sunday, funday

244 12 3
                                    

a/n: basahin niyo special chapter ng My Beki Secretary sa twitter ko @alwaysviceion, naka pin yun dun. basahin mo muna if di mo pa nababasa para di ka maguluhan.

---

Vice pov.

"I'm so glad you guys are here."

Bumeso agad si Cat saming dalawa ni Tony.

Napakalaki ng bahay nila. Halos kasi laki ng mansion ng mga Perez.

"I set up something sa garden, nandun na rin ang mga kids and si Ion."

Sinundan lang namin si Cat.

"Ang laki ng bahay nila 'no?" Usal ni Tony habang linilibot ang mga mata niya.

Napatango nalang ako.

Hindi ako maka function nang maayos dahil kinakabahan ako. Hindi ko rin alam kung bakit.

Bumungad saming ang garden na may tanim na mga halaman at bulaklak.

May set up na picnic at nandon ang dalawang bata naka upo. May charcuterie board sa lamesa, nakita ko dun si Ion na naka upo at minamasdan lang ang mga anak niya.

"Xian, Trixie, say hi to your ninang Vice."

Lumingon agad ang mga bata samin.

Kamukhang kamukha ni Ion si Xian, ang bunso nila.

"Hi, tita Vice." Nagmano agad sakin si Trixie.

"Good morning po." Pormal na bati sakin ni Xian.

"Nagmana talaga kay Ion yang si Xian. Napaka sungit, hahahaha!" Ani ni Cat.

Kinekwento ni Cat samin ni Tony ang kakulitan at ka sweetan ng mga anak nila.

Makulit at sweet si Trixie, tapos si Xian naman daw ay masipag mag aral, madalas na seryoso pero sweet naman.

Manang mana sa tatay.

Lumipas ang isang oras at kinuha na ng mga helper nila ang dalawang bata. Paliliguan daw at may swimming lesson parehas.

"Grabe super active nga mga bata. You're a good mom, Cat." Ngiting sabi ko.

May kirot sa puso ko kasi hahahaha bakit ba kasi wala akong matres, edi sana ako ang nanay ng mga anak ni Ion.

Hindi ko rin matignan nang ayos ang mga bata dahil nahihiya ako sakanila, hindi ko naman sinisira ang pamilya nila diba? Hindi naman nawala sakanila ang tatay nila.

Hinihiram ko lang naman eh.

"Ahh, guys, I have to go muna, there's an important meeting with my manager. I really need to go."

"I'll see you later, okay? Balik ako kapag kaya." Bulong sakin ni Tony at humalik sa pisngi ko bago umalis.

"Ah, ako na mag hatid kay Tony sa gate." Ani ni Cat.

"Good morning." Ngiting sabi ko kay Ion.

"Good ang morning sayo, eh sa akin?" Sagot nito.

"Sungit sungit mo, ang aga aga."

Inismiran lang ako nito.

"Babe, psst, bakit masungit?" Tanong ko.

"Kailangan ka pa i kiss? Saka bakit kasama mo pa dito yun." Seryosong sagot nito.

"Babe naman eh." Sinimangutan ko nalang.

Napalingon kami sa pag katok ng helper nila Ion.

"Ah, sir, ayaw po kasi magpabihis nila Trixie at Xian kung hindi daw po kayo ang magbibihis."

My Secret | ViceIonWhere stories live. Discover now