2 - Mag mo-move on na ako

41 0 0
                                    

Dear Diary,


'Mag mo-move on na talaga ako sa kanya'. Ayan ang lagi kong naririnig galing sa mga taong kakabreak lang sa ex nila.


Lagi kong iniisip sa sarili ko, gawin mo talaga. Wag mong sabihin na mag mo-move on ka na. Gumawa ka talaga ng paraan para maka move on ka.


Kasi nga...

Walang kwenta pag sinasabi mo na mag mo-move on ka na pero hinde naman talaga diba?


Sa amin ni Joshua... Naka move on na talaga ako sa kanya.

Officially saying.


Walang wala na talaga akong feelings na natitira sa kanya. Wala nang halong biro ito. Natauhan na ako at narealize ko na din na walang kwentang umasa pa na magkaka balikan pa kaming dalawa.


May bago na sya diba?

Nakaya nya mag move on.


Kaya ibig sabihin na kaya ko na din.

Sa mga ilang buwan na lumipas para malaman ko kung paano magagawa ang pag move on.

Ilang beses ko tinanong sa sarili ko na, 'paano ko ba ito magagawa?'.


Paano ko nga ba nagawa?


...



Kung mag mo-move on ka...


Mag hanap ka ng magagawa mo para lumipas ang mga panahon.

Kahit ano mang pwede mong gawin para lang mawala yung isip mo sa break up nyo, or mawala lang talaga ang isip mo about the past.


Wag ka ng mag tago ng mga kung ano pang gamit na nakakapag papaalala sa inyong dalawa ng ex mo.

Kasi bakit mo pa itatago kung alam mo na ma uupset ka pag nakita mo at naalala mo diba? Parang tanga lang eh.


Kung mag mo-move on ka...


Wag ka mag hanap ng bago agad agad.


Seryoso ako.


Kasi alam mo, hinde ka pa nga maka move on ng maayos tapos mag hahanap ka na agad ng bago mong mamahalin.


Hinde ganito ang buhay.

Hinde sya ganung kadali.


Ayan ang mga laging sinasabi sakin ng mga kaibigan ko.


Oo alam ko na ang mga kelangan ko gawin para lang maka move on dun sa taong minahal ko dati.


Natapon ko na ang mga kaylangan itapon.

Tinanggal ko na sa kung saan man ang kaylangan pang tanggalin sa buhay ko.


Hinde naman ako naghanap agad ng bago. Kasi totoo naman ang mga sinasabi nila.

Ang tanga tanga ko naman kung nag hanap ako ng bago agad diba, edi ginawa ko sya parang rebound.


Anong klaseng tao naman ako kapag ganun, tapos na realize ko na hinde ko pala talaga sya gusto...?


Pero... ngayon.

Kayang kaya ko na masabi na naka move on na talaga ako sa kanya.

Kaya ko na ulet mag mahal. Mag bigay ng todong todong pag mamahal sa isang tao.

Kaya ko na din mag seryoso ulet sa isang relasyon.


...




Dear Diary,


And so... ang tagal ko na din nawala. Feel ko nag balik na ako sa dating ako. Yung masayang ako.


Alam mo kung bakit?


Kasi meron na ulit akong minamahal ngayon.


May nakilala ako na isang lalake. Isang napaka importanteng tao sa buhay ko ngayon.


To be honest, unexpected nga na naging kami eh. Hinde ko talaga inakala na magiging kami sa huli kasi masyado syang peymus, haha!


Gwapo sya, maraming kaibigan.

Busy din sa buhay nya.


Pero...

Nag papaka effort sya saming dalawa.


Pinapakita nya kahit papaano, palagi kung gaano nya akong kamahal at kung gaano akong ka-importante sa buhay nya.


Binibigay nya halos lahat ng oras nya para lang makapag usap kami. Binabantayan pa ako matulog.


I feel special ng super.

I feel really special talaga.


Sya na yung reason ko kung bakit lagi akong excited magising tuwing umaga. Kung bakit masaya lagi ang araw ko at kung bakit lagi ako na momotivate para maging maayos ang mga gusto kong gawin sa future.


Promise ko na mamahalin ko sya ng lubos. Hinding hinde ko sya papakawalan.

Iba sya sa lahat ng mga nagustuhan ko dati.


Sya lang yung nagparamdam sakin ng importance. The feeling of truly being loved and cared for.


Kahit na malayo kami, abot hanggang dito ang pag pakilig nya, pagmamahal at pag ca-care nya.


Bago palang kami sa relasyon na ito kaya sana naman makaya namin hanggat sa huli.


Kahit wala mang forever.


Basta makaya namin ang pag mamahalan namin sa isat isa...


...

Walang ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon