crying shoulder

547 25 16
                                    

Vice pov.

Sinabihan ko si Lassy na di ako papasok today.

Monday.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

Pangalawang ring na rin kasi to eh.

"Nasa harap ako ng bahay mo, breakfast?" Sagot nung nasa kabilang linya.

Nagmadali akong bumaba at sinalubong siya.

"Good morning." Bati niya.

Laki ng ngiti. Bakit ba masiyadong mabait tong lalakeng to sakin?

"Pasok ka."

Dinala ko siya sa kitchen, linapag niya sa counter ang pagkain at umupo nalang rin ako duon.

"Eggdrop from coffee realm, bagong open na cafe." Linabas niya ang sandwich at kape na dala niya.

Agad ko itong linantakan dahil gutom na rin talaga ako.

"Ang sarap no?" Tanong niya.

Napatango nalang ako.

Sarap naman kasi talaga.

"Mura lang yan. Pag gusto mo ulit niyan sabihan mo lang ako." Malambing niyang sabi.

Nabilaukan ako dahil parang naiiyak nanaman ako.

"Dahan dahan lang kasi, Vicey." Ani niya at inabot sakin ang tubig.

"Thank you." Tanging nasabi ko.

Sinabayan niya akong kumain. Mabilis kaming natapos dahil di naman ganon kadami yun, pero mabigat naman sa tiyan eh.

Tinuro ko yung tissue at kinuha niya yun agad.

"Ano pang kailangan?" Tanong niya pagtapos i abot sakin yung tissue.

"Yakap." Bulong ko.

Agad niyang binuksan ang bisig niya para sakin.

Linapit ko agad ang sarili ko sakanya at yumakap nang mahigpit.

"Kamusta? Ayos ka lang?" tanong niya.

"Ang sakit, Tony." Sagot ko at umiyak na.

Magang maga na ang mata ko, puro iyak nalang ang ginagawa ko.

"Iiyak mo lang, dito lang ako sa tabi mo." Sabi niya at mas hinigpitan pa ang pagkayakap sakin.

Halos sampung minuto ang yakapan namin bago ako kumalma at nakahinga nang maayos.

Pumunta kaming sala at naupo sa couch.

"Lika dito." Tawag niya sakin at pina upo ako sa tabi niya.

Ang posisyon namin ngayon ay nakayakap siya sakin. Naka cuddle kami.

"Masakit nung nakita mo sila?" Tanong niya.

"Oo, masakit. Masakit na masakit pa rin pala." Pagtatapat ko.

"Itong mga marka sa katawan mo, siya ba naglagay niyan?" Tanong niya habang marahang hinahagod ang likod ko.

Hindi ako makasagot.

"Di kita papagalitan, Vicey, alam mo naman na ang ginagawa mo."

Humarap ako sakanya. Nakangiti siya sakin.

Mas hinigpitan ko ang pagyakap ko sakanya.

"Yung satin, ayos lang sakin na manatili sa tabi mo kahit bilang kaibigan lang. Wala naman akong ibang intensyon kundi alagaan at mahalin ka, kahit di mo masuklian, ayos lang." Litanya niya.

My Secret | ViceIonWhere stories live. Discover now