Chapter 44 || Back at Amor Cave
Cyrish's POV
I could still remember that night when I asked him how can he love someone as heartless as me... he said that it doesn't matter and that he could even give his own heart to me. I know he was just exaggerating it but for me it was still sweet for me.
Ang bigat lang sa loob lalo na at paulit-ulit pa rin sa isip ko ang lahat. How we were and how we are right now are on opposite poles.
"Cyrish?"
Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.
Nang lingunin ko ay si Felix ito. Hindi pa pala siya umaalis. Akala ko'y pagkatapos niya akong ialis mula sa harapan ng salamin ay hahayaan na lang niya ako pero mukhang nagkamali ako. Ano pa kayang kailangan niya sa akin?
Ano ba kasi ang ibig sabihin ng nakita ko sa salamin? Mamamatay na ba ako? Naguguluhan ako na nalulungkot. Everything's not right with us! Moreover with me! I'm not sure about myself anymore...
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na si Felix. Takot na takot ako na kahit magalit siya sa pagyakap kong 'to ay kakayanin ko dahil kailangan ko siyang mayakap. He's the only one who can make me feel okay. I mean, really okay because I am used to saying I'm fine all the time when the truth is I'm really not.
"I-I'm sorry Felix!" sigaw ko habang nanginginig ang buong katawan ko.
"B-Bakit?" Alam kong naguguluhan siya sa ikinikilos ko pero wala rin akong sagot na maibibigay sa kanya dahil gaya ko ay baka mas mahirapan siyang intindihin ang nangyayari. Mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya.
Naalala ko ang huling sandali na pareho naming kilala ang isa't isa and I never thought it was the end for us then.
Until now.
"I'm sorry kasi kung hindi ako nagmatigas, hindi tayo maaaksidente, hindi mangyayari sa atin 'to ngayon. I'm so stupid! I'm so selfish! I don't deserve to be loved!" I bitterly retorted.
When he hugged me back, it felt like beyond being in the clouds... like we were back in the past - before we both messed it up.
Ganito pala ang maging parte ng isang relasyon. Para kang nasa sasakyan at minsan may lubak-lubak. Minsan naman titigil na lang lalo na kapag may sira. Ipapaayos pero walang kasiguraduhan kung maaayos nga ba gaya ng dati.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang yakapan namin pero nang humiwalay ako sa kanya ay wala na akong masabi pa. Kumalma ang puso ko ngunit puno pa rin ng tanong ang isip ko. Ano nga ba talaga ang nangyayari? Is my life a living fantasy novel now? What I saw earlier is still creeping me out!
***
"Thank you for all your hard work!" huling sinabi ni Kailer sa lahat kasabay ng malakas na palakpakan bago ako nakaalis. Ang dami kong pinasalamatang tao lalo na ang mga magulang ko na nag-effort pa talagang magpunta despite their busy schedules. I'm glad they are here though because I really need their support. Siguro ngayon ay pauwi na sila sa Manila dahil hindi nila maaring iwanan ang kanilang trabaho ng matagal. Nasabi ko namang ayos lang ako rito at hindi rin magtatagal. I hate to get in Kailer's way.
Usapan ng buong team ay babalik kami sa mga kwarto para makapagpahinga pero nagdesisyon akong pumunta na lamang sa Amor Cave kung saan tingin ko, makikita ang sagot sa tanong ko. Para kasing may anong pwersa ng kalikasan ang nagtutulak sa akin na magpunta roon.
Gabi na, sobrang lamig, pero gusto kong malinawan. I want to put an end to this long nonstop agony.
May kalayuan ang kwebang 'to. Nakakatakot pero kailangan ko itong kalimutan dahil ito ang ginusto kong gawin ngayon.
BINABASA MO ANG
The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETE
RomanceSi Cyrish Villaroel ay hindi naniniwala sa pag-ibig at hilig niyang paglaruan ang puso ng mga lalaki sa kanyang paligid. Kapag ayaw na niya, madali niyang napapaalis bawat lalaki sa buhay niya. Her life was a mess. Until she met this guy who almost...