a/n: hindi maayos pagkasulat nito kasi minadali ko lang siya hehehehe, bibigay ko na gusto niyo, eto na oh! vote and comment please, tell me ano pa gusto niyo mabasa hahahaha
-
Vice pov.
Tumango lang siya.
"Teka." Usal ko at minessage si Anne.
to: Anne
Ion and I will talk this out na, I need my peace of mind. Can you come up of anything just so they'll think we're not together right now?
Agad rin naman siyang sumagot.
from: Anne
Ingat please. I love you sis.
"Let's go." Ani ko at pumasok sa kotse ko.
Agad rin siyang pumasok.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.
"Sa bahay natin." Tangin sagot ko.
Kita ko ang pagkagulat niya.
"Bakit di mo na sila kinausap lahat nung umalis ka?"
Natahimik ako sa tanong niya.
"Sabi mo mag uusap tayo, bakit nananahimik ka?" Dagdag pa nito.
"Argh, fine." Oo nga pala ako nga pala ang nagsabi na mag usap kami.
"Gusto kitang makalimutan. Wala akong kinausap na mapapaalala ka sakin. Gusto kong magpakalayo."
"Bakit mo ako iniwan?"
Napatingin ako sakanya.
"Alam mo ang sagot niyan." Seryosong sagot ko.
"Gusto kong marinig mula sayo." Parang galit ring sagot niya.
"Dahil ayaw kong madamay ang napaka daming tao dahil lang sa kasakiman ko. Ayaw kitang ipagdamot. Kung ibibigay at isusuko kita, aayos ang lahat."
"Pero hindi naayos lahat, Vice!" Biglang pasigaw niyang sabi.
"Hindi ka maayos, hindi ako maayos. Aminin mo sa sarili mong hindi tayo ayos at hindi na magiging ayos!" Dagdag pa niya.
Tangina neto ah.
"Ako lang ang di maayos, ikaw, pag uwi mo may pamilya kang uuwian, andiyan na ang pangarap mong pamilya at masaganabg kumpanya. Pag uwi ko, pag pasok ko at habang dumadaan ang bawat araw, nasasaktan ako. Wala akong pamilyang uuwian, walang asawa at anak, hindi pa maayos ang kumpanya."
Hindi ko na alam kung nag me-make sense pa ang sinasabi ko.
"Sating dalawa, ako lang ang di maayos, kasi putangina mahal na mahal pa rin kita at kahit anong pilit ko sa iba, di kita makalimutan!" Umagos na ang luha ko.
"Vice.." usal niya.
"Ako lang ang di maayos sating dalawa Ion. Ako lang ang naghihirap. Ganyan kita kamahal, itataya at ibibigay ko lahat makita ko lang na ayos ka." Sira na ang make up ko. Malalang iyak na ang ginagawa ko.
"Vice, mahal pa rin kita! At hindi rin ako masaya. Sino ba kasing gusto ko tong lahat? Vice aanhin ko lahat ng ito kung di naman kita kasama? Ang problema kasi sayo pinapangunahan mo ako eh."
"Ginawa ko ang tamang desisyon, Ion. Masaya na ang buhay mo ngayon. Maayos na ang lahat sayo."
"Hindi totoo yang sinasabi mo."
"Ano ba ang totoo para sayo Ion? Sige nga, sabihin mo sakin."
"Wala naman na akong ibang hiniling kundi ang mapayapang buhay kasama ka. Ang totoo, hindi pa rin kita nakakalimutan. Hinahanap hanap ko pa rin ang presensya mo. Mahal pa rin kita. Hindi ko kayang makita kang may kasamang iba."
YOU ARE READING
My Secret | ViceIon
FanfictionBook 2 of My Beki Secretary. Six months after the Perez Corp Annual Ball, Vice and Ion kept stumbling over each other. When their skin touches it is still electric and makes their hearts flutter. Resisting temptation leads to a rethinking of so many...