again. She's scared, I could feel it even without her telling me. 

Hindi ko alam kung ilang minuto nagtagal ang pag-iyak niya. Para sa akin ay sobrang tagal nito at winawasak ako ng buong-buo.    

Imbes na bumalik pa sa opisina ay dinala ko na lang siya sa condo ko. Hindi ko rin naman gustong umuwi siya nang masama pa rin ang loob at namamaga ang mga mata. 

Tahimik ang naging byahe namin. Hindi siya nagsasalita at ayoko rin namang tanungin siya kung nahihirapan siyang magkwento sa akin. Nang makarating kami sa loob ng condo unit ko ay hinayaan ko siyang maupo sa sala habang pinagluluto ko siya ng hapunan. Kahit na may pinagdadaanan siya ay hindi ko namang gugustuhin na magutom siya. 

Gaya nang plano ko ay kumain kaming dalawa. Wala pa ring nagsasalita kaya nagpatugtog na lang ako para hindi niya maisip ang kung ano mang gumugulo sa kanya. 

Matapos naming maghapunan ay nagprisenta siyang maghugas nang plato at kahit na ayaw ko sana ay hinayaan ko na lang. Inayos ko na muna ang matutulugan niyang kwarto. 

She needs to take a shower first kaya naman inintay ko na lang muna siya sa sala. While I was busy staring at the television for hours, napaisip na naman akong muli sa problema ni Cyrish. Kung wala itong kinalaman kay Sydney, may kinalaman ba 'to sa pagpapahirap ng mga magulang ko sa kanya? If that's the case then that needs to stop. 

Nilabas ko ang phone ko at agad na tinawagan ang mga magulang ko. Naririnig ko pa lang ang ring ay may isang bagay na naman na pumasok sa isip ko.

What's with Sir George?

Kanina ay nakita kong kasama nila si Cyrish. Mas lumala ang nararamdaman ni Cyrish dahil dito. Hindi kaya may kinalaman ang bago naming investor sa nangyayari kay Cyrish ngayon?

Binaba ko ang telepono at hinilamos ang mga kamay sa aking mukha.

"Cyrish tapos ka na ba?" tanong ko dahil ilang oras na siyang nasa loob ng banyo. Alam kong matagal ang mga babae kapag naliligo pero hindi na normal ang oras na inilagi niya sa loob. 

Tumayo ako at kumatok sa pinto. "Cyrish?" Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng matinding takot. Bumalik sa alaala ko ang nangyari noon sa kanya dahil sa nagawa niya kay Mikka. 

I immediately searched for my bathroom's key at pilit itong binuksan. 

"Cyrish!" Hindi ko alam kung anong tamang gawin dahil sa nakita ko si Cyrish na nakalubog sa bathtub! Inangat ko siya at binuhat patungo sa kama ko. I  am not sure if CPR is the right thing to do but I did it anyway. Tumawag na rin ako ng ambulansya. She has always been like this! Maluha-luha ako habang pilit ko siyang binibigyang buhay. 

"Cyrish wag mo kong iwan!" I cried out loud while I give her all the air I have. 

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon