Chapter 19

18 3 0
                                    

Chapter 19

"You said those words?" Hindi makapaniwalang sabi ni Guia sa akin. Ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari noong nakaraang araw habang nasa byahe pa kami papunta sa Manila.

Tumango ako. "Why? Masyado ba talagang harsh?"

"Oo beh. Super. Dapat ay tinanong mo na lang muna siya kung bakit niya nagawa 'yung kasalanan niya sa 'yo dati. Hinayaan mo muna sana siyang magpaliwanag."

"Should I say sorry?" Akala ko ay ako ang kakampihan ni Guia pero mas na-guilty lang ako dahil sa mga sinabi niya. "Pero hindi rin naman siya nag-sorry before. Mas malaki ang kasalanan niya sa akin."

"Hindi mo siya hinayaang mag-explain at humingi nang sorry remember? And it's not about kung sino ang malaki ang kasalanan. Nakasakit ka pa rin ng feelings, Shan. After ng schedule mo sa Manila, I suggest na ayain mo siyang kumain sa labas or kahit sa resort lang ni William para makapag-sorry but for now, tama na ang kwentuhan, trabaho muna."

Ako pa talaga ang mag-aabala? Importante pa ba talaga na mag-sorry ako? Hindi pa ba sapat na nasaktan na namin ang isa't isa at dapat kalimutan na lang namin lahat without expecting any sorry from each other?

"Okay...You have an interview today. We will stay in Manila for three days kasi may welcome party para sa 'yo sa branch natin doon. Don't worry because it's just a small party and nakahanda na ang isusuot mo. Ma'am Roce also requested na magturo ka muna sa mga aspiring models natin para naman mas ganahan sila na mag-join sa agency natin kahit isang session lang."

Naiwan ko ang ibang gamit ko sa resort kasi babalik pa naman ako ro'n to attend Kuya Jackson's wedding and para makapag-bonding din kami ni Bea pagkauwi niya. Tsaka na ako babalik sa New York kapag okay na ang mga kailangan kong asikasuhin dito sa Pilipinas.

"What will I do after that?" tanong ko habang nagtitingin ng IG feed ko.

"You have free time. Do what ever you want basta huwag lang mag-inom sa bar dahil baka kung saan ka pa mapapunta. Wala kang masyadong schedule kasi gusto ni Ma'am Roce na magbigay ng chance sa iba and also she wants you to enjoy your stay here."

Ang bait talaga ng CEO namin. "Paki sabi thank you. I'm looking forward to meet her again."

"Makakarating."

Nag-focus na lang ako sa pagtingin ng feed ko sa IG habang nasa byahe. Hindi naman ako ang nagma-manage ng account ko. Ang ginagawa ko lang doon ay mag-comment if I want pero si Guia ang taga-post. Naisip ko tuloy ang dati kong account. Matagal ko ng hindi nabubuksan 'yon. No one know that account except sa mga dati ng naka-follow roon kasi naka-private na 'yon bago pa man ako pumirma ng kontrata.

Ano nga kayang mga pinagpo-post ko before?

Nakailang try pa ako ng password bago ko tuluyang nabuksan. There's a lot of message pero mas curious ako sa message ni Viel. I remembered I restricted him after I sent him a voice message na break na kami.

So, out of curiosity I unrestricted him and I had to silent my phone kasi ang daming notifications. Naipon ata sa loob ng 10 years. I'm curious kung ano ang mga notifs na 'yon pero nag-hang ang phone ko kaya hindi ko matingnan ng maayos.

Mamaya na lang.

"Si Kuya Seo ba ulit ang mag-iinterview sa akin?" I asked Guia habang inaayusan ako ng make up artist.

"Nope, iba na. It's about your career. But I can't assure you na hindi mababanggit ang tungkol sa ex-boyfriend mo."

Ihahanda ko na lang ang sarili ko. For sure magtatanong sila about doon kasi iyon ang gusto ng netizens.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now