Vice pov.
Napakasakit ng ulo ko pagpasok. Malala hangover ko ngayon.
"Lassy half day lang ako ngayon. If may pumunta paki sabi i email nalang ako."
"Kaya pa ba ate?" Nag aalalang tanong ni Lassy.
I sighed. "Masakit lang talaga ulo ko. Mauna na ako."
Naghabilin pa ako sa iba kong staff bago umalis.
Napagdesisyunan kong sa Mary Grace kumain at ang pinakamalapit ay malapit sa kumpanya ni Ion.
Bahala na.
Hindi ko na tinanggal ang shades ko pagpasok dahil masakit sa mata ang liwanag.
Agad akong umorder ng hot chocolate at salad.
Nakatitig lang ako sa upuan sa harap ko nang biglang may marinig akong pamilyar na mga boses.
Napalingon ako dun.
Si Ion kasama ang asawa niya tapos si Jhong at Tony.
"Hi, Vice!" Rinig kong tawag sakin ni Cat. Nagmadali itong lumapit sakin.
"Uy, andito rin si Vice." Ani naman ni Tony.
Agad na nakipag beso si Cat sakin.
"Vice, can we join you?" Ngiting ngiting tanong ni Cat.
"Hon, wag na." Agad na sagot ni Ion.
Uhh???
"Why not? Ay! May date ka ba dito Vice? Business meeting?" Tanong ni Cat.
"Wala, you guys can join me, napadaan lang rin ako dito." Ngiting sagot ko. Bago umupo ay hinubad ko na ang shades ko.
Umupo sila, sakto sa harap ko si Cat at Ion, si Jhong at Tony naman ay nasa magkabilang gilid ko.
"You guys order na, tapos na ako mag order." Ani ko at tinawag ang waiter.
"So how are you, kamusta hangover?" Tanong sakin ni Tony.
"Ah, okay naman. Thank you nga pala sa gamot." Pilit na ngiting sabi ko.
"Ohhh, omg magkakasama kayo kagabi? Hon, bakit di mo sinabi saking kasama mo si Vice?" Baling ni Cat kay Ion.
"I could've join you there. God, I missed you Vice! Six months na since the ball."
"I missed you too! How's the kids?" Tanong ko.
"Ohh, they're fine. Sana magka free time ka para makapunta ka naman sa bahay. The kids will be happy to see you. How bout tomorrow?" Sagot naman ni Cat.
"Hon, busy si Vice. Madami pa siyang project. Don't pressure her." Pag pigil sakanya ni Ion.
"Aww, sorry, my bad! Basta Vice when you have free time, just message me." Ngumiti ito sakin kaya nginitan ko rin.
"Sure, sure." Tanging nasagot ko.
Kailan nga ba ako magkakaroon ng lakas ng loob makita ang dahilan ng paghiwalay namin?
Awkward silence!
"Ah, teka, Tony, ikaw naghatid kay Vice?" Biglang sabi ni Jhong.
"Ahh, yeah, yeah, I saw her half asleep na sa parkibg lot, tapos di ko na rin mahagilap si Bong."
"Oh, pano mo nalaman yung bahay niya?" Dagdag ni Jhong.
"I opened her phone and called one of her close friend na kilala ko, si MC then ayon, I asked san ko pwedeng ihatid si Vice." Paliwanag nito.
Ahhh, kaya pala. Di ko na rin kasi natanong sa mga beks kung papaanong naka uwi ako.
"Uyyy, I smell romance here. Tony, liniligawan mo ba?" Pang aasar ni Cat.
"Oo nga Tony, pinopormahan mo na ba si Vice?" Dagdag ni Jhong.
"Siraulo kayo, mahihiya na yan si Tony." Ngiting sabi ko.
Inasar kami tuloy lalo ni Jhong at Cat.
Habang tumatawa ay napatingin ako kay Ion.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
Dumating ang pagkain namin at inabot rin ng kalahating oras bago kami matapos.
"Guys, comfort room lang ako." Tumayo si Cat at humalik muna sa pisngi ni Ion bago tuluyang pumunta ng cr.
Hahaha ayaw ko po makita yan.
Biglang may tumawag kay Jhong. Tumayo siya pero ilang minuto lang ay bumalik rin siya, inaya niya si Tony. Lumabas silang pareho, tungkol daw sa project kasama si Tony ng kumpanya ni Ion , pero si Jhong ang naghahandle kaya siya ang kausap.
Yinakap ng katahimikan ang lamesa. Kaming dalawa lang ni Ion. Magkaharap pa talaga.
"Kamusta sakit ng ulo mo?" Nagulat ako at nagsalita siya.
"Masakit pa rin. Sobra." Sagot ko.
"Bakit ka kasi uminom ng madami." Tanong niya?
"Naaya eh."
"Yeah right." Pabalang na sagot nito.
"What?" Siraulo to ah, anong yine-yeah right niya.
"Pumunta kang si Bong ang kasama tapos si Tony nung umuwi. Bakit mga kaibigan ko, Vice?"
Huh?? Pinagsasabi nito??
"And? Ano ngayon?"
"All I'm saying is tinatarget mo ang mga kaibigan ko Vice."
"Oh tapos? Ano ngayon kung targetin ko sila? Ano sayo yun?"
Hindi siya nakasagot.
"Anong punto mo Ion?" Dagdag ko pa.
"Alam nila ang past natin." Galit na sagot niya.
Natawa ako.
"Walang sense yang point mo, Ion." Humigop ako sa kape ko.
"Hindi ka ba nahihiya Vice?"
Pumantig ang tenga ko sa narinig ko.
"What the hell do you mean? Ion pwede ba, wala kang karapatang diktahan ako kung sino ang lalandiin ko, ni hindi ko nga nilalandi ang mga kaibigan mo eh, sila ang lumalapit sakin."
Padabog kong inayos ang gamit ko.
Hanep tong mokong na to. Di ko maintindihan anong pinagsasabi niya.
"Tell them mauuna na ako." Ani ko sakanya bago tuluyang umalis.
Narinig ko pa siyang tinawag ako pero di ko na liningon.
Naabutan ko si Jhong at Tony sa parking.
"Una na ako guys."
May sinasabi pa sila pero nginitian ko nalang sila at agad nang pumasok sa sasakyan.
Nabwisit talaga ako nang malala kay Ion.
Pinagsasabi ng lalakeng yun?!
Pagdating sa bahay ay natulog nalang ako agad.
YOU ARE READING
My Secret | ViceIon
FanfictionBook 2 of My Beki Secretary. Six months after the Perez Corp Annual Ball, Vice and Ion kept stumbling over each other. When their skin touches it is still electric and makes their hearts flutter. Resisting temptation leads to a rethinking of so many...