Chapter 31 || Second Chance
A/N: Nalilito ako kaya inalam ko pa pangalan ng Tatay ni Kailer hahaha so Mr.Romualdo pala tapos ang Tatay ni Mikka yung Mr. Wilfredo xD Im sorry for the confusion! :P
Felix's POV
Hindi alam ni Cyrish kung gaano niya ako napasaya nang sabihin niyang gusto niyang subukan ulit namin. Wala akong sinabi sa kanya pabalik nang sabihin niya iyon dahil gusto kong ako ang pormal na magtanong sa kanya kung pwede bang maging kami ulit.
Maaga kaming umalis ng Eisen Beach Resort at nang maihatid ko sila ay agad akong dumiretso ng bahay. Ayoko nang patagalin pa 'to. Nagpabili na nga ako kay Mama ng mga kakailanganin eh. Tuwang-tuwa sila nang mabalitaang magiging kami na ulit ni Cyrish. Alam naman kasi nila kung gaano katagal ko itong inantay. Suportado talaga ako ng mga magulang ko noon pa man.
"She's a very lucky girl Fernan." sabi pa ni Mama kay Papa.
"Belinda, handa ka na bang magkaapo?" At nagtawanan sila dahil sa sinabi ni Papa. Matagal na talaga nila akong kinukulit tungkol dito dahil sa nagiisang anak nga lang ako.
Para mamayang gabi itong gagawin ko. I want to surprise her kaya susunduin ko siya mamaya para mag-dinner kami rito. Sana nga lang ay matapos ko ito kaagad. Hindi bale at tumutulong naman sa akin ang mga kasambahay namin at si Mama.
"I'm so happy for you anak." sabi ni Mama sabay akap sa akin. Si Papa naman ay umalis na dahil sa kailangan niyang asikasuhin ang kumpanya namin. Mukhang may problema sa investments pero tyaka ko na ito iisipin.
"Salamat Ma, sana ito na nga talaga 'yung huling beses na gagawin ko 'to. Sana sa susunod ang itatanong ko na sa kanya 'Will you marry me?'" Napangiti naman si Mama. Alam ko naman kasing gusto niyang magsettle-down na ko.
Sa garden ko naisipang magset-up ng table for two. Ito ang mas inasikaso ko habang sila ay sa paligid nito. Nagpakalat ako ng rose petals sa sahig at pinaasikaso ko naman ang pagluluto sa iba.
Hindi ko maipaliwanag 'yung excitement na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
Nung nasa Eisen Beach Resort nga kami, ginusto kong balikan 'yung kweba kung saan ko siya hinalikan. Gusto ko kasing maniwala na may tutulong sa amin na magkatuluyan kaya nilabas ko 'yung kwintas na ibibigay ko kay Cyrish at tahimik na pinabasbasan sa kung sino man ang nanduon. Siguro naman ay walang masama kung maniniwala ako.
Natapos kaming mag-ayos para mamaya at ngiting-ngiti talaga ako. Inakap ko pa sila sa sobrang saya ko kasi nga mukhang umaayos ang lahat sa kagustuhan ko. Sa wakas magkakabalikan na kami ni Cyrish. Matagal ko rin itong inasam.
Pumasok muna ako sa loob ng bahay, papunta sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili. I wanted to look so great, for her not to change her mind. Nagsuot ako ng black suit at white polo. Ginawa kong pormal ang ayos ko para seryosohin niya ako.
Nagpabango rin ako para talagang maakit siya at hindi na makahindi. Natawa naman ako sa sinasabi ko.
Nag-ring ang phone ko pero hindi ko na sinagot nang makitang si Cyrish iyon. Gusto ko nga kasi siyang supresahin.
Pagbalik ko sa garden, pupunta na sana ako sa sasakyan ko pero laking gulat ko nang makita ko si Cyrish na nakatitig sa inihanda ko. Binukas sara ko pa ang mga mata ko dahil paanong nandito siya?
"C-Cyrish?" tumingin siya sa akin kaya patay dahil totoo ngang nandito siya ngayon. Lumapit ako sa kanya at nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa hinanda ko. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya kaya dinaan ko na lang sa tawa 'yung pagiging epic fail ko.
"Nandito ka na eh susunduin pa lang sana kita!" sabay halakhak ko. Hapon na at palubog na rin ang araw.
"Felix?" Ito lang ang nasabi niya hinawakan ko sa siya kamay at dahan-dahang hinila palapit sa lamesa. Iniupo ko siya at ganun din ako. Mukhang nakita na kami ng mga katulong kaya lumapit na sila para maglagay ng tubig sa baso namin.
"Ano 'to?" tanong niya tapos nakita kong naluluha na siya at parang takot na takot. Ano kayang nangyari at nagpunta siya rito?
"Surprise sana kaso nandito ka na agad." nahihiyang sagot ko. " So ayan.. Surprise!" parang baliw na sigaw ko.
Magsasalita sana siya pero bigla niyang sinarado ang bibig niya at ngumiti.
"Salamat Felix..." sabi niya at naramdaman ko ang sinseridad mula rito.
"Natatandaan mo pa ba nung birthday mo?" tanong ko. Kailangang magkalinaw kasi ang lahat sa aming dalawa.
Nagsalubong ang kanyang kilay. "The day you fell into my trap?"
"Sinadya ko talaga 'yun. Because I was so depressed knowing you really want me to disappear in your life." Nakita ko na naluluha siya pero pinipigilan lang niya. "From then on, I thought it's possible for me to fall in love again and believe me, I tried... pero ikaw at ikaw pa rin sa loob ng mahigit apat na taon ang laman nito." Hinawakan ko ang kamay niyang nasa lamesa at ang bakante kong kamay ay tinuturo ang dibdib ko.
"I'm really sorry Felix for being such a bi-
Hinalikan ko ang likod ng palad niya. "For being a wounded angel." pagtutuloy ko sa kanyang sinasabi. She's not what she thinks she is.
"Ang laki mong tanga alam mo 'yon?" natatawang naiiyak na sinabi niya. "Pero salamat kasi patuloy kang nagpapakatanga sa akin."
"Basta para sa 'yo." Kinindatan ko pa siya.
Nakita ko ang paglubog ng araw at nagsimula nang lumiwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na pinabuksan ko.
Nakarinig na rin kami ng tunog ng piano. Ang tumutugtog ay ang nanay ko kaya napangiti ako. Tinutugtog niya ang instrumental ng kantang Endless Love...
Tumayo ako at dahan-dahang inilabas ang kwintas mula sa bulsa ko. It's an infinity necklace coated with small diamonds.
"And you know, I never thought that you'll give me another chance to be part of your life after the long chase." Pakiramdam ko ay ako ang unang iiyak ngayon. Seryoso! Nandito sa harapan ko ang babaeng matagal ko nang pinapangarap!
Ang daming hirap ang pinagdaanan ko and worth it lahat ng 'yon. Imagine seeing the girl you love being kissed by another guy? Ako na lang ata ang ganito kabaliw sa isang babae. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil mahal na mahal ko siya at gusto ko siyang intindihin.
Lumapit ako sa kanya at huminto sa likod niya. Isinuot ko ang kwintas sa kanyang leeg at inayos ang kanyang buhok pagkatapos. "And I want to be the one asking you this for the second time." I moved closer to her ear and whispered. "Will you be my girlfriend?"
***
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatitig sa cellphone ko. Picture namin ni Cyrish noong una kaming lumabas ang nasa screen at tiningnan ko naman ang picture namin kanina habang suot niya ang kwintas na bigay ko.
Nakakapagtaka lang dahil parang may kalabuan 'yung kuha sa kwintas. Parang medyo nangitim sa parteng 'yon. Siguro may sira na ang camera ng phone ko? Pero ayos lang dahil nakita ko naman sa litrato ang cheekbones ni Cyrish. Totoong masaya siya habang nakangiti sa litratong 'to. Bibihira lang ito kaya masasabi kong mission accomplished ang inihanda ko kanina.
I promise to treasure every moment that we have together. Hinding-hindi ko siya paiiyakin at sasaktan lalo na't akin na siya ulit.
Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko at pagbukas nito, nakita ko si Sydney na abot tainga ang ngiti. Tumakbo ito palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Na-miss kita ng sobra!" sigaw pa nito. Para akong naging bloke ng yelo sa kintatayuan ko.
Anong ginagawa niya sa Pilipinas?
BINABASA MO ANG
The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETE
RomanceSi Cyrish Villaroel ay hindi naniniwala sa pag-ibig at hilig niyang paglaruan ang puso ng mga lalaki sa kanyang paligid. Kapag ayaw na niya, madali niyang napapaalis bawat lalaki sa buhay niya. Her life was a mess. Until she met this guy who almost...