CHAPTER ONE

374 14 1
                                    

       "So ito na yon mga pare. Wala na tayong atrasan ha!"   si Peter habang nakatayo kaming tatlo sa harapan ng Dynamic Rythm. Medyo old style ang building pero maayos naman. Madaming nakapilang mag -o-auditon din.

       "Oo wala nang atrasan. Tara na nga dulo na tayo ng pila baka gabihin pa tayo."  kabadong wika ni Zach.

       Naka all black kaming tatlo... wala lang sabi kasi ni Peter masmadating daw ang kulay na itim kaya nagsuot kami ng kulay itim na damit ang kaso pinagtitinginan kami.

        "Para tayong aatend ng lamay mga pare."  bulong ko. Natawa lang si Zach at umiling.

        Umakbay sa akin si Peter.  "Lam mo Arth... wag kang mahiya tutal tatlo naman tayong mukhang aatend ng lamay e kapalan mo na mukha mo diba Zach."   bahagya kong binatukan si Peter.

       "Ewan ko sayo Pare. Basta mamaya galingan natin ha."  words of wisdom ni Zach.

      "Mga pare bili muna ako ng soft drinks sa tindahan.... kayo ano gusto nyong dalawa?"

       "Coke akin."  sagot ni Zach.

       "Si Dessa ang gusto ko pare!"  pilosopong sagot ni Peter kaya nakatanggap siya ng mahinang hampas sa braso Mula Kay Zach.

       "Anong akala mo kay Odessa paninda? L*ko ka pare. Parang hindi mo makikita pag uwe natin ah."  sita ni Zach. Natawa lamang si Peter.

       "Okay so Tatlong Coke bibilhin ko."  medyo may kalayuan lang ang tindahan. Pagliko ko may nakasalubong akong sasakyan makintab ang kulay nito o baka bagong bili lang napatitig ako dito dahil kitang kita ko ang repleksyon ko.

ANG GUWAPO NIYA! mag-o-audition ba siya? Oh god! I like him! Kaso mukhang suplado. Saan kaya yon pupunta.

      "Sinong tinititigan mo, anak?"

      Bumaling ako kay Mommy at ngumiti. "Nothing. Ummm pwede po ba akong manood mamaya sa audition?"

      "Sure beside you need to learn our business. I'm not getting any younger Charlotte."

       "Okay. Mommy!"  ewan pero nakaramdam ako ng tuwa. Makikita ko uli si pogi.

      "Ang tagal mo Arth. Hindi mo nakita yung bagong dating." 

     Tahimik lang si Zach nang iabot ko sa kanya ang plastik ng Coke.  "Bakit naman Peter?"

       "Hay naku Arth wala kang aasahang magandang sagot dyan sa isang yan... Kay Odessa lang ata yan nakakapag isip ng matino."

      Tumawa si Peter.  "Mahal ko Kasi yon mga pare. Straight from the heart!"

      "Oo straight from your heart na. Kapag niloko mo yong tao mabibigyan ka ni Zach ng straight from your face."  pareho kaming natawa ni Zach sa sinabi ko.

       "Ha ha ha sige tawa kayong dalawa. Babaero ako pero kilala ko kung sino Ang gusto ko. Ramdam kong siya na yung nawawalang kalahati ng puso ko." 

       "Seryoso ka na ba niyan Peter o tatawa na kaming dalawa ni Zach?"  Ngumiti lang ito.

        "Kalahati ng puso ha... baka kalahati ng puson yan Peter? Hoy pare igalang mo si Odessa magkakalimutan tayo kapag ikinama mo lang siya."  seryosong sambit ni Zach.

       Sinisip muna niya ang hawak na plastik ng Coke.  "Don't worry pare hindi ko siya ikakama kasi ibabahay ko siya. Seryoso ako sa kanya."

       "Babaero ka kasi Peter kaya alanganing si Zach sayo."

       "Wow grabeh. Hindi ko lang pinagdadamot yong sarili ko sa mga babae alam nyo yon nagiging mapagbigay lang ako. Bakit ikaw Arth wag mong sabihing Hindi mo din ginagawa yong ginagawa ko."

Just Once my Wild Charlotte Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon