bird's eye

914 20 14
                                    

Lassy's pov.

"Kamusta na siya?" Tanong ng lalaking matagal nang kilala ni ate Vice. Kasama rin nito ang asawa niya.

Naging malapit na rin kami sa kanila dahil kita namin ang pag care nila kay ate.

"Uy, pumunta pa talaga kayo dito." Ngiting ani ko at binitawan ang mga papeles na buhat ko para bumeso sa dalawa.

"Ayun, deads inside pa rin, alam niyo naman yun, sasabihing wala na pero meron pa talaga."

Mapait nalang akong napangiti.

Sana maka tagpo na ng bortang pogi si meme, para mawakasan na tong moving on phase eme niya.

"May free time siya ng alas tres, gusto niyo bang mag appoint ng merienda with meme?" Tanong ko.

Bahagya pang natawa si kuya.

"Big time na talaga ang boss mo. Nung nakaraan lang eh sekretarya ngayon kailangan na mag pa appointment para lang makausap siya." Sagot nito.

Natawa nalang kaming tatlo.

"O siya, antayin niyong matapos meeting niya. Dito muna kayo." Sabi ko bago sila iniwan at pumuntang meeting room ng JMV Network.

Oh, yes! May modelling network na si meme. Bonnga di ba?

"Meeting adjourned. Thank you, everyone." Ngiting sabi ni Ate.

Hinayaan ko munang lumabas ang mga empleyado bago ako lumapit sakanya.

"Yes?" Tanong niya at inangat pa ang kilay niya.

"Si kuya Jhong at Maia andiyan."

Nakita ko namang ang pag light up ng mukha niya.

"Pinauwi mo na ba? Sana sinabi—"

"Sabi ko hintayin ka saglit para makapag merienda kayo ngayong 3 pm, andiyan pa rin sila, madam." Pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Bongga talaga ng vaklang twoah! Salamat." Sabi niya bago tuluyang lumabas ng meeting room.

Aba?! Di man lang ako inaya?!

~

Mag iisang taon palang mula nung pagbalik ni ate dito sa Pinas pero grabe na agad ang kasikatan niya.

Maganda kasi talaga si bakla! Patok na patok siya sa mga gen z maski na millennials.

Isang buwan palang ang JMV Network pero lumago agad ito. Malaki na kasi ang tiwala sakanya ng mga investors at management dahil nagawa na niya ang pangalan niya.

Galing talaga tangina.

Need ko rin ata ma heartbroken para bumongga ng katulad kay ate eh!

Charot! Ayaw kong maranasan ang naranasan ni ate sa pag ibig. Maswerte siya na natagpuan niya pero siya ang pinaka malas dahil sa sitwasyon nila.

Ikaw ba naman maka kita ng greenflag at gwapo, mayaman pa at borta! Mahal niyo ang isa't isa pero dahil sa putanginang wrong timing, wala, di pwede at di na lalo pwede dahil pamilyado na.

Anim na taon na pero pucha pinagluluksaan pa rin ng mga bakla ang naudlot nilang relasyon. Pano pa kaya si meme?

Hays!

"Ay puta!" Napatalon ako sa gulat ng makita ko si meme sa harap ko.

"Nakakita ng multo?" Kunot noong sabi nito.

Hawak ko pa rin ang dibdib ko dahil sa gulat. Iniisip ko lang si ate kanina tas biglang andiyan. Kaloka!

"Jusko naman ate, bigla ka nalang sumusulpot, pota ka!" Sigaw ko sakanya.

"Aba, building ko to at ako ang boss mo tas nagugulat ka sa presensya ko?! Hoy, bading, baka may ginagawa ka nang kalokohan ka diyan, ah?!"
Mahaba niyang litanya.

Di pa rin talaga nagbabago ang meme.

Napangiti ako sa isiping yun.

"Huy!" Ni snap niya pa ang finger niya sa mukha ko.

"Wala teh, naisip ko lang kayong dalawa ni kuya Ion." Ani ko at inangat baba pa ang kilay ko.

Pang asar lang bakit ba.

"Gaga. Pamilyado na yung tao." Sumeryoso ang mukha niya.

"Sus, ano ngayon? Try mo ate, baka pwede pa, pakitaan mo ng hiyas." Biro ko pa.

"Gago!" Sabi niya.

Natawa nalang ako.

Ang pikon naman masyado! Eme lang eh.

"Marinig ka ng iba, Lassy, lagot talaga tayo."

"Hay, oo nga pala, matunog pa rin ang past niyo sa media." Nasapo ko ang noo ko nang maalala ko yun.

Piste na mga marites talaga to sa socmeds, ayaw tigilan ang dalawa.

"Mauna na ako, na drain ako sa usapan namin nila Jhong. Paki resched yung last meeting ko for today."

Di ko na siya tinanong kung bakit. Sinunod ko nalang.

Baka kasi bumingo na ako kay ate.

"Noted, madam." Sagot ko at tinawagan ang sekretarya ng ka meeting ni ate mamaya.

Di ko man itanong sakanya pero panigurado sa bar nanaman ang punta niya. Simula kasi nung ball ay napapadalas ang pag inom ni ate mag isa.

Minsan kasama ang mga kaibigan niyang artista at kapwa models pero mas madalas ang mag isa.

Di matatangging malungkot pa rin si ate. Pinag luluksaan niya pa rin ang naudlot nilang pag mamahalan.

Ilang beses man niyang sabihin samin at ipilit sa sarili na ayos na siya. Panigurado nasasaktan pa rin siya.

Minsan ko nang nahuli si ateng may pinapanood na video nila ni kuya Ion.

November 26 yun nung nanonood siya at sa pag kakatanda ko, November 26 niya sinagot si kuya Ion.

Video yun na naglalandian sila sa kama. Vlog nga ata dahil may pa what's up si meme.

Masaya yung video pero masakit yung view na nakita ko.

Umiiyak ang meme habang umiinom. Habang naka hawak sa dibdib at humihikbi.

Masakit na masakit siyang makitang ganon.

Minsan napag usapan namin ng mga beks kung what if mag balikan ang dalawa?

Dine-delulu na rin namin ang relasyon nung dalawa dahil perfect talaga sila para sa isa't isa.

Gustuhin man ng mga beks ang ideya na mag kabalikan ang dalawa. Hindi pa rin pwede dahil pamilyado na si kuya.

At mukhang mahal na mahal na talaga niya si Cat. Pinakasalan ba naman ng dalawang beses at inanakan pa.

Hay, pota!

Ayaw ko nang masaktan sa isiping Vice at Ion kaya ginawa ko nalang ang trabaho ko agad para maaga nang maka uwi.

My Secret | ViceIonWhere stories live. Discover now