Tony's pov.
Andito kami ngayon sa araneta, nanonood ng concert ni Darren Espanto.
Naging malapit daw si Darren kay Vice simula nung magkasama sila sa isang fashion show.
"He did improve, ano? Such a nice kid." Ani ni Vice habang nanonood kaming magsayaw ito.
"What's up araneta!" Bati ni Darren at naghiyawan ang lahat.
Nagtuloy tuloy ang concert hanggang sa nabanggit ang pangalan ni Vice.
"Thank you rin pala kay ate Vice, andito siya ngayon with ano, hahahaha! Thank you sa support ate Vice!" Tinuro pa niya kami.
Kumaway lang si Vice at ngumiti kaming pareho sa camera.
"Ate Vice, halika dito, samahan mo ako dito meme."
"Punta ka, dali!!" Pagpupumilit ko kay Vice.
Tumayo rin siya at tinulungan ko siyang umakyat sa stage.
Tinutok samin ang camera kaya hiyaw at tili ang naging reaksyon ng mga tao.
Pag akyat ni Vicey ay bumeso lang siya dito at binigyan siya ng mic.
"Uhm, hello?" Nahihiya niya pang bati.
Naghiyawan at palakpakan ang lahat, muntik pa akong mapatayo, hehehehe!
"Grabe suot mo meme, di ka ba linalamig?" Tanong ni Darren at nagtawanan ang lahat.
Hinampas lang siya ni Vice at natawa rin to.
"Guys kung di niyo alam, meme ang tawag namin sakanya. Mama namin siyang lahat pero dahil bading daw ang mama, meme nalang."
"Yes! Mga ka close ko tawag sakin meme, kaya di ko nga alam bat nakikimeme ka rin eh."
"Ay grabe! Grabe ka sakin, me!" Sagot ni Darren at nagtawanan sila.
"Pakilala ka naman sakanila meme."
"Si pala utos naman to, dapat i refund mo yung ticket namin ha, mag peperform pala ako dito, jusko, kala ko manonood lang."
Bakit kaya di subukan ni Vice ang hosting? Parang natural sakanya ang connection with audience tapos napaka witty niya pa.
"Teka me, pakilala mo naman kami sa date mo tonight." Ani ni Darren at halata ditong nang aasar.
"Ah, ano, si Tony, manliligaw ko." Kunware pang pag papa cute ni Vice.
"Grabeeeeee! Hard launch mo to ma!?" Hiyaw ni Darren kasabay ng mga nanonood.
"Huy, ang oa niyo, chinacharot lang kayo eh!"
Nagpakilala siya at nagkaayaan sila ni Darren kumanta.
"Solo ko?" tanong ni Vice.
"Ikaw ba meme, gusto mo i solo?"
Tumango siya bilang sagot kay Darren.
Sa intro ng kanta ay nakilala ko agad, December Avenue..nakikinig rin pala siya dun..
Sumeryoso ang lahat habang hinihintay ang boses niya.
Kung Di Rin Lang Ikaw by December Avenue
Ramdam ang emosyon sa pagkanta niya.
May kirot akong naramdaman, alam ko na para kay Ion yun.
Nasasaktan ako para sakanya.
Hayaan mong mahalin kita Vice, ipaparamdam ko sayo ang pagmamahal na kailangan at deserve mo.
Natapos ang concert at nananahimik lang si Vice.
"Are you okay?" Tanong ko.
"Ah yeah, pwedeng daan tayo ng mcdo? Mcfloat and fries please." Sagor niya.
"Yes, boss! Pwedeng pwede." Ani ko at pumunta agad sa pinaka malapit na mcdo drive thru.
"No, dine in tayo, please."
"Ohh, okay."
-
Habang kumakain ay tahimik pa rin siya.
"Na enjoy mo ba yung concert?" Tanong ko.
Sinusubukang i-angat ang energy niya.
"Yes na yes, hehehe! Nag enjoy ako makipag kulitan kay Darren." Ngiting sagot niya.
Sinubukan ko siyang kausapin pa, pero wala, naubos ata talaga ang energy niya.
...
Pagkadating sa bahay ni Vice ay may nakita akong pamilyar na kotse.
Ion???
"Vice, wake up." Marahan ko siyang ginising.
"Sorry, nakatulog pala ako." Nag inat siya at inayos ang mga gamit na dala niya.
"Ion is there." Bulong ko.
Napalingon siya agad. Nakasandal si Ion sa kotse niya na nakaparad sa harap ng bahay mismo ni Vice.
"What the hell? Why is he here?" Iritableng tanong ni Vice.
Sumama ako sakanga pagbaba, baka kailanganin niya ako eh.
"Vice." Mugto ang mata ni Ion.
"Bakit nandito ka?" Bakas ang panlalamig sa boses ni Vice.
"Let's talk, please." Lumapit ito kay Vice at hahawakan na sana ang kamay niya pero agad kong pinigilan.
"Ion, umuwi ka na." Ani ko at hinawakan ang balikat ni Vice at sumenyas sakanyang umalis.
"Wag kang makielam dito, Tony." Seryosong ani ni Ion.
Tinignan ko si Vice na nakatingin na rin pala sakin.
"Kaya ko na, you can go home now." Ngiti nitong sabi.
"Are you sure?" tanong ko.
Tumango siya sakin.
"Thank you for tonight, Tony, I enjoyed it. Salamat. I'll talk to you tomorrow."
Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.
Hinalikan ko ang noo niya at umalis na.
Hindi ko na tinignan si Ion dahil nababanas lang ako.
YOU ARE READING
My Secret | ViceIon
FanfictionBook 2 of My Beki Secretary. Six months after the Perez Corp Annual Ball, Vice and Ion kept stumbling over each other. When their skin touches it is still electric and makes their hearts flutter. Resisting temptation leads to a rethinking of so many...